Sunday, December 11, 2005

Behind All the Happiness Lies the True Meaning of Life

Halos lahat ng friends ko are asking me kung bakit di pa ko pumunta nang DUBAI? Both my sister are there. Ako na lang at nanay ko ang nandirito sa pinas.

Mahigit na rin ilang taon nagtratrabaho ang Ate elsie (panganay) sa Dubai, siya na halos ang sumuporta sa pamilya namin at nagpatapos sa akin ng pagaaral, simula nang maghiwalay ang mga parents ko. Nagtratrabaho siya sa isang grocery store bilang isang staff.

Si Ate Arlin (pangalawa) nito lang 2002 ata nagpunta sa dubai, nagtratrabaho bilang office staff ng isang computer firm doon. Kasama niya doon yung iba niyang barkada dito sa pinas.

Kaya't ganun na lang yung mga tanong ng mga close friends ko simula pa nung highschool. Na sa tuwing magkikita kami ang pambungad na tanong e "kelan ako pupunta ng dubai?"

Maraming nagbabaka sakali na makapunta doon, ako naman matagal nang pinipilit ng pamilya at kaibigan ko na pumunta. Ako mismo ang tumatanggi. Bakit kamo? Hindi ko alam. Masaya ako dito. Iba ang nararamdamang kong security dito sa pinas. Sabihin man nilang delikado dito! Malamang pa nga yun ang unang ma-miss ko. Brutal akong tao e. Wehehehe..

Ngunit noon yun, mamaya may interview ako sa isang agency na maaring magdala na sa akin sa lugar na matagal ko nang iniiwasan. Kung tatanungin niyo ako kung bakit? Praktikal na rason, katulad din ng mga sagot ng ibang tao. Wala man akong pamilya pa, pero para sa kinabukasan ko at para na rin sa nanay ko. Gusto ko maibigay ko lahat ng gusto niya at masuklian ko naman ang mga kapatid ko. At magagawa ko lamang yun pag nagpunta ako sa dubai. Masakit man sa loob ko pero "KAILANGAN."

Kaya't bahala na mamaya kung matanggap ako o hindi .....

No comments:

Blogroll

Labels

Counter