Friday, November 25, 2005

Ku Ku Kuro Kuro

As i was reading the tabloid yesterday, nabasa ko na magsisimula na pala yung SEA GAMES dito sa pinas. Cant help but feel sorry both for the athletes as well as sa mga organizers. Why? Nobody even cares, para bang this is just a plain celebration that we dont have to get involved with.

Inaamin ko im guilty na hindi ko man lang alam na magsisimula na pala ang sea games. Kung di ko pa nakita yung mga "tarpolin" kahapon sa EDSA, hindi pa ako magkaka-idea. Nagkaroon tuloy ako ng interes na alamin ang tungkol dito.



Maraming beses ko na rin naman napapanood sa TV yung mga atleta, ngayon ko lang napagtanto na nagiimbita pala sila na panoorin ang seagame ang buong akala ko kasi, meron na naman bagong pelikula sina Manny Pacquiao o si Onyok Velasco. Ba mala'y ko? Nakita ko sa tabloid yung litrato nung palabas at dun lang ako natauhan.

Napagalaman ko rin na kung balak mong manood ng mga events ay maghanda ka na malaki-laking pera. Aba'y sa iba't-ibang parte pala ng pilipinas gaganapin ang mga palaro. Bongga! Isa na rin sigurong paraan para mapromote ang pilipinas. WOW! Maganda idea... Naisip ko.

Ang katanungan ko lang bakit kailangan may entrace fee? Balak ko pa naman panoorin yung Badminton. Nung malaman ko ang halaga ng entrance fee, i might as well spend it eating. Mantakin mo P825 something ang ticket na gaganapin sa ULTRA. Nah ... di na ko manonood. Sa TV na lang.

Ang rason nila kong bakit may "FEE" kasi daw pambawi nila sa ginastos nila sa venue at iba pang utility expenses. Nak nang tucha naman! Wala bang kompanyang nagsponsor sa malaking event na ito. Bakit kailangan magbayad ng mga organizer sa mga venue? Bakit kailangan magbayad ng electric sa Meralco? At kung ano pang ka-ekekan .... *sigh*

Mangmang nga siguro ko at hindi ko naiintindihan??? Pero simple langn naman. NASYONALISMO .... tutal isang linggo lang naman yung EVENT!

Wednesday, November 23, 2005

F W E N S H I P


Image hosted by Photobucket.com
'>

Sarap talagang bumalik sa pagkabata, yun bang wala kang iniisip kundi maglaro lang. Last sunday nagpunta kami nang mga opismate ko sa EK (Enchanted Kingdom) at isa lang masasabi ko. Sobrang saya!

Hindi ko man nasakyan yung ibang mga rides dahil sa takot ako, nagenjoy naman ako kasi kasama ko yung mga makukulit kong kaopisina. Mamimiss ko talaga yung mga happenings namin sobra.

Wala akong kwenta pagdating sa mga gimik sa "theme park" kasi takot ako magsasakay sa mga ride. Masaya na ako sa carousel at bump car. Syempre kasama tropa nakakahiya naman kapag hindi ako sumakay, ayon nayaya akong sumakay dun sa pambatang "Roller Coaster" nak nang tucha!!! takot na takot ako. Pagbaba ko sa ride, nanginginig ang katawan ko at putlang-putla ang balat ko. Pucha! Hindi ko talaga alam kung bakit, takot talaga ako sa mga matataas na lugar. Pinagtatawanan nga ako ng mga kaopisina ko. Tawag tuloy nila sa akin "BOY NGINIG" sige tawa pa!!! Wehehe....

Dahil dun hindi na nila ako niyaya pang sumakay ng ibang ride. Pero tuwang-tuwa ako sa "Rio Grande Ride" ... napakaexciting kasi kompleto kami sa isang raft at lahat kami basang-basa. Hinintay naming magsara ang EK hanggang 10pm.

Ano pa nga bang pinakasamayang paraan para tapusin ang araw na ito kundi manood ng "FIREWORKS"


Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, November 22, 2005

Wicked??

YIPEEE!! tama si ka watson, sobrang lupeeeeeetttttttt ng HARRY POTTER 4. Sulit na sulit ang binayad ko. Sarap ng piling bumalik sa Hogwarts. Matagal ko na ring nabasa yung libro, pero iba talaga kapag nakikita mo na sa big screen yung dating iniimagine mo lang. Nakakatuwa kasi sinamahan ako ng mga kaopisina kong manood.

Kung di niyo pa napapanood ... aba'y ano pang binabasa-basa mo diyan... tara na!!!!


x's
may attached sana akong pic hindi ko ma-center di ko lam gawin ko. Boplaks na naman ako sa HTML... pucha tatawanan na naman ako larry at dada. huhuhuh

Friday, November 18, 2005

When was the last time???

kelan nga ba huling umiyak? hindi ko na matandaan. Siguro ilang taon na rin ang nakalipas, hindi naman dahil sa masayahin ako. Nalulungkot din naman ako pero hindi pa naman humahantong sa puntong pumapatak na yung luha sa mga mata ko.

Hindi ko rin namang magawang umiyak sa tuwing nanonood ako ng TV o kaya ng pelikula, kasi minsan lumilingid na yung luha ko tapos bigla akong kakantsawan ng kasama ko, mahihiya tuloy siya pumatak.

Kanina gusto kong umiyak ... di ko alam kong bakit. Gusto kong ilabas yung mabigat na pakiramdam na nadarama ko kaninang hapon. Nagising ako ng hapon, mga isang oras pa lang ako natulog. Bigla na lang akong nalungkot. Di ko alam kong bakit. Basta nang mga oras na yun gusto kong umiyak. Napaisip ako matagal-tagal na ring hindi ko iyon nagagawa. Ngunit hindi rin pumutak ang mga luha ko.

Sa sobrang kakahintay na ako'y maiyak ... nainip ako. Nilaro-laro ko yung cellphone ko sa pagitan ng mga kamay ko. Di ko namalayan tulog na pala ako....

Thursday, November 10, 2005

Tell Me If U Can Take This

Pag sinabi nila call center agent, isa lang agad ang pumapasok sa isip nang tao .. ay mga walang alam magaling lang mag-ingles ... kala lang nila yun.. heto yung 5 bagay na natutunan kong dapat meron ka kapag gusto mong magtrabaho sa call center.

1. Kung ikaw yung tipong pala-absent, wag mo nang balikan na pumasok pa sa call center. Dahil sa isang call center. Umabsent ka lang nang isa, maigting na ang tingin ng boss mo sa iyo. Tandaan kumikita ang kompanya sa numero ng tawag na natatanggap nila, so kong absent ka mababawasan ang tawag which also mean, walang kita...

2. Kaugnay dun sa una, bawal ang ma-late ... kung kinakailangan 1 hr o 30 mins bago ang yung shift ay nasa opisina ka na. May ibang call center na kailangan mong magbasa everyday ng mga email updates o kaya naman kailangan maaga ka para mabuksan mo na yung mga "tools" na kakailanganin mo sa pagtanggap ng calls. Isang malaking paglabag sa polisiya ng isang call center ang pagiging absenero at pagiging late.

3. Multi-task .... isa sa pinaka-importanteng skill na dapat meron ka kung gusto mong maging succesfull bilang isang call center agent, Madalas habang kausap mo yung customer sa linya ay tinatype mo yung pinaguusap nyo. At kung minsan kung sobran galing mo. tulad ko (ahem!!!) wehehe ... kaya mo pang magblog at magsurf sa frendster mo habang ngta-type at kausap yung customer.

4. Pasensya .. yan ang pinakamalaking dapat na meron ka. Kahit na mura-murahin ka pa nun kausap mo dapat smile at apologize ka pa rin. Bayad ang pagiging plastik pagdating sa mga call center agents. Sanayan lang din, pag di mo na matiis yung kausap mo. I-mute mo na lang yung headset mo at sabay sabi ng isang malutong na mura... wehehehe ... yung lang ang bawi mo. Sabay balik sa kausap at apologize ulit... ganun lang.

5. Dapt marunong karin makisama. Di lang sa kausap mo sa telepono, pati na rin sa mga taong kasama mo sa opisina. Alam nyo naman ang call center masyadong marami kayo, halo-halong personalidad at paguugali. Hirap makahanap nang mapagkakatiwalaan. Ngayon mabait sa iyo, bukas winawalanghiya ka na... ganun lang yun. Pati na rin sa mga boss mo. Minsan nga magugulat ka pa kasi mas matanda ka pa sa boss mo. So dont expect too much of professionalism when it comes to some of your boss. Di ko sila nilalahat, but it is not enough na magaling ka, kailangan marunong kang humawak at makisama sa mga empleyado mo.

Bilang pagtatapos ... kung tatanungin ako. Masaya ako sa trabaho ko, kasi alam ko yung mga nakilala ko rito ay mga tunay na tao. Swerte ko lang talaga. Pero wala akong balak na mabulok at magtagal sa propesyon na ito... YUCK!!! wehehehe

Tuesday, November 08, 2005

Gising Buong Magdamag

last friday night, gumimik kami nang mga bago kong kaopisina sa may timog. we are planning to go to this so called bar named "xymaca" but the place is jammed with people kaya't we tried to look for a different bar. U-mo- o na rin akong sumama sa kanila, tutal libre naman nang isa kong kaopisina na napromote.
Kumain muna kami sa "brother burger" na amoy putok yung loob nung restaurant. Ang isa pang nakakainis, ang tagal nung service. Nung malaman ko kong bakit ang tagal ng order ko yung pala mali yung pangalan na tinatawag nila imbes na airwind .. ruel yung tinatawag nila. kaya naman hindi nila ako mahanap. kung di pa ko lumapit sa counter at nagtanong malamang na hindi ko pa malalaman na ang pagkarinig pala nung kahera sa pangalan ko ay RUEL. So tinama ko siya sabi ko "Airwind name ko." Sagot niya "ano po louie"? ... gusto kong sumigaw nang mga oras na yun, gutom na gutom na ako tapos bingi pa yung kausap ko. Makalipas ang 30 mins, sa wakas naserve na yung order kong isang burger at fries....

natuloy ang gimik sa may bedrock sa timog. ayoko na ngang pumunta doon dahil may masamang karanasan ako sa bar na yun (kung ano man ang nasa isip nyo, hindi yun!!). Wala nga lang akong choice kasi nanduon na kami. Sakto kasi nagshoshoot yung bagong channel ng 7 yung QTV channel 11 (oi promoting). Madaming banda ang nadoon upang tumugtog. Nandoon din si raymond at si bianca king. Hindi ako mahilig sa artista. Totoo yan! kaya nga nung inalok kaming tropa kung pede kaming magpainterview, lahat kami walang imik. ang nasabi na lang ni bianca (this is on a conyotik ... matining ... childish voice) "they dont like me.." sabay talikod.

natapos ang gabi .. ang naubos ang isang bote nang tikila at tigiisang bote ng san miguel strong ice. Tapos magbar, napagplanuhan ng tropa na kumain ng siomai sa jade valley, ngunit pagdating namindun hindi sila nagseserve ng ice tea kaya ayun pumunta na lang kami kay pareng mcdo... eto yung mga picture namin.....

Image hosted by Photobucket.com

"Eto medyo bangag na kami sa loob ng BEDROCK" Yabadabadoo!!!

Image hosted by Photobucket.com

"Doon tayo sa MCDO at magpicturan tayo!!!"

Image hosted by Photobucket.com

"GWAPO AHH - kimpoy ... PUFFY EYES - gcel"

Thursday, November 03, 2005

call me pathetic if you like ....

nangyari na ba sa iyo na bigla na lang sinabihan ka ng kaibigan na "WAG MO KONG KAUSAPIN" .... yun bang hindi mo naman alam kung ano yung ginawa mo, tapos bigla ka na lang sasabihan ng ganun??? tapos pag nakita kang tumahimik. sasabihan ka naman ng "BIRO LANG!!"
nakakainis diba??

hindi mo tuloy malaman kong totoo bang may sama siya nang loob sa iyo o talagang binibiro ka lang.

Ewan ko pero ako iba ang pakiramdam ko kapag sinabihan ako ng ganito. Hindi ko ma-explain kong bakit. Napapaisip na lang tuloy ako kung ano nga ba ang nagawa ko.

Naniniwala kasi ako na ang biro ay kalahating di totoo at kalahating totoo (syempre!!).

Wednesday, October 19, 2005

T.L ako sa iyo

may nakilala ka na bang tao na may pagka "suicidal type?" yun tipong di niya kayang mabuhay dahil sa sobrang depresyon?? ako marami akong kakilala .. pero di ko ka-kosa.

Pano kung isa kang babae na may syota tapos gusto mo nang makipaghiwalay dahil sawa ka. Tapos binantaan ka nang syota mo na magpapakamatay siya kapag iniwan mo siya. Mato-touch ka kaya? o matatakot ka at hahayaan mo na lang siya? iisipin mo kayang nagbibiro lang siya? baka? oo? baka? hindi?

Paano kung may syota ka at mahal na mahal mo? ang saya-saya nang relasyon niyo tapos isang araw, sinabihan ka niya na ayaw na niya sa iyo? magpapakamay ka kaya? o tatakutin mo yung syota mo na magpapakamatay ka? may mapapala ka kaya? itutuloy mo ba kung tuluyan ka ng syota mo na iwan ka?

Isang kabaliwan ang pagpapakamatay, dahil sa pagibig. gasgas man ang linyang "marami pang iba diyan" pero ako naniniwala akong lahat nang tao may katuwang.....

Tuesday, October 18, 2005

for you i will ... *sigh*

masaya't .. malungkot ako sa mga nanyayari sa mga katropa ko. Hindi ko alam pero sobrang miss ko na sila....

Unahin ko kay ...

PAULINE - kaklase ko siya mula 1st year college hanggang 1st sem ng third yr. Lumipat man siya ng panggabi nun 2nd sem hanggang 4th year. Hindi pa rin namin nalilimot na magkita. Ayoko na lang isipin na dahil kay jay-r kaya lang siya napapadalaw sa amin noon. Naaalala ko yung mga araw na wala kaming pera at gutom kami. Naglalakad kami sa sm north, bente lang pera namin kaya't bibili na lang kami nung benre meals na wendy's o kaya yung spag ng A&W. *sigh*

MEANN - isa sa mga taong malaki ang utang na loob ko. Matagal na kaming hindi nagkikita, sa pagkakaalam ko ang huli e nun valentine day pa. *sigh*

DADA - pucha!!! yung mga kulitan. yung mga jamming namin tuwing sasapit ang ala sais ng gabi sa tridel. Ang walang humpay na pagbloblog .. ang walang tigil na panonood ng game ka na ba? tuwing tanghalian. Nagpakilala sa akin nang "sassy girl" na hanggang ngayon e hindi ko pa rin makalimutan. *sigh*

LARRY - ewan ko ba? pucha iba talaga ang dating ng taong ito. Ito ang nagmulat nang mga mata sa katotohanan ng buhay... huwwawawawa .. ayoko nang magsalita pa baka may masabi lang ako.... potah!!!

BUTSOK - yan ang binansag ko sa kanya at hanggang ngayon nakilala na siya sa tawag na yan. sus ... noon nahihiya pa siyang gamitin yung palayaw na yan. pero ngayon pinaglaladakan niya pa sa blog niya. *sigh*

JM - napakabait kong naging kaibigan sa tridel. mga kulitan. yung mga araw na naglalaro lang kami sa pc niya kahit may pc naman ako. natatandaan ko pa yung keyboard niya na madalas mahulog sa kinalalagyan. nakakatuwa, yung mga ismid niya. yung mga pagtimpla niya ng kape ko. yung mga banat niya na tagilid o pagkwento sa buhay ng boyfriend niya ... *sigh*

marami pa sila ngunit ito lang sa ngayon ang talagang naaalala ko at di ko makakalimutan..... *sigh*

Monday, October 17, 2005

yuhoooo!!!

hey! kamusta na nga ba ako? kamusta na ang patatas na kunwari e bise-bisehan sa trabaho? hayaan nyong update ko naman ang blog ko.

Minsan nakakalungkot kasi hindi na ako makapagupdate o makapagbasa man lang ng mga blog nang mga kapwa blogirista ko. *sigh* ... minsan nga parang gusto ko na lang ihinto ito. pero sayang naman. nakakatuwa pa naman kapag binanalikan ko yung mga dati kung mga entry. natutuwa ako na nanyari pala sa buhay ko yung mga bagay na yun. marami akong gusto isulat. kung pede nga lang na idikta na lang sa kompyuter yung nasa isip ko at bahala na siya magtipa nito. kaya lang hindi ganon e. *sigh*

Ano nga ba ang nanyari sa akin??

Noong nakaraan na buwan ng septembre pumalo ako na pangatlo sa opisina namin bilang isang mahusay na tech ... opo pangatlo??? ultimo nga ako hindi makapaniwala. kung nung augusto e, pangisang daan ako sa mga manggagawa dito, e noong isang buwan lamang e umakyat ako sa pangatlo. ilang beses ko na bang nasabing pangatalo ako?? wehehe....

halong presyur at takot ang nararamdaman ko. kasi mas naniniwala ako ng mas maganda yung nagsisimula ka sa baba pataas. keysa yung nagsimula ka sa taas tapos gugulong kang diretso pababa. dagdag pa roon anf expektasyon ng mga kasamahan mo na kailangan higitan mo ang dati mo nagawa.

*sigh* pagod ... puyat .... miss ko na ang pagblogblog :((

x's,
di ako makapagblog sa bahay kasi nireformat ko yung pc ko. nagpapabibo na ako nang todo. kinakalikot ko na yung kompyuter ko sa bahay......

Friday, October 07, 2005

mahirap maging artista

im sick, paano ba naman for the last two weeks hindi ako nakakakumpleto ng tulog ko. Simula nung nangshopping kami ng tropa sa bambang. Hanggang ngayon. Eto ang detalye.....
SEP 18 - umuwi ako nang 9am nang umaga galing sa shift, imbes na matulog. inintay kong dumating sina jomar at car para dun sa fud trip namin at pamimili sa bambang. Refer na lang on my last entry....

SET 25 - outing the team namin sa laguna. Umalis kami nang opis after shift. Diretso sa laguna. Balak ko sanang matulog sa biyahe, pero hyper mode ako during the whole trip. Kaya ayon hindi ako natulog. Pagdating namin sa laguna, imbes matulog na swimming agad ako. Binalak kong matulog pagkaahon, kaya lang di na pede kasi basa na yung damit ko, e nagaalala ako baka kulangin yung dala kong damit. Natulog ako ng 2am na. nung time na hindi ko na talaga, yung bang pakiramdam ko na gang rape ako sa loob ng bilangguan.

OCT 3 - imbes na mamahinga ako sa bahay, e naglaro ako na badmniton. Nagkayayaan kasi kami ni ate sonia. E matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapaglaro so nahikayat ako. 2 hours din yun. Ang malupit pa dun, may kakampi si ate son pero ako magisa lang. (syempre nanalo pa rin ako) wehehe!!!! tapos nun sumama pa ako kay ate sonia, imbes na umuwi. Kumain kami sa labas at dumaan sa sm para tumingin ng cellphone. Napabili tuloy ako ng electric fan. Mga 8pm na rin ako nakarating sa bahay.

Kinabukasan .... iba na ang pakiramdam ko. Nanghihina na ako. Sumasakit ang katawan ko. Inisip ko, baka naman sa pagbabadminton lang kaya sumakit. Ganun naman talaga kapag hindi sana'y sa ihersisyo yung katawan mo.

Sumunod na araw - masama pa rin ang pakiramdam ko. nadagdagan pa ng sipon. At iba na yung sakit ng katawan ko. may halo ng panginginig at pamamanhid. Medyo kinabahan nga ako. Pero inisip ko na lang na mawawala rin ito.

Kahapon - wala na akong balak pumasok, dahil sa hindi na rin masyadong magandang ang tono ng boses ko. (e yung pa naman ang puhunan ko) wehehe. Lumala na yung sipon ko, yun bang bawat yoko ko, tumutulo yung sipon na parang gripo sa ilong ko. puro tubig ... as in tubig talaga. Uminom na ko nang gamot "NEOZEP"

Ngayon .... eto hindi na masyadong masakit ang katawan. pero ang sakit na nang ilong ko sa kakasinghot ... naisip ko meron kayang machine na pede higupin lahat ng sipon sa ilong ko????

Mga susunods ko pang lakad sa weekend na ito...

OCT 8 - may laro ulit kami na badminton at sa gabi gigimik kami ng mga dati ko kaopisina sa PLDT.

OCT 9 - lalabas kami nina ate son kasi bday niya... ililibri ko sila sa chef de angelo sa galleria....

OCT 10 (12am)- pers day of shift ulet....

TULONG PANO PA AKO MAGPAPAHINGA!!!

Tuesday, October 04, 2005

Meet my new team

"TEAM FABRIQUIER"
Left to Right: Coach Aris, Coach Dottie, Liza, Gisselle, Me, Jenny, & Rodel
Wala si Teejay kasi siya camera man. (Churi!!!2x)

Delayed na itong entry ko kasi nanyari ito nung last sunday Sept 25. Sa kadahilanang ala naman masyadong fancy nanyari sa akin, bukod sa pumasok sa opisina at matulog. E ipopost ko na lang ang mga pictures at ipakilala ko sa inyo kung sino-sino ang mga new found fwends ko sa DELL. Baka may kakilala pa kayo......

Nagswimming kami sa laguna at hanggang ngayon di ko pa rin matandaan yung pangalan nung lugar. Ang landmark ko lang e, ito yung village sa tapat ng Monte Vista resort. Nagsisismula yung pangalan nung village sa letrang "M" so pedeng Mariposa, Maligaya ... at kung ano-ano pa. Sa loob ng village na yun ay maraming private house na nagpaparent ng private pool. Naka-jackpot nga kami kasi yung narentahan namin bahay e mura. Sa halagang Php 3,300 nakapagovernight kami dun sa bahay na may 3 kwarto, libreng videoke at libreng gamit ng kusina (kasama na yung gasul at ref). Ang sabi nga sa amin nung caretaker, kapag summer daw doon e pinaparent nila yung lugar ng 5K to 7K. So laking discount talaga.

Namalengke na kami sa calamba market bago pa man kami pumunta dun sa resort. Para tipid. Bukod pa yun sa mga baon naming pagkain... heto ang ibidensya ng pagka animal namin sa pagkain... wehehehe

Ito yung agahan namin kinabukasan. Sorry hindi namin nakunan yung pananghalian namin nung unang araw kasi ganun kami kagutom. Hindi na namin naisipan pang picturan ... wehehhe
Mga pagkain:
Inihaw na tilapia, Inihaw na Hotdog, Itlog na maalat na may kamatis , adobong manok at baboy at syempre bilang panulak Tequila.. wehehe




CAUTION:
Epekto nang walang tulog at mag-oovernight swimming. Huwag tularan!!! Samahan nyo pa yan nang busog na tiyan at umaagos na malinis na tubig ng laguna. Halina't magbabad tayo???





Ang mga susunod na larawan ay sadyang nakakabahala
"PATNUBAY NG MAGULANG AY KAILANGAN"





Thursday, September 29, 2005

missing you

i decided to leave you
due to the fact that i loved you, so much
i pretend all through out these days that i can do it
but it seems that im wrong
seems that im not strong enough to let you slip away

here i am now, still saying that i can do it
that my life will still go on even if you're not around
trying to devout my whole attention to my work.
but im wrong everywhere i looked there is you ...
there is the sweet smell of your fingers ...
that surely my mind cannot erased.

given the chance to turn back time
ill probably choose to stay with you
even if it meant me not fulfilling my dream.
coz you to me is everything that i wished for ....

nakuha ko dun sa old post ko sa deviant account ko!! nakakatuwa... weheheh.. senti !!!! bwuhaha

Tuesday, September 20, 2005

shopaholik

nagtrip kami kahapon ng mgs highschool friends ko. we went to "bambang" at "tutuban." madalas naman ako pumunta nang tutuban pero pers time ko sa bambang.

Matagal ko nang naririnig ang ukay-ukay sa may bambang. Ngunit di pa ako naglakas loob na pumunta doon kasi nga hindi ko alam. Noong nasa ePLDT pa ako, madalas kaming pumunta doon, hindi pa ra magukay-ukay kundi kumain ng tapsilog. dinadayo pa namin yun ng mga kaopisina ko. Meron kaming kinakainan dun na sa halagang 25 pesos lang e may tapa, sinangag at itlog ka na (TAPSILOG) at ang masaya pa dun ay mayroong libre bagoong at kamatis. yum..yum..yum.....


Ngunit kahapon hindi yun ang pinunta namin, kasama ang highschool prends ko na sina maricar, sharry, at jomar.napagkatuwaan ng grupo ang pumunta at tutal dun rin nakatira yung isang kapatid ni maricar sa bambang, kaya't alam niya ang pasikot-sikot sa lugar. Nais ko rin kasing bumili ng bag na bago at sinabi sa akin ni Maricar na meron nga daw bag doon na branded pero sa murang halaga lang ibinebenta at matatawaran mo pa. san ka pa??

So pagkatapos naming magfood trip sa paresan. Dumiretso agad kami sa bambang. Pucha ang sarap pa lang mamili dun. Isa lang siyang palengke ngunit ang mga paninda e mga damit, sombrero, bag at kung ano-ano pa.Sa sobrang mura nang paninda may nakita nga akong mga NIKE na shirt na 250-350 pesos lang ang halaga at may iteketa pa ang mga ito ah ... tumingin din ako ng mga jacket, dahil nga malamig sa opis. Yung mga branded na jacket, nasa 600-850 ang presyo. WOW talaga. Ang nakakalungkot nga lang yung ipinunta ko na pagbili nang bag e nauwi sa wala. Kasi yung sinasabi ni maricar na maganda e nabili na raw. Malas talaga!!!

tip sa pagpunta sa bambang:

1. Bumili kayo dun sa loob ng palengke, huwag sa labas. Dahil mas mura sa loob. Pareho lang nang paninda.

2. Tumawad!! tumawad!!! tumawad!!! wag lang sobra, baka masasak ka na.

3. Matutong mambola rin nang tindera o tindero. Minsan pagmedyo feeling close kayo nung nagtitinda e. Mas mabibigyan ka ng malaking diskwento.

4. may isang pwesto sa palengke ng bambang na nagtitinda nang puro branded. Sa may bandang looban nga lang. Yun bang puro levis, mossimo, nike at kung ano pa.

5. Talasan ang mata... kasi meron din naman akong nakita ng mga imitation lang.

so tara bili na tayo sa bambang.. wehehehe

Wednesday, September 14, 2005

usapang mabait

ayoko sa taong mababait.... lalo na yung mga sobrang bait. una sa lahat, mahirap silang pakisamahan. hindi mo alam kong dapat ba akong mag po at opo sa kanila para magmukhang mabait din. Di ko lam kung dapat ba akong humingi palagi nang paumanhin sa tuwing makakagawa ako ng kasalanan.

madalas kasi sa mga mababait na tao yung masyadong balat sibuyas. konting kibot magagalit na, kahit na alam naman niyang nagbibiro ka lang. yung bang hindi ka na lang biglang papansinin. magkikita na lang kayo isang araw, tapos na ha o ho wala kang maririnig sa kanya. at ang nakakatuwa pa sa mga taong mabait, kahit galit na nakukuha pa rin ngitian ka o kaya naman ay tanguhan ka kapag nakikita ka. walanghiya... bakit kaya hindi niya na lang ako sapakin agad sa mukha o kaya pagmumurahin ako. mas gusto ko pa yun, at least nailalabas niya yung galit niya. at nalalaman ko rin yung mga pagkakamali ko. e kaya lang mabait nga e!! kaya hayun magpapanggap na walang nanyari, pero meron kang maririnig ng bulong-bulongan na may sama siya nang loob sa iyo.

hindi ko maintindihan. sabi nga nila mahirap galitin ang taong mabait. dahil iba sila kung magalit. Anong iba?? yung bang bigla na lang mananahimik at hindi ka kakausapin ni yung may salang tao e walang kaalam-alam na kinasusuklaman na pala siya.

kaya ako mabait ako... pero nasa lugar. galit ako kung galit ako at sinasabi ko kung galit ako. kasi ayoko ng nagiipon ng galit. lalo na't sa kaibigan ko.

diba ika nga nila kung kaibigan mo ang isang tao dapt sinasabi mo ang mga pagkakamali nila. kung nasaktan ka man nila dapat sabihin mo sila na nasaktan ka at wag na nilang ulitin muli. ganun lang naman yun diba??

Saturday, September 10, 2005

isa munang patalastas

its been so long since my last blog. im up on my 2nd week here at "ops". Pumuslit muna ako, ang susubukan kong magsulat ng entry.
Ilan minuto na lang maglologin na ako at kukuha na nang tawag mula sa mga kliyente ng dell.
Nakakamiss na yung mga panahon at oras na wala akong ginagawa kundi ang maging regular visitors ng mga blogger sa loob ng blog world. Naalala ko pa na madalas kong makita ang pangalan ko sa mga comment box ng ibang blogarista at kung hindi ako nagkakamali, marami na rin akong buhay na nakilala, mga taong hindi ko pa nakikilala ng personal ngunit naging bahagi na ng pangaraw-araw kong gawain.
Noon pagdating ko ng bahay o mapaopisina man. excited na excited akong magconnect sa internet, kasi mababasa ko na naman ang mga pakikihamok ng mga naituring ko nang kaibigan ko sa blog world.
Itong entry ko nagyon ay para sa mga naging kasama ko sa ilang buwang kong ginugol sa pagsusulat sa blog ko. Na laging nandiyan, mapawalang kwenta man o meron ang laman ng blog ko. Labis akong natutuwa sa inyong pagbisita at pagkokomento..... nawa'y kayo'y wag magsawa.
At kung pagbibigyan ako ng oras, hayaan nyo't dadalaw ulit ako sa mga site ninyo at makikibalita......

Tuesday, September 06, 2005

FOB

what a week, nagsisimula na ako sa operations, dahil pinayagan na rin kami sa wakas. so nung thurs, first day ko sa operations or as we call it here in call center "floor." na meet ko na yung teamates namin ni jenny at jhun. at isa lang masasabi ko, napakabait nila, sana lang ganon pa rin sila lumipas man ang ilang buwan. halo-halong personalidad, may masungit kunwari, may makulit, may maingay at may seryoso pero magaling manarantado ng customer. hehehe . syempre dahil bago ako, tahimik muna ako sa unang araw. pinakilala ako sa mga kateam ko at sa l2 (level 2 tech) namin at sa bago kung coach.

babae pareho ang l2 ko at coach, at pareho silang mabait. yun lang ang masasabi ko sa ngayon. aabangan ko na lang sa mga susunod na araw kung ano ang mangyayari....

Wednesday, August 31, 2005

S*** Happens

kung hindi ka ba naman talaga mababadtrip o. isipin mo pumasok ako today. knowing na this is my first day of work. pagdating ko sa opisina, sabi nung mentor ko dun sa transition bakit daw ako nag-AWOL kahapon? sabi ko huh? ang alam ko graduate na ko sa transition. kasi yun yung text sa akin ni jenny last friday. diba hindi ko nakapunta nun graduation dahil nagkasakit ako.

kinausap ako ng coach ko at ang sabi niya hindi raw pa ko graduate extended pa raw ako ng three days at ang kanyang rason e kasi hindi raw ako pumasok last fri. sucks ang babaw i wanst even because i fail or im not doing good. its just that hindi ako dumating nung last day o nung araw na nagbigay ng team assignments. shit talaga!!

ultimo nga si jenny ay nagulat, akala kasi niya kasama nya na ako sa operations, yung pala hindi. Sabi ko na lang sa kanya "ok lang text mo na lang ako kapag lunch ka na o bababa ka, para sabay tayo" kung di naman talaga badtrip na empty batt pa ko. so hindi ko rin natanggap yung mga text ni jenny. e nakadeploy na siya sa floor. ako nasa transition pa rin. *sus*

ang nakakainis, bago ako umuwi. kinausap ko ulit si coach at tinanong ko kung AWOL ba ako yesterday or not. sabi niya "pagiisipan pa raw niya." nak nang pucha!!! para naman kagustuhan ko yung umabsent? ang sabi niya pa he tried texting me daw? pero ala naman akong natanggap? sabi ko nga sa kanya hindi ko naman siya lolokuhin o kong may natanggap man akong text e malamang magreply ako at hindi ko naman siya dededmahin. hindi ako bastos!!! tsaka bakit hindi niya ako tinawagan? hindi ba't napaka-unprofessional naman ata na itext mo lang ang empleyado mo?

sabi niya pagiisipan niya raw.. mamaya malalaman ko raw kung AWOL ako o hindi... pucha!!! bahala siya!!!

Sunday, August 28, 2005

esmol world

Aga nang gising ko.. hindi ko nga lam kung bakit? kahit na 12Midnight na ako natutulog basta sumikat na ang araw dumidilat na ang mga mata ko....

Simula na ang trabaho ko sa martes. deployed na kami sa operations. sa madaling salita tapos na ang training. hindi nga ako nakapunta sa graduation namin kasi nagkasakit ako. aba akalain nyo dadapuan din pala ako ng sakit? nanyari lahat nun thursday ng umaga... sa pagkakaalam ko masakit lang yung tiyan ko at nagmamadali na akong umuwi nun. pagdating ko nang bahay at nakaraos na ko sa banyo .. biglang sumakit naman ang ulo ko. sabi ko baka kulang lang ako sa tulog, so tulog naman ako. nagising ako ng bandang 12. kasi namimilipit na ako sa sakit ng ulo ko, at sobrang giniganaw na ako. binili ako ni nanay ng alaxan at ininom ko agad. sabi ni nanay wag na raw akong pumasok kasi nilalagnat ako. nakatulog ako ulit pagkatapos ko na rin kumain ng tanghalian. nagising ako ng 5pm, sabi ko kay nanay ok na ako at pede na akong pumasok, sabi niya wag na lang daw, tumawag o i-text ko na lang daw ang boss ko at sabihing hindi ako makakapasok. sabi ko siguro nga wag na lang, nang makapagpahinga na rin ako. tsaka hindi ako pede maligo, ang baho ko naman ata nun pagdating ko sa opisina kugn papasok pa ako. kaya't hayun text ko si pj at sinabing hindi na ako makakapasok, na naintindihan naman niya.

Kahapon dumalo ako nang binyag ng aking pamangkin si Rona. syempre hindi ko ligtas sa papel ko sa tuwing may okasyon, ang maging isang photographer at tigakuha ang video. maaga pa lang ay pinapunta na ako ni ate son sa simbahan dahil syempre nga naman dapat kumpleto ang kuha ng binyag. dapat din una akong darating sa kainan dahil din sa kailangan makunan ang bisita habang pumapasok. ang nakakatuwa, napagkamalan tuloy akong photographer nung ibang bisita. aba'y sabihan ba naman akong "kunan ko daw silang pamilya?" sabi ko nga sa pinsan ko, pakisabi naman sa kanila kamag-anak din ako. Nginitian lang ako ng pinsan ko. sa buong araw nga nang okasyon e wala akong kuha dahil halos ako lagi ang nasa likod ng camera. pero oks lang!!! enjoy naman ako e.

isa pang nakakaaliw kahapon, balak ko sanang imbitahan si larry na pumunta sa binyag dahil na rin sinabay yung handa ni nanay nung bday nya. pero hindi ko na tinuloy dahil baka hindi rin pumunta o hindi naman magenjoy si larry. ang pucha nang lumingon ako sa bandang cr nung resto may nakitang akong pamilyar na mukha. naglalakad palabas nang banyo si mico kaopisina ko dati sa tridel na barkada ni larry. tinawag ko siya, siguro naka limang tawag ako hindi siya lumingon. nang pagtingin ko sa table na pupuntahan niya nanduon ang tukmol laryuki syempre hindi nawala ang pagmumurahan namin sa isa't-isa. tawa kami ng tawa. sabi ko nga sa kanya buti na lang at nanduon siya at may nakausap ako... iba talaga "esmol world"

Monday, August 22, 2005

timetable.....

tag-o-mania .. this one comes from jeff (mah artist)

twenty years ago
wala pa akong kaalam-alam nun ... 2 years old pa lang ako nun. baka nun time na yun pinupurga pa ako ng nanay ko.

fifteen years ago
im in grade 2, if im correct ito rin yung time na lumindol sa pinas. buti na lang absent ako nun sa klase. nagiigib ako ng tubig nang biglang umalog ang lupa. nagiiyakan kaming magkakamaganak nun sa bahay.

ten years ago
about to graduate elementary. still undecided kung ano ang manyayari sa buhay ko. all i think at that time is play, play ... and more play. bata pa kasi lolo nyo.

five years ago
i was in college nah... 1st year to be exact. never thought na magiging marketing student ako. ive met new poeple na talaga naman mga astig at hanggang ngayon e kasa-kasama ko pa rin.

three years ago
pa-graduate na ako ng college. nagtratrabaho ako bilang crew ng jollibee. cramming is the right word to decribe this year ... daming thesis at feasibility studies to pass.

last year
i was still in epldt ... up until september wherein i decided to resign and find a dayshift. taon para sa akin para makilala ko talaga kung sino ako. at malaman ko ang gusto ko. november rin na taon ito ipinanganak ang blog ko.

this year
been to 2 companies already. currently im back on a call center but start of the year i was employed as sales executive from a not so known ISP here in the phils.

yesterday
i went to SM with nanay and ate sonia's family. bumili ako ng bagong shoes.

last night
wala masyado nagluto ng dinner, tapos nanood ng live telecast ng pinoy big brother. then sleep....

today
may pasok ako mamaya .. first day. so normal day kapag may pasok at normal routine din.

tomorrow
pasok ulit sa trabaho *sigh*!!!

next year
uhhmmmm.... tough year i guess kasi mayaman na ako!! wehehe

five-ten years from now
resign na ako as an employee at mayroon na akong sarili kong business na talga booming in terms of market and profit status.

kayo naman ....

dada ---> tingnan ko nga ang malupit mong nakaraan

larry ---> tsong siguro naman hindi lang inom ang ginawa mo sa buong buhay mo?

butsok ---> sumusulat ka na ulit so baka naman sakaling masagutan mo ito.

Blogroll

Labels

Counter