Monday, December 05, 2005

Ang Pagdadalaga ....


No doubt that the film is really "Filipino made". Malupit!! Magaling at napakahusay. Hindi ako nagkamaling panoorin ang palabas na ito. Madalas ko na itong marinig at mabasa, overwhelming with positive reviews. Dito man sa pinas o sa labas. Ilan na ring awards ang napanalo ng pelikulang ito. Sinulat ni Michiko Yamamoto na siya ring sumulat ng pelikulang "Magnifico."

Isang pelikula tungkol sa 12 anyos na batang bading. Na nain-love sa isang pulis. Kung iisiping isa siyang "Gender sensitive" film ay nagkakamali kayo. Ipinakita nang pelikula ang pagmamahalan ng pamilya at kung ano ang tunay na estado ng bansa. Malamang nga yun ang dahilan kung bakit napansin ito sa mga international filmfest.

Pinoy na Pinoy!! Pinas na Pinas ang dating nang pelikula. Malamang nga kung nasa ibang bansa ka at pinanood mo ito malamang ma homesick ka. Bukod na lamang kung lumaki kasa loob ng Ayala alabang.

Aminado ako, halos pareho kami ng lugar ni maximo nang kinalakhan. Mula dun sa mga babaeng maiiksi ang damit na nakatambay sa labas ng bahay namin at hanggang doon sa manonood ka ng palabas sa kapitbahay mo na magbabayad ka. Lahat yun naranasan ko.

Ngunit ang ikinatuwa ko sa palabas ay kung gaano ipinahalagahan ang salitang "PAMILYA." Ulila man sa ina ang pamilya ni maximo, makikita ang pagsisikap ng kanyang ama na itaguyod silang 3 magkakapatid. Yun nga lang sa maling paraan. Mararamdaman mo na tunay at bukal ang pagmamahal na ipinapakita ng ama at dalawang lalaking kapatid kay maximo. Na kung iisipin, madalas sa isang pelikulang tagalog na ang ama o ang lalaki na kapatid ang siya mismong tumututsa sa isang miyembro nang kapamilya kung ito'y isang bading. Nakakatuwang isipin na hindi ko nakita yun sa pelikulang ito.

Mas pinahalagahan at binigyang importansya sa pelikulang ito ang salitang pamilya at tunay na kahulugan nang pagmamahal ...

No comments:

Blogroll

Labels

Counter