Wednesday, November 26, 2008

Deviant

Nagkakapag upload na rin ako ulit sa Deviantart ko. 

Nageenjoy ako sa pagkuha ng litrato. Kahit naka point & shoot lang ako, kinakarir ko talaga ang pagkuha ng litrato. Maganda naman ang feedback ng mga friends ko so im happy. 

Feel free to browse on my gallery .... iwan na rin kayo comments kong meron man. Pangit man o magandang comments are certainly welcome. 

Click "HERE" for my site.

"Sample"

I also want to share yung mga website's na naging inspirasyon ko:

>>> Joseph

Salamat

Tuesday, November 25, 2008

Update!

Ito na ata ang pinakamatagal kung hindi nag blog. Naging busy ako sa multiply site ko at pag kuha ng pictures. Gusto ko man i-post dito yung mga pics e  natatagalan at nahihirapan ako sa pagupload. Bukod pa sa hirap akong i-ayos yung mga pics sa site. 

Pero ito ako nagbabalik. Ika nga ni ni Ka Gary V "babalik at babalik ka rin" wehehe. 

Bilang unang post (una daw, wehehe) tingnan nyo na lang yung mga pics na kinuha ko sa ilang buwan na nawala ako. 



Mahilig kong gawing test subject ang dalawa kong makulit na Apo. Opo apo ko na po sila. Wehehe

Nagbirthday ako sa Al's Bar (BF Homes, PQ) kasama ang mga bagong kong kaibigan sila Janice at OJ. Nakilala ko sila sa Multiply

Dumating ang mga pinsan ko from Canada kasama ang mga asawa nila

Pumunta sa UP diliman para suportahan ang exhibit ni Dada

Nakipagkita kina Mia at Stephen nang umuwi sila from Singapore

Tumambay sa Trinoma

Nakipag-get-together sa mga Client Logic friends ko

Bumisita sa Mahal kong Ina

Nagenjoy manood ng mga Cosplay Events

Higit sa lahat nag-enjoy at nakipaglaro sa tadhana. Nakisabay sa indayog ng buhay. 

Dalawang taon na akong nakatirang mag-isa dito sa pilipinas. Walang magulang. Walang kapatid. 

Lakas nang loob at paniniwala sa taas ang naging sandalan ko.

Maraming Salamat

Blogroll

Labels

Counter