Tuesday, September 20, 2005

shopaholik

nagtrip kami kahapon ng mgs highschool friends ko. we went to "bambang" at "tutuban." madalas naman ako pumunta nang tutuban pero pers time ko sa bambang.

Matagal ko nang naririnig ang ukay-ukay sa may bambang. Ngunit di pa ako naglakas loob na pumunta doon kasi nga hindi ko alam. Noong nasa ePLDT pa ako, madalas kaming pumunta doon, hindi pa ra magukay-ukay kundi kumain ng tapsilog. dinadayo pa namin yun ng mga kaopisina ko. Meron kaming kinakainan dun na sa halagang 25 pesos lang e may tapa, sinangag at itlog ka na (TAPSILOG) at ang masaya pa dun ay mayroong libre bagoong at kamatis. yum..yum..yum.....


Ngunit kahapon hindi yun ang pinunta namin, kasama ang highschool prends ko na sina maricar, sharry, at jomar.napagkatuwaan ng grupo ang pumunta at tutal dun rin nakatira yung isang kapatid ni maricar sa bambang, kaya't alam niya ang pasikot-sikot sa lugar. Nais ko rin kasing bumili ng bag na bago at sinabi sa akin ni Maricar na meron nga daw bag doon na branded pero sa murang halaga lang ibinebenta at matatawaran mo pa. san ka pa??

So pagkatapos naming magfood trip sa paresan. Dumiretso agad kami sa bambang. Pucha ang sarap pa lang mamili dun. Isa lang siyang palengke ngunit ang mga paninda e mga damit, sombrero, bag at kung ano-ano pa.Sa sobrang mura nang paninda may nakita nga akong mga NIKE na shirt na 250-350 pesos lang ang halaga at may iteketa pa ang mga ito ah ... tumingin din ako ng mga jacket, dahil nga malamig sa opis. Yung mga branded na jacket, nasa 600-850 ang presyo. WOW talaga. Ang nakakalungkot nga lang yung ipinunta ko na pagbili nang bag e nauwi sa wala. Kasi yung sinasabi ni maricar na maganda e nabili na raw. Malas talaga!!!

tip sa pagpunta sa bambang:

1. Bumili kayo dun sa loob ng palengke, huwag sa labas. Dahil mas mura sa loob. Pareho lang nang paninda.

2. Tumawad!! tumawad!!! tumawad!!! wag lang sobra, baka masasak ka na.

3. Matutong mambola rin nang tindera o tindero. Minsan pagmedyo feeling close kayo nung nagtitinda e. Mas mabibigyan ka ng malaking diskwento.

4. may isang pwesto sa palengke ng bambang na nagtitinda nang puro branded. Sa may bandang looban nga lang. Yun bang puro levis, mossimo, nike at kung ano pa.

5. Talasan ang mata... kasi meron din naman akong nakita ng mga imitation lang.

so tara bili na tayo sa bambang.. wehehehe

No comments:

Blogroll

Labels

Counter