Tuesday, May 31, 2005

blubber of my mind

i was on my way home, when suddenly raindrops start to fall on my cheeks.
at first i just wipe it off my face
then suddenly rushed came the blood, i get some tissue on my pocket they wipe it as if its nothin.

down came the rain as so as thurder fills the air
i felt so alone that time. i wanna run to the nearest shed but my feet wont move. im so alone ...
if only somebody could just grab my shoulder and push me forward but in the middle of that deserted area, i see none, all i see is myself growing old in time.

Monday, May 30, 2005

its all about the milk

Image hosted by Photobucket.com

from left to right: Maria Charlize a.k.a. Bea, Aaron Nathaniel a.k.a Aron, and Andrea a.k.a. the future composer/diva


Bea - *hate the name, but cant do anything about it* she was born april 28 of this year, so 1month palang siya. shes a very kyut little girl. shes the daugther of my good friend margie and pol. she is the first baby of our college barkada. so talaga full force and tropa ng ipinanganak siya. all are very excited of this one cute little angel. truly a god sent to all of us. havent got anything more to say with this baby, but im lookin forward to see her growing up to be a wonderful and lovable gal.

Aron - my bud .. one of my allies. he is the son of my cousin lea and aris. sobrang bibo at kulit. fond of copying everything, specially those things he sees on tv commercial. both wacky and witty at the same time, afraid of riding someones car eventhough na nandun kami sa loob. eat everything but his favorite is "ice cream." this guy will surely grow tall and wise.

Andrea - rachel's sister (one of my college tropa), just met her yesterday sa bahay nila rachel dahil fiesta. she is 4 yrs old, sobrang daldal. i asked her what she liked to be when she grow up, her answer " to be an artista" kung dati you will always hear kids saying they want to be doctor, teacher, etc. ngayon ask a bunch of kids. you'll see na the stats for those who want to be an artista is fairly or even more than those who want to be a doctor or teacher. dahil na rin siguro sa impluwensya ng mga talent search (scq and starstruck). so my next question to her is of course " what her talent is"? she reply "singing, dancing and acting" so i ask her to sing a song for us. without thinking twice she belt her heart out with the song "can this be love" by Sarah Geronimo. but one thing thats really make us all laugh that night was her version of bamboo's NOYPI here's how she sing it "HOY PINOY AKO ... PAKINGGAN NYO MGA BULONG SA IYO" thats like hitting two birds in one stone. pinagsamang kitchie at bamboo, here is another one "WAG NA WAG MONG SASABIHIN NA HINDI MO NADAMA ITONG PAGIBIG KONG HANDANG IBIGAY NYO NA SANA ANG KALAYAAN KO" my tropa and i cant help but laugh last night so as a treat, we take her to the "perya" and ride a catterpillar. then went home .... *sigh*




Saturday, May 28, 2005

what do you call this? alms???

got my paycheck today, but i dont think it cud be called as a good one, coz its only 2000pesos (thats two weeks of work), well thats less than what low paying job pays. damn ... i got gimik today and next week??? *sigh* how could i fit that amount for those two gimiks ... wehehe .. and also i still give money to nanay, but with this amount i dont think i will be able to give any. here is my budget:

2 weeks budget
200 pesos for two weeks of MRT
280 pesos for two weeks of jeepney expenses
1000 pesos for two weeks of food(which include bfast, lunch and merienda)


TOTAL Php 1560.00

woah!!! that will be Php440.00 pesos left on my budget ... sucks!!! i would not have any money left to deposit on my savings. tsk tsk tsk what do you think?? with this kind of salary??? will i lived? ..... should i resign on my job and look for a better one? *sigh* decision ... decision ... decision..... help me???? plz?????

Thursday, May 26, 2005

Star WArs *beybe*

mga bagay na dala ko nang manood kami ng Star Wars 3 ......



Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

nakakatuwa kasi mali pala yung "DARK VADER" ang tama pala "DARTH VADER" .... o ano ba man ang tama ... hindi talaga ako fan???? wuhuhuh ... sorry ...

Wednesday, May 25, 2005

tito ernie

my head aches ... my back aches ... pano ba naman kagabi nabasa ako ng malakas na ulan. maaga kasi akong umuwi, dahil sabi ni ate sonia pupunta sila ng bahay at mapapatype ulit ng resume ni kuya rowen.ayon nun palabas ako ng opis medyo ambon pa lang, pero nung nakababa na ako ng mrt sa may quezon ave. todo lakas ng ulan, e wala pa naman waiting shed sa quezon avenue. hindi ko alam, pero pag umuulan, sasabayan pa yan ng hirap ng pagsakay ... nakauwi ako nang basang-basa to the highest level, pero ang nakakatuwa kahapon e hindi naman pala pumunta sina ate sonia dahil nga ang lakas din ng ulan sa kanila, at natatakot silang mabaha... kaya eto ngayon masakit ang katawan ko, na para bang magkakasakit ako. sabi ko kahapon "hindi ako magkakasakit, kasi umiinom ako ng vitamins." pero sa lupit ng panahon dito sa pinas di siguro sapat ang bitamina lang. tulad na lang kaninang umaga, sobrang init naman. mga ilang araw na rin naglalaro sa 35 to 39 degrees and temperatura, dulot nun sa akin?? "para akong naligo sa pawis sa tuwing darating ako ng opis!!!!" maglakad ka ba naman mula mrt station hanggang emerald e... ?? tapos ngayon eto, umuulan na naman .. kahit sinong malakas ang resistensya malamang magkasakit sa pabago-bagong klima ng pinas... tsk tsk tsk
teka nandito boss ko, mag fi-field work daw sya bukas!! sus ... may bago ba??? at as if naman na we care??? *tawang demonyo*. balik tayo sa usapang panahon, nabasa ko sa dyaryo sa taguig daw may isang baklang namatay sa heatstroke ... kebabaredad!!! namatay sa sobrang init?? ayon sa balita nagpahinga lang daw nang sandali ang biktima nang i-check ng friend nya sa kwarto .. ala na paktay na ang bading ... tsk tsk tsk lupet talaga .....

Tuesday, May 24, 2005

kulang ang salita

magulo ang pag-iisip
gustong magisa
ayaw nang may kasama
malungkot ... balisa
mas piniling magmukmuk

pinipigil ... hinaharang ...
nararamdama'y ayaw nang pakawalan
natatakot .. nalilito ...
di alam kung kanino
kalaban ... kakampi
hindi alam kung magtitiwala
'di na alam kung dapat pang maniwala.

problema'y di masabi
problema'y di mapaliwanag
heto na .. heto na ...
kinakatakutang ban'da
lilipas ... lilipas
pighati't paghihirap
unti - unti kong tinitipa
humihingi ng tulong
ngunit kanino
nalilito ... naguguluhan
bahala na ...
yun na lang ang natitirang paraan

Monday, May 23, 2005

what i want to tell you ...

my officemate and i watched star wars 3 last saturday. its fairly good i should say, this is just a perspective of a person who never watched any of the previous movie. one thing that makes the movie good is the elements present on it. pinagsamang bago at luma, simula pa lang ng movie you will be amazed, sabi nga ni dada if you have phobia on heights malulula ka talaga. the movie starts with the chase scene ng mga spaceships. but in the end the movie boils down to one point, it will explain how anakin became part of the dark side and started to be called "dark vader"

Sunday ... yesterday! nanay at my relatives sa violago at nia went to kuya marco's house blessing. as usual naghintay kami sa mcdo edsa dahil doon lagi kami nagkikita and as i expected they'll be late. again kaya nga malakas ang loob kong makipagpustahan kay ate sonia. i bet one big mac meal kapag nauna sila sa mcdo. but it turned out na kahit nauna kami, hindi nya pa rin pala ako illilibre. sigh masaya yung occasion, nagrent sila ng videoke, i ate a lot, kuya marco ask me to drink with them so i did. i drink one shot of red wine and scotch. ok yung red wine kasi nakatikim na naman ako nun. but in the scotch, yuk!!!! may aftertaste, mapakla pa... wehehe... after nun i felt a little tipsy so natulog na lang ako sa kwarto. umuwi kami mga around 6pm. dumiretso kami sa house ni ate sonia to eat dinner then eventuially went hom to rest .... sigh

singit lang, meron billboard ad yung company namin along south superhighway, so as we pass, i kept on searchin for it, nakakalahati na kami sa highway di ko pa rin makita, sumakit na nga leeg ko kakatingala. then suddenly nanay shouts "erwin i-manila o?" at yun nakita ko yung ad, its in between sucat and bicutan. it shows and old guy and a kid .. playing. havent got a long glimpse at it, but my perception. i doesnt tell anything bout internet connection. not unless you stopped then read all the tagline under the picture. e highway kaya yun..... sigh

X's,

shouts sa mga matiyagang readers ko ..... jan, k, yeen, and some of my tridel friends. ... im out ..
upadate:
i already uploaded a music video on my other blogsite .... plz do visit it .... LSS

Monday, May 16, 2005

they blocked blogspot today!!!

di ko lam kong ano ang dahilan nila para i-blocked ang blogspot?
dahil kaya nabasa nila yung last entry ko? o wala lang gusto lang nila
blocked yung mga site na pedeng magbigay ng libangan ... wihihi.
sinulat ko yung blog na yun kasi yun ang nararamdaman ko towards the
company and if ever they will talked to me bout it, ill bluntly tell
them that i just writing what i want and what i feel. besides i have my
own blog eversince i got here in tridel... yan sinabi ko na
ung name nung company ulit hindi ko tinutuligsa o criticize
and company, all im saying is that we as a sales team should get some
support from other department. ika nga ng isa kong client
"COORDINATION." if they want us sales people to flood the company with
sales they should back us up with a good promo, specially right now na ang
dami nang sumusulpot na mga ISP's. my blogmate "K" told me to talked
with my boss, maybe i should , nagiipon lang ko ng lakas ng loob.
napapatanong tuloy ako, who's fault is it? should certain websites
should be blocked sa isang opisina? if yes, what good will give
the company?

Friday, May 13, 2005

laziness + my company = *wapak*

ive been workin here at our company for almost 4mos and im very much guilty of not workin my ass so hard here but instead being a so called burden pa .... i have plans of resigning due to that reason. hindi ko alam pero lagi akong tinatamad na magtrabaho. is it bcoz of my boss? is it bcoz of my officemate? or is it just bcoz of me being too lazy to work? ayokong masanay yung sarili ko na maging unproductive o maging tamad, what if one day tawagan ako ng isang kompayang malaki at i-hire ako. i dont want to look like a fool!!! estupid!!! at tatamad-tamad. i was never like this, when i was in ePLDT ive never been lazy, nanginginig na ang tuhod ko kapag alam kung late ako. tinatapos ko ang work ko everyday coz i know ako rin naman ang mahihirapan evetually. but dito sa tridel, di ko pa ginawa yun (siguro nung mga unang araw). guilty talaga ako!!! let me tell you bout my work background lang naman i do sales over the phone, we sell internet connection whether it be dial-up, dsl, website builder and sort basta related to internet. not bad diba? and also there is a huge market for our product. but its still really hard to sell one .. why? thats the big question? here is my analogies kung bakit mahirap:

1. Competiton - una na dyan yung mga big telco's na talagang mas malaki at mabigat ang facilities nila.

2. Brand Recognition - kulang sa advertisement ang company, one is from a radio station tuwing 8am sa isang di ganun kasikat na fm station at wala pa atang 15mins yung ad. napakinggan ko na yun at walang kadating-dating parang announcement lang. you wont even recognize na internet service and ina-advertise. also they have an ex-deal with manila bulletin, na once in a while naglalabas ng ad sa broadsheet nila. i once asked my boss bout it. she told me that instead of spending money putting up billboards, commercials etc... they'll hire people na lang. kasi nga the only way that they promote there product is by "words of mouth" ... which is the cheapest but para sa akin ang hindi pinaka effective. why? first of all hindi lahat ng naging client mo will say good things about your product and once manyari yun sasabihin nya yun sa kaibigan nya at yung kaibigan nya sasabihin sa kapitbahay nya and so on ....

3. Price - our unlimited connection is P650 versus our competition na may presyong ranging to P250 to P450.... sigh and the company dont want to lower their price. their reasons ; (1) ayaw nilang maging low class; (2) malulugi ang company; (3) hanggang dun na lang ang kayang ibaba ng price. my reaction, hindi nga ganun kakilala yung product ayaw mo pang babaan yun price.... sus!!!!

4. Product Bypassing (kung meron man nito) -naglabas sila ng prepaid card. P100 for 30 hrs of internet at may free offpeak hours from 12MN to 6am. kung ako yung tipikal na customer who doesnt use internet that much i wont sign up for a postpaid account ill just use the card. ang masama pa nito most of the clients that we offer internet are from businesses who belong to small and medium scale, na malamang hindi madalas gumamit ng net. pag nalaman nila may card na kami they would prefer getting the card, instead of signing up with a postpaid acount at ang pinakamalupit dito, same line lang din ang tinatakbuhan ng line at prepaid. so thats means pareho lang ng quality!!! nagaagawan ng market share yung prepaid and postpaid nila ... sigh

what am i trying to imply here??? "RISK" they have to take risk if they want to stay in the market, besides the service is good. ako binigyan nila ako ng 15 hours free every month and i havent encountered any problem with it at mabilis and connetction pumapatak na 55Kbps ... they just need to make the brand known, tamed there price a bit (if possible) e kasi pagkilala na naman ang product nila they can increase it na eventually ... let me wrap this up baka humaba pa. here is a story ... wehehe. i have a friend workin at pacific internet direct competition nakasabay ko sya sa dyip, syempre bilang old buddies nagtanungan kami kung saan kami work? i told her sa dito nga sa company 'ito.... akala ko naman may idea na siya bout our company kasi nga we are selling the same service, but instead sabi nya lang "Saan yun?? anong nature ng business nyo??? *wapak* ngek!!! sinabi ko sa kanya we are selling internet just like their company. she told me she never heard of our product. nakakalungkot even the competiton doesnt know that we exist. tsktsktsk .... i have the same encounter with another friend na nagwowork sa mozcom. but i wont tell you bout it na kasi pareho lang sila ng sinabi .....

Wednesday, May 11, 2005

trabahong di ko naman dapat trabahuhin

umaabsent ako nun monday para ma-renew ko yung mga requirements ko kasi hinihingi na ng opis dahil probitionary na ko ... di ko lam kong dapat ako matuwa o wala lang. pero di yun ang istorya, nagulat na lang ako nun tuesday pag-pasok ko lahat halos ng tao sa sales e may blog na!!! halong tuwa at kaba ako...kasi baka i-block na naman yun blogger site, tulad ng ginawa nila sa friendster at ym. pero hindi pa naman! (sa ngayon?? di ko lam sa susunod na araw). sina jm at butsok nagpatulong sa akin pagdating sa blog nila, hindi dahil magaling ako, kundi ako ang nagpakilala sa kanila ng blog. yipppeee!!! di ko lam kung na-inspired sila sa blog ko, o gusto lang nilang pataubin ako. hmmmppp... bisitahin nyo yung blog nila, kasi tinulungan ko sila kumuha ng template. salamat sa blogskin, haloscan, shoutbox at sa suporta nila laryuki at dada. iba talaga ang impluewnsya ng BLOG!!!!

here are there sites: JM'S ....... Butsok

Tuesday, May 10, 2005

thinking-out-loud

di ako nakapag blog nang 3 days, so let me tell what happen to me ...
nung saturday i go to the office kasi may duty ako from 8:30am to 12:30pm, tried to work for an hour.. call some of the residential clients who tried the demo online but havent got anything from them .. lahat sila not interested, after.. larry, dada and I watched windstruck sa laptop ill make an entry bout the movie next time nun gabi nagdance revo kami ni dada sa glicos megamall kasama sina evie, aldous, trevor (anak ni evie), and larry. sabay tawag sa akin si pauline, inviting me na gumimik sa metrowalk dito sa ortigas, kasama yung mga college friends nyang girls. my first answer was "yeah sure" but ive been thinking twice kasi kagigimik lang namin last fri sa metrowalk din and besides paubos na yung budget kong pera. so i said "NO" nung mga 1hour na lang bago kami umalis. syempre pauline got mad or maybe just frustrated and told me na "sana hindi na lang ko nag-yes" but i told her na i dont have any money to spend. she told me sya rin naman. so i said 'ok fine i'll go with you... aldous and larry come with us as well. dahil sa wala kaming money nagyayang kumain muna sa carenderia sa POEA si larry but i refuse to go so sila na lang dalawa ni aldous ang tumuloy . then sumunod na lang sila sa metrowalk. nang makarating kami sa metrowalk... we started ordering beer and pulutan, i was struck by the fact kung ano na nga ba ng nangyayari sa akin, this isnt what i plan my life will be. made me think na hindi ko na kilala ang sarili ko with the things that im doing. i tried to have fun that night but with three bottles of beer and a little sip of vodka, my mind give up.... eto na na naman ako. alcohol really has a different effect on me. it makes me SHUT UP.... thats how my mind and body reacts with alcohol. kung yun iba e nagiging madaldal at nasasabi kung ano talaga ang nasa loob nila , ako iba.. i tend to shut my mouth and listen to my thoughts .. and during those times my thoughts are telling me if im doing the right things? ... and why am i doing these to myself? those are the things that I want to say through all the people there (kahit na ala naman talagang tao that time). but something is stopping me from bursting some words into my mouth, its my HEART maybe it is afraid that i might say things that i should not...

Friday, May 06, 2005

my blog

halos isang linggo ko nang pinaghihirapang i-renovate ang blog ko. mahilo-hilo na ko sa kakatingin at kakatsamba sa paggawa ng codes sa HTML, ang masaya dun marami na kong natutunan. di naman sa pagmamayabang pero halos lahat ng basic HTML ay alam ko na. wehehe .... comment naman kayo sa itsura ng blog ko ... laitin nyo ang dapat at purihin nyo rin yung karapat-dapat.... isa na lang ang malaki ko problema yung credits button ko sobrang layo ng spaces????? :( sana may tumulong sa akin.

Thursday, May 05, 2005

di ako ma "L"...

kanina habang nagbre-break kami, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng kaopisina ko, tanong?? ano ang pinaguusapan nila?? basta eto yung senaryo:

Girl 1 : Hoy!!! Girl 2 wala na ko "L"

Napaisip ko ano kaya ang ibig sabihin ng "L" na yun? Naglaro ang "L" na yun sa isip, maraming mga salita namuo sa aking utak. Kesyo ganyan ... Kesyo ganito ... Kesyo .... Kesyo. Saglit kong nagisip at sinubok na magtanong sa iba kong kasama, tinawanan nila ako ng banggitin ko ang usap nina Girl 1 at Girl 2. Ako'y napatanong, hindi pa man din kasi nila alam ang ibig sabihin ng "L" e natatawa na sila. Tsk tsk tsk. Sinubukan namin ni kumpanyerang Dada gamitin ang salitang "L." Eto ang kinalabasan ng maukilkil naming utak:

Dada : MA-"L" = malandi
Airwind: MA-"L" = maligaya
Dada: MA-"L" = malunok (ito yung habang kumakain sya ng biko)
Airwind: MA-"L" = malatik (medyo related dun sa biko ni dada)

At kung ano-ano pang Ma-"L" na salitang hindi ko na pedeng sabihin dahil may mga batang nagbabasa nito (pede Airwind??) Basta hindi ko MA-"L" as in hindi ko maLiLimutan 'tong araw na 'to, na dahil sa "L" e may nablog ako. Sana nga mawala na rin ang "L" ko, "lungkot" .......

Wednesday, May 04, 2005

gaano katamad ang mga pinoy???

eto lang naman ay obserbasyon ko sa tuwing pumapasok ako sa opisina.... anumang puna at batikos ay aking tatanggapin, ngunit ang inyong sandaling paghanga at pag-sangayon ay lubos kong ikakasaya

1. papara ng dyip sa tapat mismo ng gate ng bahay nila - minsan atawid na lang ng intersection di pa magawa. ito yung mga taong hindi ko malaman kung kuripot lang talaga dahil sinusulit nila yung binayad nila o talagang sobrang tamad lang. tapos galit pa sila kapag lumagpas sila??? pinoy nga naman. ma taxi na lang kaya kayo!!!

2. mga pink male urinals - para sa akin di lang kakulangan ng disiplina ang pinapakita ng "ihian" na ito kundi katamaran na rin ng pinoy... marami naman kayang establisimentong pwedeng ihian? hindi pedeng sabihin babae lang ang marunong magpigil!!! duh!!! iwan ko ba pero ako i wont attempt na umihi dun, besides sobrang panghe at bantot. di ko nga lam kung bakit tinotolerate yung gawaing ganun ng mga lalaking pinoy. di parang sinabi na rin nilang walang masama sa pagihi sa kalye??? duh ulit!!! nakakahiya talaga!!!

3. mga tagaligpit at tagalinis ng table sa mga fast food chain - ang pagkakaalam ko sa ibang bansa e kanya-kanya. yun daw ang gamit ng tray kapag kumain ka sa jollibee, mcdo .... etc. para atleast madaling ligpitin at itapon sa basurahan. biktima rin naman ako ng ganitong gawi pero may magagawa pa ba ko yun na ang nakasanayan ko, wehehe baka mamaya pag nilinis ko yung kinainan ko pagtawanan ako ng ibang tao......

4. mga pedestrian lane na hindi naman ginnagamit - sa sobrang tamad ng mga pinoy maglakad, kahit nga siguro 5 hakbang na lang e nasa tamang tawiran na sila ay hindi pa rin magawa. mas gugustuhin pa nilang mag-jaywalk. tapos pagbasagasaan sila, kasalanan ng drayber.....tsk tsk tsk ...

sa ngayon ito pa lang ang napapansin kong mga "katam" ng mga pinoy .... hindi sa sinisisi ko ang mga kapwa nating pinoy, pero sana sa simpleng paraan laman nang pagsunod e magawa natin. starting from ourselves, let us be aware of what are we doing. if we think na hindi yun tama, then wag na nating ituloy..... ~_~

Blogroll

Labels

Counter