Thursday, August 23, 2007

Migration

Nagloloko ang blogspot ko ..... gumawa na ako ng account sa wordpress ... baka lumipat na ako. Here is my new address Airwind

Wednesday, August 22, 2007

A Love Story (REVIEW)

Madalang akong manood ng tagalog film. Lalo pa't kung sino-sino na lang ang nagiging artista.

Last film na tagalog na napanood ko ay "Shake, Rattle and Roll 8" na nadismaya lang ako. Tinulugan ko yung dalawang episode. Ni di man lang akong nasindak, mas naiinis pa ako sa binayad ko na hindi ko man lang nasulit.

Naka-chat ko yung isa kong opismate na madalang din manood ng tagalog. Tinanong niya ako kung napanood ko na raw yung "A Love Story" nila Maricel at Aga. Sabi ko hindi pa, at wala akong balak lalo pa't si Aga ang main cast.

Simula nung napanood ko si Aga na kapartner si Claudine (na dati niyang kapatid sa Okidoki Dok) at si Kristine Hermosa na halos kalahati ata ang bata ng edad sa kanya. Nagdesisyon na akong wag manood ng susunod na pelikula niya. At ang kinakakaba ko baka yung susunod e si Serena Dalrymple na ang kapareha niya.

Pero napalit ako ng kaopisina ko. Sabi niya hindi niya raw ipapahiya ang sarili niya sa akin.

Nung linggo, ang init sa bahay. Ubos na rin ang mga DVD na pinapanood ko. Lahat ng tao umalis. Kaya yung tinopak ata ako niyaya ko yung kapitbahay kong manood ng sine. At syempre "A love story" ang pinanood namin. oo na kinakain ko na yung sinabi ko about Aga.

Nilibre ko yung kapitbahay ko tutal sa SM San Lazaro lang naman. Palipas oras baga (palusot). Ang haba ng pila. Dalawang sinehan ang nagpapalabas ng pelikula ni Maricel.

Nagbaon kami ng chichirya at isang 500ml na apple flavor na jungle juice sa loob ng sinehan.

5:10 nagsimula ang palabas ......

Tumakbo ang kwenta sa love triangle ng tatlong main cast na sina Maricel, Aga at Angelica.

Di ko na kwekwento ang buong istorya ... pero masasabi ko lang nanumbalik ang paniniwala ko sa pelikulang pilipino dahil sa movie na ito.

Magaling ang takbo ng istorya sa simula mapapaisip ko kung sino ang tunay na kerida kina Maricel at Angel.

Sa huli paiisipin ka naman kung sino ang sasamahan ni Aga sa dalawa.

Hands down ako sa writer ng movie na si Vannessa Valdez (yun e kung di ako nagkakamali)

Isa lang ang natutunan ko sa pelikula "History repeats itself." Panoorin niyo ang pelikula para malaman niyo kung bakit.

May koneksyon ito sa relasyon ng Tatay ni Aga at sa relasyon ni Aga sa mga naging babae niya .....

Unang review ko ito kaya medyo magulo ... pasensya ....

Tuesday, August 14, 2007

Ma-mimiss kita Kaibigan ko

Ito si Pauline aka Ponyang aka Bodette. Nakilala ko siya nung college. Maka block seksyon kami simula 1st yr hanggang 2yr. Pagdating ng 3rd yr 2nd sem lumipat na siya nang seksyon pero di doon naputol ang pagkakaibigan namin.

Panggabi kami nung college, 6-9pm ang pasok Mon-Sat. Madalas maaga palang pupunta na ako sa bahay nila Pao maglalaro ng dance revolution sa PS1 nila kasi meron silang dance pad. Habang siya naman aasikasuhin niya yung bunso niyang kapatid na papasok sa eskwelahan. Pagkaalis ng kapatid niya para pumasok. Linis naman ng bahay ang bibigyan pansin niya. Siguro aabutin na siya ng 4pm para matapos kaya naman madalang na maglaro kami dalawa kasi maliligo na siya at mapreprepara para pumasok.

Masipag, maalaga, maalahain at sobrang bait niyan si ponyang. Siya pa nga ang dahilan kung bakit nakapasok ako sa dati kong employer. Ni refer niya ako sa kompanya nila. Ayon dahil sa kanya naawa yung kompanya at binigyan ako ng trabaho.

Eto yung mga hindi ko makakalimutan na mga moments namin ni Ponyang:

~ yung nag apply kami ng trabaho sa Jollibee, Cubao. Siya at si Rachel lang ang natanggap. Pero di rin naman niya tinuloy.

~ natatandaan ko pa yung pagtitinda niya ng Halo2x para makaipon siya ng pambili ng Cellphone. 5150 pa uso nun. Na nabili niya naman.

~ yung mga pag chaperon ko sa kanya kapag kasama namin yung BF niya. Yung bang sasabay ako sa kanyang pauwi kahit na mapapalayo ako ng daan.

~ yung pagkain namin sa SM North, wala kami pera pa nun. Bibili kami ng 20 pesos na spaghetti sa A&W at 20 pesos naman na burger sa Wendy's.

~ yung paborito naming "Tapsi Plus" na kainan sa foodcourt.

~ mga nakakatawang alala, nung minsan nadapa siya sa Pureza at nagkapasa siya sa tuhod.

~ yung tinuruan niya akong bumili sa ukay-ukay. Na kapag suot niya na ay walang nakakahalatang sa ukay-ukay niya yun binili.

~ yung pagsali niya sa promo girl 03 nung college kami (isa itong beauty pagent)

~ yung pagganap niya bilang Ariel sa play namin na nagcustome sirena siya.

~ ang magdalas mapagkamalan na si Judy Ann noon ... Si Sarah Geronimo na ngayon.

~ yung pagpapakilala niya sa akin kay Viols na tigagupit ng buhok ko hanggang ngayon.

~ yung pagtulog niya sa bahay namin nang minsang lumayas siya sa bahay nila at ginawa kong siyang tigahugas ng pinggan.

~ ang pakikinig namin kay Ms M sa DZMM bago matulog nung mga panahon na iyon.

~ yung pamimili namin ng pamasko sa mga inaanak namin sa Divisoria.

~ yung sinabihan kaming walang pinagaralan ng isang tindero sa Divisoria dahil hindi namin nakuha yung gusto namin halaga.

~ yung muntikan ng mapaaway kami sa tricycle driver dahil binabarat namin yung pamasahe.

~ yung pag cha-chat namin nung nasa Dubai pa ako at kukulitin akong mag webcam.

~ yung napaiyak niya ako sa banat niyang umuwi na raw ako ng pinas , may pera man o wala ay tatanggapin pa rin niya ako.

~ yung kabaitan na pinakita ng Nanay niya sa akin.

~ yung mga birthday niyang cinecelebrate namin kahit dalawa lang kami.

~ yung pag-iyak niya sa akin sa tuwing may problema siya sa BF niya at wala naman akong masabing payo.

~ yung pagsama niya sa akin nung nasa ospital si Nanay.

~ yung walang kamatayan pasahan ng text dahil naka unlimited kami.

Maraming alaala ... hinding-hindi ko makakalimutan ... Si Ponyang ... Bodette ... Pauline na siguro ang "Matalik Kong Kaibigan."

Mahal na mahal ko yan .....





Wednesday, August 08, 2007

Kwentong Pasahero

Ang lakas ng ulan, halos dalawang araw ng hihinto-bubuhos ang ulan dito sa pinas. Ngayon ko nga lang nalaman na may bagyo pala. Di na kasi ako nakakanood ng tv. Puro nood na lang ng DVD (ang tagal pa ng season 2 ng Heroes at season 3 ng prison break).

Kwento ko lang yung usapan namin nung Taxi Driver kagabi.

Hindi kasi ako sumasakay ng puting taxi. Kundi MGE e R&E lang ang sinasakyan ko. Madalas tumatawag ako sa dispatcher nila at nagpapasundo sa bahay na mismo. Mas ok yun kasi nalalaman ng mga kasama ko sa bahay kung anong taxi ang sinakyan ko at naisusulat namin yung body number ng taxi, so anumang manyari madaling ma-track yung taxi. Bukod pa yun sa convenience na hindi mo na kailangan pumunta sa kanto at magintay sa gitna man ng init o lakas ng ulan.

Dahil nga may bagyo, may kahirapan ang pagtawag sa mga taxi companies. Dahil nga sa tamad ako nagtiyaga akong mag redial ng magredial hanggang sa makontak ko ang MGE. Sabi sa akin nung dispatcher 5-7mins daw e darating na yung susundong taxi sa akin.

10 minuto na ang nakalipas bago dumating yung taxi. Wala naman akong choice kasi ayoko maglakad pupuntang kanto dahil baha sa amin at tamad akong magdala ng payong.

Pagsakay ko eto ang usapan namin nung driver:

Driver: San po tayo boss?
Ako: Sa may pasay lang po. Daan po tayo ng P. Florentino ... Gov Forbes ... Nagtahan ... Quirino ... Roxas Blvd ... tapos pasay.
Driver: Di 'ho ba baha dun sa lugar na yun?
Ako: Bakit manong may lugar pa ba dito sa Maynila na hindi baha?

(tumahimik na lang yung driver ... ako naman natulog)




"My New Teamates"

Thursday, August 02, 2007

Yun oh!

Lots of things had happen na hindi ko man lang ng blog. Minsan nga pumasok na rin sa isip ko na siguro ihinto ko na rin ito. Pero hindi ko naman magawa. Iba pa rin talaga ang nadudulot ng pagsusulat ko dito. Nakakamiss ang pagblo-blog hop ko. Ang pagdagdag ko sa mga blogristang napapadaan dito.
Ni hindi ko man lang naikwento na bumiyahe ako kasama ng kapatid ko at ng barkada niya by VAN papuntang leyte. Pers time kong lumabas ng luzon. Yun na siguro ang pinakamalayong narating ko dito sa pinas. At walang halong pagsisis kasi lubos naman talaga namangha at nasiyahan ako sa paglalakbay kong iyon. Nagpapasalamat ako kay Ate sa pagsama niya sa akin.
Nalipat din ako ng departamento dito sa opisina. Halong lungkot at saya. Masaya dahil may tsansang tumaas ang sweldo ko kung makakapasa ako sa mga certifications. Malungkot dahil umalis na ako sa mga dating kong kasamahan na talaga naman napamahal na sa akin. Bagong pakikisama na naman. Aja!

Bumalik na rin ako sa bahay ng Nanay ko sa Laloma. Mahigit isang taon din naman akong tumira sa tiyahin ko sa Fairview. Yung nakuha kong bonus nung isang buwan kasama ng 5K pinadala ni Ate ang pinaayos ko ng bahay. Tagpi dito … tagpi doon. Yun muna siguro sa ngayon.

Malapit na ang kaarawan ko. Pupunta akong Disney HK at don ang ako magcecelebrate. Yun na lang ang pabawi ko sa sarili ko sa mga nangyari sa akin nung nakaraan taon.

Nakakatakot, ang bilis ng panahon. Eto malapit na ulit magsimula ang Ber months. Napagdesisyonan ko nang magtrabaho na lang sa araw ng pasko at bagong taon. Di tulad ng mga kasamahan ko na ngayon pa lang ay nagfi-file na ng leave sa mga araw na iyon. Maaring magbago pa ang isip ko kasi nagbabalak daw ang panganay namin na mapasko dito sa pinas.

Kamusta naman ako? Eto tumataba …. Nagaaral mag budget ng pera nang may mapambayad sa bills buwan-buwan at masustentuhan na rin pati luho ko. Balak kong huminto sa mga luho ko pagdating ko ng 24 yrs old ay 25 na lang. Hahaha …… yan ang kinakatakot ko kasi hanggang ngayon wala pa rin direksyon ang buhay ko. Masyadong inaasa ko na lang kay batman ang araw araw ko.


"My Leyte Trip"

Blogroll

Labels

Counter