Thursday, May 05, 2005

di ako ma "L"...

kanina habang nagbre-break kami, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng kaopisina ko, tanong?? ano ang pinaguusapan nila?? basta eto yung senaryo:

Girl 1 : Hoy!!! Girl 2 wala na ko "L"

Napaisip ko ano kaya ang ibig sabihin ng "L" na yun? Naglaro ang "L" na yun sa isip, maraming mga salita namuo sa aking utak. Kesyo ganyan ... Kesyo ganito ... Kesyo .... Kesyo. Saglit kong nagisip at sinubok na magtanong sa iba kong kasama, tinawanan nila ako ng banggitin ko ang usap nina Girl 1 at Girl 2. Ako'y napatanong, hindi pa man din kasi nila alam ang ibig sabihin ng "L" e natatawa na sila. Tsk tsk tsk. Sinubukan namin ni kumpanyerang Dada gamitin ang salitang "L." Eto ang kinalabasan ng maukilkil naming utak:

Dada : MA-"L" = malandi
Airwind: MA-"L" = maligaya
Dada: MA-"L" = malunok (ito yung habang kumakain sya ng biko)
Airwind: MA-"L" = malatik (medyo related dun sa biko ni dada)

At kung ano-ano pang Ma-"L" na salitang hindi ko na pedeng sabihin dahil may mga batang nagbabasa nito (pede Airwind??) Basta hindi ko MA-"L" as in hindi ko maLiLimutan 'tong araw na 'to, na dahil sa "L" e may nablog ako. Sana nga mawala na rin ang "L" ko, "lungkot" .......

3 comments:

Anonymous said...

he he he. gandah blog mo. akoh kaya may "L" pa. meron madami ata ako nun. ahihi....

Airwind said...

salamat!! pero sa na sa susunod magpakilala ka... na "L" nak okasi sa iyo e.. nalalabuan !!!

scarlet_beads said...

hahahah!!!! ma-L un ha! ma-Lakas na tawa! nakaka-L ung blog mo, nakaka-Loka. sana naman maraming na-L sa blog mo, na-Ligayahan. sana naikuwento mo ang L, Lahat ng mga ka-L-an na tin, ka-Lokohan. ma-L ka talaga! =o)

fyi, nakita ng pinsan ko picture mo. kung anuman ang sinabi nya, alamin mo na lang sakin sa office first thing in the morning kung gusto mo. hehehehe... =o)

Blogroll

Labels

Counter