Friday, October 07, 2005

mahirap maging artista

im sick, paano ba naman for the last two weeks hindi ako nakakakumpleto ng tulog ko. Simula nung nangshopping kami ng tropa sa bambang. Hanggang ngayon. Eto ang detalye.....
SEP 18 - umuwi ako nang 9am nang umaga galing sa shift, imbes na matulog. inintay kong dumating sina jomar at car para dun sa fud trip namin at pamimili sa bambang. Refer na lang on my last entry....

SET 25 - outing the team namin sa laguna. Umalis kami nang opis after shift. Diretso sa laguna. Balak ko sanang matulog sa biyahe, pero hyper mode ako during the whole trip. Kaya ayon hindi ako natulog. Pagdating namin sa laguna, imbes matulog na swimming agad ako. Binalak kong matulog pagkaahon, kaya lang di na pede kasi basa na yung damit ko, e nagaalala ako baka kulangin yung dala kong damit. Natulog ako ng 2am na. nung time na hindi ko na talaga, yung bang pakiramdam ko na gang rape ako sa loob ng bilangguan.

OCT 3 - imbes na mamahinga ako sa bahay, e naglaro ako na badmniton. Nagkayayaan kasi kami ni ate sonia. E matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapaglaro so nahikayat ako. 2 hours din yun. Ang malupit pa dun, may kakampi si ate son pero ako magisa lang. (syempre nanalo pa rin ako) wehehe!!!! tapos nun sumama pa ako kay ate sonia, imbes na umuwi. Kumain kami sa labas at dumaan sa sm para tumingin ng cellphone. Napabili tuloy ako ng electric fan. Mga 8pm na rin ako nakarating sa bahay.

Kinabukasan .... iba na ang pakiramdam ko. Nanghihina na ako. Sumasakit ang katawan ko. Inisip ko, baka naman sa pagbabadminton lang kaya sumakit. Ganun naman talaga kapag hindi sana'y sa ihersisyo yung katawan mo.

Sumunod na araw - masama pa rin ang pakiramdam ko. nadagdagan pa ng sipon. At iba na yung sakit ng katawan ko. may halo ng panginginig at pamamanhid. Medyo kinabahan nga ako. Pero inisip ko na lang na mawawala rin ito.

Kahapon - wala na akong balak pumasok, dahil sa hindi na rin masyadong magandang ang tono ng boses ko. (e yung pa naman ang puhunan ko) wehehe. Lumala na yung sipon ko, yun bang bawat yoko ko, tumutulo yung sipon na parang gripo sa ilong ko. puro tubig ... as in tubig talaga. Uminom na ko nang gamot "NEOZEP"

Ngayon .... eto hindi na masyadong masakit ang katawan. pero ang sakit na nang ilong ko sa kakasinghot ... naisip ko meron kayang machine na pede higupin lahat ng sipon sa ilong ko????

Mga susunods ko pang lakad sa weekend na ito...

OCT 8 - may laro ulit kami na badminton at sa gabi gigimik kami ng mga dati ko kaopisina sa PLDT.

OCT 9 - lalabas kami nina ate son kasi bday niya... ililibri ko sila sa chef de angelo sa galleria....

OCT 10 (12am)- pers day of shift ulet....

TULONG PANO PA AKO MAGPAPAHINGA!!!

No comments:

Blogroll

Labels

Counter