Thursday, November 10, 2005

Tell Me If U Can Take This

Pag sinabi nila call center agent, isa lang agad ang pumapasok sa isip nang tao .. ay mga walang alam magaling lang mag-ingles ... kala lang nila yun.. heto yung 5 bagay na natutunan kong dapat meron ka kapag gusto mong magtrabaho sa call center.

1. Kung ikaw yung tipong pala-absent, wag mo nang balikan na pumasok pa sa call center. Dahil sa isang call center. Umabsent ka lang nang isa, maigting na ang tingin ng boss mo sa iyo. Tandaan kumikita ang kompanya sa numero ng tawag na natatanggap nila, so kong absent ka mababawasan ang tawag which also mean, walang kita...

2. Kaugnay dun sa una, bawal ang ma-late ... kung kinakailangan 1 hr o 30 mins bago ang yung shift ay nasa opisina ka na. May ibang call center na kailangan mong magbasa everyday ng mga email updates o kaya naman kailangan maaga ka para mabuksan mo na yung mga "tools" na kakailanganin mo sa pagtanggap ng calls. Isang malaking paglabag sa polisiya ng isang call center ang pagiging absenero at pagiging late.

3. Multi-task .... isa sa pinaka-importanteng skill na dapat meron ka kung gusto mong maging succesfull bilang isang call center agent, Madalas habang kausap mo yung customer sa linya ay tinatype mo yung pinaguusap nyo. At kung minsan kung sobran galing mo. tulad ko (ahem!!!) wehehe ... kaya mo pang magblog at magsurf sa frendster mo habang ngta-type at kausap yung customer.

4. Pasensya .. yan ang pinakamalaking dapat na meron ka. Kahit na mura-murahin ka pa nun kausap mo dapat smile at apologize ka pa rin. Bayad ang pagiging plastik pagdating sa mga call center agents. Sanayan lang din, pag di mo na matiis yung kausap mo. I-mute mo na lang yung headset mo at sabay sabi ng isang malutong na mura... wehehehe ... yung lang ang bawi mo. Sabay balik sa kausap at apologize ulit... ganun lang.

5. Dapt marunong karin makisama. Di lang sa kausap mo sa telepono, pati na rin sa mga taong kasama mo sa opisina. Alam nyo naman ang call center masyadong marami kayo, halo-halong personalidad at paguugali. Hirap makahanap nang mapagkakatiwalaan. Ngayon mabait sa iyo, bukas winawalanghiya ka na... ganun lang yun. Pati na rin sa mga boss mo. Minsan nga magugulat ka pa kasi mas matanda ka pa sa boss mo. So dont expect too much of professionalism when it comes to some of your boss. Di ko sila nilalahat, but it is not enough na magaling ka, kailangan marunong kang humawak at makisama sa mga empleyado mo.

Bilang pagtatapos ... kung tatanungin ako. Masaya ako sa trabaho ko, kasi alam ko yung mga nakilala ko rito ay mga tunay na tao. Swerte ko lang talaga. Pero wala akong balak na mabulok at magtagal sa propesyon na ito... YUCK!!! wehehehe

No comments:

Blogroll

Labels

Counter