Friday, November 25, 2005

Ku Ku Kuro Kuro

As i was reading the tabloid yesterday, nabasa ko na magsisimula na pala yung SEA GAMES dito sa pinas. Cant help but feel sorry both for the athletes as well as sa mga organizers. Why? Nobody even cares, para bang this is just a plain celebration that we dont have to get involved with.

Inaamin ko im guilty na hindi ko man lang alam na magsisimula na pala ang sea games. Kung di ko pa nakita yung mga "tarpolin" kahapon sa EDSA, hindi pa ako magkaka-idea. Nagkaroon tuloy ako ng interes na alamin ang tungkol dito.



Maraming beses ko na rin naman napapanood sa TV yung mga atleta, ngayon ko lang napagtanto na nagiimbita pala sila na panoorin ang seagame ang buong akala ko kasi, meron na naman bagong pelikula sina Manny Pacquiao o si Onyok Velasco. Ba mala'y ko? Nakita ko sa tabloid yung litrato nung palabas at dun lang ako natauhan.

Napagalaman ko rin na kung balak mong manood ng mga events ay maghanda ka na malaki-laking pera. Aba'y sa iba't-ibang parte pala ng pilipinas gaganapin ang mga palaro. Bongga! Isa na rin sigurong paraan para mapromote ang pilipinas. WOW! Maganda idea... Naisip ko.

Ang katanungan ko lang bakit kailangan may entrace fee? Balak ko pa naman panoorin yung Badminton. Nung malaman ko ang halaga ng entrance fee, i might as well spend it eating. Mantakin mo P825 something ang ticket na gaganapin sa ULTRA. Nah ... di na ko manonood. Sa TV na lang.

Ang rason nila kong bakit may "FEE" kasi daw pambawi nila sa ginastos nila sa venue at iba pang utility expenses. Nak nang tucha naman! Wala bang kompanyang nagsponsor sa malaking event na ito. Bakit kailangan magbayad ng mga organizer sa mga venue? Bakit kailangan magbayad ng electric sa Meralco? At kung ano pang ka-ekekan .... *sigh*

Mangmang nga siguro ko at hindi ko naiintindihan??? Pero simple langn naman. NASYONALISMO .... tutal isang linggo lang naman yung EVENT!

No comments:

Blogroll

Labels

Counter