my head aches ... my back aches ... pano ba naman kagabi nabasa ako ng malakas na ulan. maaga kasi akong umuwi, dahil sabi ni ate sonia pupunta sila ng bahay at mapapatype ulit ng resume ni kuya rowen.ayon nun palabas ako ng opis medyo ambon pa lang, pero nung nakababa na ako ng mrt sa may quezon ave. todo lakas ng ulan, e wala pa naman waiting shed sa quezon avenue. hindi ko alam, pero pag umuulan, sasabayan pa yan ng hirap ng pagsakay ... nakauwi ako nang basang-basa to the highest level, pero ang nakakatuwa kahapon e hindi naman pala pumunta sina ate sonia dahil nga ang lakas din ng ulan sa kanila, at natatakot silang mabaha... kaya eto ngayon masakit ang katawan ko, na para bang magkakasakit ako. sabi ko kahapon "hindi ako magkakasakit, kasi umiinom ako ng vitamins." pero sa lupit ng panahon dito sa pinas di siguro sapat ang bitamina lang. tulad na lang kaninang umaga, sobrang init naman. mga ilang araw na rin naglalaro sa 35 to 39 degrees and temperatura, dulot nun sa akin?? "para akong naligo sa pawis sa tuwing darating ako ng opis!!!!" maglakad ka ba naman mula mrt station hanggang emerald e... ?? tapos ngayon eto, umuulan na naman .. kahit sinong malakas ang resistensya malamang magkasakit sa pabago-bagong klima ng pinas... tsk tsk tsk
teka nandito boss ko, mag fi-field work daw sya bukas!! sus ... may bago ba??? at as if naman na we care??? *tawang demonyo*. balik tayo sa usapang panahon, nabasa ko sa dyaryo sa taguig daw may isang baklang namatay sa heatstroke ... kebabaredad!!! namatay sa sobrang init?? ayon sa balita nagpahinga lang daw nang sandali ang biktima nang i-check ng friend nya sa kwarto .. ala na paktay na ang bading ... tsk tsk tsk lupet talaga .....
Wednesday, May 25, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
No comments:
Post a Comment