masaya't .. malungkot ako sa mga nanyayari sa mga katropa ko. Hindi ko alam pero sobrang miss ko na sila....
Unahin ko kay ...
PAULINE - kaklase ko siya mula 1st year college hanggang 1st sem ng third yr. Lumipat man siya ng panggabi nun 2nd sem hanggang 4th year. Hindi pa rin namin nalilimot na magkita. Ayoko na lang isipin na dahil kay jay-r kaya lang siya napapadalaw sa amin noon. Naaalala ko yung mga araw na wala kaming pera at gutom kami. Naglalakad kami sa sm north, bente lang pera namin kaya't bibili na lang kami nung benre meals na wendy's o kaya yung spag ng A&W. *sigh*
MEANN - isa sa mga taong malaki ang utang na loob ko. Matagal na kaming hindi nagkikita, sa pagkakaalam ko ang huli e nun valentine day pa. *sigh*
DADA - pucha!!! yung mga kulitan. yung mga jamming namin tuwing sasapit ang ala sais ng gabi sa tridel. Ang walang humpay na pagbloblog .. ang walang tigil na panonood ng game ka na ba? tuwing tanghalian. Nagpakilala sa akin nang "sassy girl" na hanggang ngayon e hindi ko pa rin makalimutan. *sigh*
LARRY - ewan ko ba? pucha iba talaga ang dating ng taong ito. Ito ang nagmulat nang mga mata sa katotohanan ng buhay... huwwawawawa .. ayoko nang magsalita pa baka may masabi lang ako.... potah!!!
BUTSOK - yan ang binansag ko sa kanya at hanggang ngayon nakilala na siya sa tawag na yan. sus ... noon nahihiya pa siyang gamitin yung palayaw na yan. pero ngayon pinaglaladakan niya pa sa blog niya. *sigh*
JM - napakabait kong naging kaibigan sa tridel. mga kulitan. yung mga araw na naglalaro lang kami sa pc niya kahit may pc naman ako. natatandaan ko pa yung keyboard niya na madalas mahulog sa kinalalagyan. nakakatuwa, yung mga ismid niya. yung mga pagtimpla niya ng kape ko. yung mga banat niya na tagilid o pagkwento sa buhay ng boyfriend niya ... *sigh*
marami pa sila ngunit ito lang sa ngayon ang talagang naaalala ko at di ko makakalimutan..... *sigh*
Tuesday, October 18, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
No comments:
Post a Comment