Aga nang gising ko.. hindi ko nga lam kung bakit? kahit na 12Midnight na ako natutulog basta sumikat na ang araw dumidilat na ang mga mata ko....
Simula na ang trabaho ko sa martes. deployed na kami sa operations. sa madaling salita tapos na ang training. hindi nga ako nakapunta sa graduation namin kasi nagkasakit ako. aba akalain nyo dadapuan din pala ako ng sakit? nanyari lahat nun thursday ng umaga... sa pagkakaalam ko masakit lang yung tiyan ko at nagmamadali na akong umuwi nun. pagdating ko nang bahay at nakaraos na ko sa banyo .. biglang sumakit naman ang ulo ko. sabi ko baka kulang lang ako sa tulog, so tulog naman ako. nagising ako ng bandang 12. kasi namimilipit na ako sa sakit ng ulo ko, at sobrang giniganaw na ako. binili ako ni nanay ng alaxan at ininom ko agad. sabi ni nanay wag na raw akong pumasok kasi nilalagnat ako. nakatulog ako ulit pagkatapos ko na rin kumain ng tanghalian. nagising ako ng 5pm, sabi ko kay nanay ok na ako at pede na akong pumasok, sabi niya wag na lang daw, tumawag o i-text ko na lang daw ang boss ko at sabihing hindi ako makakapasok. sabi ko siguro nga wag na lang, nang makapagpahinga na rin ako. tsaka hindi ako pede maligo, ang baho ko naman ata nun pagdating ko sa opisina kugn papasok pa ako. kaya't hayun text ko si pj at sinabing hindi na ako makakapasok, na naintindihan naman niya.
Kahapon dumalo ako nang binyag ng aking pamangkin si Rona. syempre hindi ko ligtas sa papel ko sa tuwing may okasyon, ang maging isang photographer at tigakuha ang video. maaga pa lang ay pinapunta na ako ni ate son sa simbahan dahil syempre nga naman dapat kumpleto ang kuha ng binyag. dapat din una akong darating sa kainan dahil din sa kailangan makunan ang bisita habang pumapasok. ang nakakatuwa, napagkamalan tuloy akong photographer nung ibang bisita. aba'y sabihan ba naman akong "kunan ko daw silang pamilya?" sabi ko nga sa pinsan ko, pakisabi naman sa kanila kamag-anak din ako. Nginitian lang ako ng pinsan ko. sa buong araw nga nang okasyon e wala akong kuha dahil halos ako lagi ang nasa likod ng camera. pero oks lang!!! enjoy naman ako e.
isa pang nakakaaliw kahapon, balak ko sanang imbitahan si larry na pumunta sa binyag dahil na rin sinabay yung handa ni nanay nung bday nya. pero hindi ko na tinuloy dahil baka hindi rin pumunta o hindi naman magenjoy si larry. ang pucha nang lumingon ako sa bandang cr nung resto may nakitang akong pamilyar na mukha. naglalakad palabas nang banyo si mico kaopisina ko dati sa tridel na barkada ni larry. tinawag ko siya, siguro naka limang tawag ako hindi siya lumingon. nang pagtingin ko sa table na pupuntahan niya nanduon ang tukmol laryuki syempre hindi nawala ang pagmumurahan namin sa isa't-isa. tawa kami ng tawa. sabi ko nga sa kanya buti na lang at nanduon siya at may nakausap ako... iba talaga "esmol world"
Sunday, August 28, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
No comments:
Post a Comment