ayoko sa taong mababait.... lalo na yung mga sobrang bait. una sa lahat, mahirap silang pakisamahan. hindi mo alam kong dapat ba akong mag po at opo sa kanila para magmukhang mabait din. Di ko lam kung dapat ba akong humingi palagi nang paumanhin sa tuwing makakagawa ako ng kasalanan.
madalas kasi sa mga mababait na tao yung masyadong balat sibuyas. konting kibot magagalit na, kahit na alam naman niyang nagbibiro ka lang. yung bang hindi ka na lang biglang papansinin. magkikita na lang kayo isang araw, tapos na ha o ho wala kang maririnig sa kanya. at ang nakakatuwa pa sa mga taong mabait, kahit galit na nakukuha pa rin ngitian ka o kaya naman ay tanguhan ka kapag nakikita ka. walanghiya... bakit kaya hindi niya na lang ako sapakin agad sa mukha o kaya pagmumurahin ako. mas gusto ko pa yun, at least nailalabas niya yung galit niya. at nalalaman ko rin yung mga pagkakamali ko. e kaya lang mabait nga e!! kaya hayun magpapanggap na walang nanyari, pero meron kang maririnig ng bulong-bulongan na may sama siya nang loob sa iyo.
hindi ko maintindihan. sabi nga nila mahirap galitin ang taong mabait. dahil iba sila kung magalit. Anong iba?? yung bang bigla na lang mananahimik at hindi ka kakausapin ni yung may salang tao e walang kaalam-alam na kinasusuklaman na pala siya.
kaya ako mabait ako... pero nasa lugar. galit ako kung galit ako at sinasabi ko kung galit ako. kasi ayoko ng nagiipon ng galit. lalo na't sa kaibigan ko.
diba ika nga nila kung kaibigan mo ang isang tao dapt sinasabi mo ang mga pagkakamali nila. kung nasaktan ka man nila dapat sabihin mo sila na nasaktan ka at wag na nilang ulitin muli. ganun lang naman yun diba??
Wednesday, September 14, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
No comments:
Post a Comment