Tuesday, February 07, 2006

Eto Na Yun



Natapos na ang lahat
nandito pa rin ako
hetong nakatulala
sa mundo

hindi mo maiisip
hindi mo makikita
ang mga pangarap ko
para sa iyo

oh..
hindi ko maisip
kung wala ka
oh..
sa buhay ko

nariyan ka pa ba
hindi ka na matanaw
kung merong madadaanang
pasulong

sundan mo ang paghimig na lulan
na aking pinagtanto
sundan mo ang paghimig ko

Di ko alam pero para sa akin yan na siguro ang "theme song" ng pag-alis ko. Korni ko no? ah basta yan ang kanta ko. Awitin ito ng "HALE" na ang pamagat ay "Kung wala Ka."

Heto na ang araw ng aking paglisan. Opo, huling gabi ko nang masisilayan ang pinas. Maraming na akong natanggap na "text" at isa lang ang madalas kong na tanong at yun ay kung ano ang pakiramdam nang isang mangingibang bayan. At ito lang din ang kaisa-isa kong sagot "Halo-halo" tumpak para ba yung panghimagas na sikat na sikat tuwing bakasyon. Tipong pinagpatong-patong na sangkap kung tatawagin ang mga emosyon na nararamdaman ko. Tila isang leche flan o di kaya ice cream na laging katiting ang nararamdamang kong kasiyahan. Para bang anumang oras ay malulusaw na ako at unti-unting lalabas ang butil ng tubig sa gilid ng matatawag kong baso. *sigh* Kaya naman ngayon pa lang uunuhan ko nang higupin ang natitirang sabaw at damdamin ang natitira pang sangkap.

Sa lahat ng barkada, kapamilya (pati na rin mga kapuso), katropa, mga minamahal, mga kabati, kagimikan at ikaw na bumabasa nito. Maraming salamat... kailangan ko nang magbukas ng bagong kabanata ng aking buhay. Nawa'y masamahan niyo pa rin ako.

*bow*
*clap**clap**clap**clap*

Saturday, January 14, 2006

I Never Thought It Will Be Like This


Mukhang di muna ako makakapag-blog. Sa kadahilanang. Walang na yung computer ko sa akin. huwahhhhhh Binigay ko na sa pinsan ko. Akala ko kasi aalis na ako last week pa, yung pala hindi pa! Unang dahilan, e dahil na daw dun sa namatay na ruler. So bakasyon daw ang dubai ng isang linggo. Pangalawa, ayon sa agency nahihirapan daw sila i-booked kami ng flight dahil sa mag-sho-shopping festival daw dun. Maraming gustong pumunta. *sigh* Sabi baka sa Feb 3 na raw kami umalis dahil yung lang ang may open. Pero nasa waiting list na raw kami. So anytime before Feb 3 ay pede kaming umalis.

Sa ngayon hindi muna ako makakapagblog, ok lang din naman dahil napaka-routinary na naman ng buhay ko. Wala na akong ginawa kundi tumambay sa bahay. Di ko na nga lam kong matutuwa pa ako. Bahala na!!!

Sa lahat nang dumadalaw salamat po ulit!!! :)

Monday, January 09, 2006

Di Ko Ipagpapalit

Life was never the same without friends. Kaya naman im so blessed to have a long time friends. At sila ang mga highschool classmates ko.

Hindi pa rin natutuloy ang alis ko YIPEEE! at ang balita Jan 14th pa ang balik ng opisina sa Dubai. Kaya naman kahapon natuloy na rin ang so called "Despedida" party ko with my highschool friends/classmates.

Tama sila, pinakamasaya talaga ang Highschool days. Kaya naman wala kaming ginawa kahapon kundi pasakitin ang tiyan at halos maubos ang hininga sa kakatawa ng isa't-isa. Ultimo nga mga naging problema namin noon ay pinagtatawanan na lang namin ngayon. May kwento tungkol sa lovelife, may kwento tungkol sa mga notorious na kaklase, mga matatalino, mga teacher na naging paborito at syempre yung mga malulupet. Napakasarap balikan. Kaya nga lubos akong natutuwa kasi nandyan pa rin sila, mas masarap kasing ikwento at bumalik sa nakaraan kung yung kausap mo ay nandoon din sa panahon na iyon. Binasa namin ang mga liham namim sa isa't-isa noon at mawawala ba ang pagtingin muli sa mga litrato. Yun yung talagang sobrang hagalpak ako sa kakatawa. Pucha iba itsura namin noon lalo na yung mga sinuot namin nung Junior/Senior prom. (wala akong balak i post yung pics namin) Malupet!!!! Sabi ko nga sa kanila kailangan suotin nila yung bago ako umalis. Wehehehe .....

Pag-uwi ko nang bahay naalala ko may binigay nga palang sulat si Bevs, heto ang ikalawang page ng kanyang sulat.Salamat ulit mga tunay kong kaibigan, pumunta man ako doon, makakilala man ako nang sandamakmak na kaibigan. Iba pa rin kayo Jom, Bevs, She at Rea.

x's
LINK NG PHOTOS >>>>>>> Tropang B

Thursday, January 05, 2006

Hirap pagkatapos ng Sarap

Nagsisimula na akong magimpake ng dadalhin ko. Tutal nandoon na naman ang panganay kong ate, tiyak na mayroon nang magsusundo sa akin pagdating ko at ano man pagkukulang sa mga nadala ko ay makahihiram ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na aalis na ako. Tulad nga ng sinabi ko sa mga nauna kong post na ayoko talaga. Subalit napag-isip-isip ko na ito ang pagkakataon para malamang ko kung ano ba talaga at pano ba talaga ang mabuhay. Oo nakayanan ko sa 22 taon, subalit iba, kapag yung magisa ka na lang. Ikaw ang may hawak ng iyong desisyon, matututo kang magbudget di lamang ng pera kundi ng oras mo. Tama nga ang nanay, simula't sapul dapat ay sinanay ko na ang sarili kong mag-isa. Kaya naman ganun na lang ang takot kong umalis. Sabihin man natin na nanduon ang dalawang kong kapatid. Iba pa rin ang kalinga ni nanay.

Sabi ni Ate siguro aabutin ng isang buwan bago ako makapag-adjust sa lugar. Ano nga kaya ang pakiramdam ng wala kang makikitang dyip at tricycle. Nasana'y na kasi akong makarinig ng mga tunog na nanggagaling sa mga behikulong ito kasi naman malapit ang bahay namin sa highway. Masarap daw ang hangin doon ... di tulad dito. Sapat na kaya iyon para mabuhay ako? Murang bilihin, sagana sa bagay na hindi ko nakakain dito. Tsokolate, sus malamang manawa daw ako. Ubas, cherries, pistacio at kung ano-ano pa. Malamang nga daw manlaki ang mata ko sa mga makikita ko. Ano nga kayang pakiramdam na tumira sa isang lugar na puro buhangin. Sabi ni ate iba daw ang kulay ng alikabok doon, "Puti" ... ano't-ano pa man. Kakayanin ko kaya???

Siguro sisilip na lang lagi ako sa bintana, iisiping malayo man ako sa pinas, malayo man ako sa mga taong nakasama ko na ng matagal alam ko, isa sa kanila ay nakatanaw din at iniisip ako. Sana nga??

Wednesday, January 04, 2006

Who Needs New Year Resolution...


Bagong taon! Bagong simula ika nga nila. Sawang-sawa na ako sa katanungan kung ano ng "New Year's Resolution" ko. Pakiramdam ko kaplastikan na lang iyon. Kasi hindi ko rin naman nagagawa. Kaya naman para sa akin isa lang ang hiling ko "CONTENTMENT" kung ano man ang mayroon at darating sa akin ay tatanggapin ko. Tutal lahat naman nang bagay ay nangyayari ng may rason.


HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!

Friday, December 30, 2005

Playing with the Camera

For this past few days, naging busy ako kasi nandito ang "ATE." Never ata kaming natinag sa loob ng bahay, after christmas we went to different places and boy i cant stop to get hold of Ate's camera and take pictures. I always wanted to take a small course about photography, perhaps blogging might be one of the reason that i got interested. Simula ng pinakilala sa akin ni DADA ang deviantart sobrang na-inspire ako sa mga nakita kong shots ng mga amatuers na pinoy photographer, lalo na nung makakita ako ng mga photoblogs katulad ng kay Ka Jeff. Kaya naman when Ate brought her camera with her, hala nangangati ang kamay ko sa kaka-clik!! Kodakan na!!!

~pakiclick yung word na "kodakan" kung nais ninyong makita yung iba ko pang kuha~

Sunday, December 25, 2005

Kakaibang Noche Buena

M E R R Y C H R I S T M A S ! ! !

Dumating na si Ate Arlin at si Russelle last night and boy it was so trapik. We supposed to fech them at 5pm but we got there at 730pm. OA man kung OA pero sobrang trapik. Pero as Ate Arlin's says ok lang daw kasi medyo natagalan pa sila sa loob ng airport. Galing kasi silang singapore, namasyal sila for two days ng friend niyang si Russelle. Kumain muna kami sa may kalaw, dun ba sa malapit sa manila view. They served seafoods at that resto pero all i can say is what a waste of money. Sorry pero hindi kami nag-enjoy sa food nila.Napaka walang lasa at napakamahal. But the heck, we are so dead hungry coz we havent eaten lunch yet, so no choice. We stayed overnight at Ate Sonia's house as expected kasi pagod na kaming lahat.

The next morning, hindi na kami nagsayang ng oras. We went to SM Fairview to eat lunch. Here our picture:

Left to right: Ninong, Ninang, Nanay, Ate Arlin, Mira , Kuya Rowen at Ate Sonia

Food trip kami sa "Congo Grill" kasi nga mahilig ang family namin sa pinoy food at bukod pa sa namiss din daw ni Ate. Mabuti rin itong pambawi sa experience namin kahapon dun sa nakainan namin sa baywalk. At ang masaya pa dito mas nakamura pa kami.


" Di naman obvious na nagenjoy ako at nabusog. Wehehe"

*sigh* ilang tulog na lang .... :(

Thursday, December 22, 2005

A Different Kind of Christmas List

Napa-aga, ayon sa mga nakasama ko nung medical yung alis namin. Imbes na Jan 10 ay naging Jan 8 na ito.

Lintik! Lalo akong di mapakali, hindi ko alam ang reaksyon ko. Pucha! Ilang linggo na lang yun a? Eto ang listahan ng mga ginagawa ko sa mga nakalipas na araw na alam ko tatatak sa isip at alaala ko.

TASK # 1 - i-mit ang mga highschool friends

~ niyaya ko ulit ang mga kaklase ko nung highschool na mag-divisoria. Na talaga namang nakagawian na naming gawin. Napagusapan din namin na lalabas kami sa 28th, tutal kaarawan ni Sharry sa 29th.

~ nagkataon na nagkita kami ni Jaime sa Greenhills nung isang gabi, at nasabi ko sa kanya na may gimik kami. Sakto kasi bday niya raw sa 27 so sasama siya. Dumalaw siya dito nung isang gabi. Isang araw makalipas ang pagkikita namin. Sinamantala ko na. Pinuntahan namin si Russelle na malapit lang din ang bahay dito sa amin, nagkayayaan kami na kumain ng Pares.

TASK # 2 - ipaalam sa mga naging kasamahan ang aking pag-alis

~ inuna ko na ang mga kasamahan ko ngayon. At talaga naman kakaiba dahil personal ang pagkasabi ko sa kanila. Merong umiyak at meron din naman natuwa para sa akin. Lahat yun sobrang na-aapreciate ko talaga.

~ sinubukan kong i-text ang dati kong kaopisina sa ePLDT. At hindi naman ako napahiya kasi agad akong tinawagan ni mia at nakapag kwentuhan kami ng halos 4 na oras sa telepono. Isa lang ang nasabi sa akin ni MIA "hanapan ko raw siya ng trabaho. "

~ tumawag na ako sa mga naging ka-close ko sa tridel. Lahat sila tuwang-tuwa dahil alam nila siguro ang ginhawang maidudulot nito sa akin. Kaya naman nagpapasalamat ako.


TASK # 3 - ibalita sa mga kabarkada ko nung college

~ noong nakaraan 17th e nagbirthday si Pol, kaya naman sinamantala ko ang okasyon para masabi sa kanila ang pagalis ko. Malungkot dahil napalapit talaga sa akin ang mga tropa ko nung college. Pero lam ko naman na kahit ano mangyari nandiyan lang sila

TASK # 4 - makisalamuha sa mga mabubuting kong kapitbahay.

~ kagabi lamang ay nagcelebrate si Noriel (isang kababata) nang kanyang kaarawan. Kaya naman halos buong araw akong ala sa bahay ang tumutulong sa kanyang paghahanda. Jackpot na rin kasi naging ka-crew ko rin si Noriel sa Jollibee kaya naman naimbitahan niya ang iba namin kasamahan.

Hindi naman siguro kahambugan ang ginawa kong pagsabi sa kanila na aalis na ako. Dahil hindi rin naman lahat ng nakasalamuha ko ay sinabihan ko. Sapat na sa akin na malaman nila ang estado nang buhay ko. Dahil para sa akin wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung hindi ko sila nakilala. At doon pa lang ay malaki na ang pasasalamat ko.

Monday, December 19, 2005

Talking to Myself

Ive changed my wallpaper today, before i used to have one of our photos taken from EK. But now i'd change it to a wallpaper taken from a website.

As per last entry, i was planning to file my resignation sa current job ko. But instead, ive been AWOL for 3 consecutive days. Not that i was sick ... im just very confused, frustrated and tired of thinking. Ask me why? My answer will be i still dont know ...

Natanggap ako sa trabaho papuntang Dubai. I already sign the contract last Saturday. If all my requirements are through before this 23rd. By Jan 10, ill be saying goodbye to my home "PILIPINAS."

I dont wanna talked about the reasons kung bakit nagAWOL ako, kasi i know that im partly to be blamed about it. So might as well skip that.

Just right now i already miss all my friends. People whom i knew for the last 22 yrs that im here sa pinas. Call me madrama. I dont care. But yes i really do missed them. Im already thinking of things that i cannot do once im already there. People whom i talked too everytime i have a problem or just to have someone that i can talk too.

Im counting my days ... as if im about to die.

Thursday, December 15, 2005

This Gives me an Idea


Read these from this site (PAKI-CLIK) Natataon sa binabalak ko. Nyaahaha ... Kwento ko sa susunod na entry ko yung details. Sa ngayon eto muna ....

Dear Mr. Baker,

As a graduate of an institution of higher education, I have a few very basic expectations. Chief among these is that my direct superiors have an intellect that ranges above the common ground squirrel. After your consistent and annoying harassment of my coworkers and me during the commission of our duties, I can only surmise that you are one of the few true genetic wastes of our time.

Asking me, a network administrator, to explain every little nuance of everything I do each time you happen to stroll into my office is not only a waste of time, but also a waste of precious oxygen. I was hired because I know how to network computer systems, and you were apparently hired to provide amusement to myself and other employees, who watch you vainly attempt to understand the concept of "cut and paste" for the hundredth time.

You will never understand computers. Something as incredibly simple as binary still gives you too many options. You will also never understand why people hate you, but I am going to try and explain it to you, even though I am sure this will be just as effective as telling you what an IP is. Your shiny new iMac has more personality than you ever will.

You walk around the building all day, shiftlessly looking for fault in others. You have a sharp dressed useless look about you that may have worked for your interview, but now that you actually have responsibility, you pawn it off on overworked staff, hoping their talent will cover for your glaring ineptitude. In a world of managerial evolution, you are the blue-green algae that everyone else eats and laughs at. Managers like you are a sad proof of the Dilbert principle. Since this situation is unlikely to change without you getting a full frontal lobotomy reversal, I am forced to tender my resignation, however I have a few parting thoughts.

1. When someone calls you in reference to employment, it is illegal for you to give me a bad recommendation. The most you can say to hurt me is "I prefer not to comment." I will have friends randomly call you over the next couple of years to keep you honest, because I know you would be unable to do it on your own.

2. I have all the passwords to every account on the system, and I know every password you have used for the last five years. If you decide to get cute, I am going to publish your "favorites list", which I conveniently saved when you made me "back up" your useless files. I do believe that terms like "Lolita" are not usually viewed favorably by the administration.
3. When you borrowed the digital camera to "take pictures of your Mother's birthday," you neglected to mention that you were going to take pictures of yourself in the mirror nude. Then you forgot to erase them like the techno-moron you really are. Suffice it to say I have never seen such odd acts with a sauce bottle, but I assure you that those have been copied and kept in safe places pending the authoring of a glowing letter of recommendation. (Try to use a spell check please; I hate having to correct your mistakes.)

Thank you for your time, and I expect the letter of recommendation on my desk by 8:00 am tomorrow. One word of this to anybody, and all of your little twisted repugnant obsessions will be open to the public. Never f*** with your systems administrator. Why? Because they know what you do with all that free time!

Wishing you a grand and glorious day,

Tuesday, December 13, 2005

R.E.S.P.E.C.T


Hindi porke nakakatanda ka, e dapat galangin ka na!! Sa akin kung gusto mong galangin kita, ipakita mo at galangin mo rin ako. Ano pa man ang Estado ko sa buhay. Bata man o matanda ako sa iyo.

Ang respesto ay walang basehan ... makukuha mo lamang ito kung ikaw mismo ay mayroon nito.

Maraming nakakatanda na magsasabi sa iyo na wala kang galang. Bakit? Sila ba meron? Yung simpleng pagsakay nga lang ng dyip na nasaksihan ko kahapon ay isa nang maganda halimbawa. Yun matanda sasakay, e mas bata yun nasa estribo (yung malapit sa babaan) sapat ba naman sabihin nong matanda "tabi ka nga diyan, nakita mo nang matanda yung sasakay!" Nak maman ng tucha!! Ang bait nitong matandang ito a. Pucha pare-pareho tayong nagbabayad a. Pano mo pakikitaan ng respeto yun ganon. Ang masaklap pa isang guro yung tinutukoy kong nakita kong sumakay na pasahero. Malupet!!! Ano na lang kaya ang natutunan ng mga estudyante niya sa kanya.

Kaya't kung gusto mong respetuhin ka ng kapwa mo, ipakita mong karespeto-respeto ka!!!

Sunday, December 11, 2005

Behind All the Happiness Lies the True Meaning of Life

Halos lahat ng friends ko are asking me kung bakit di pa ko pumunta nang DUBAI? Both my sister are there. Ako na lang at nanay ko ang nandirito sa pinas.

Mahigit na rin ilang taon nagtratrabaho ang Ate elsie (panganay) sa Dubai, siya na halos ang sumuporta sa pamilya namin at nagpatapos sa akin ng pagaaral, simula nang maghiwalay ang mga parents ko. Nagtratrabaho siya sa isang grocery store bilang isang staff.

Si Ate Arlin (pangalawa) nito lang 2002 ata nagpunta sa dubai, nagtratrabaho bilang office staff ng isang computer firm doon. Kasama niya doon yung iba niyang barkada dito sa pinas.

Kaya't ganun na lang yung mga tanong ng mga close friends ko simula pa nung highschool. Na sa tuwing magkikita kami ang pambungad na tanong e "kelan ako pupunta ng dubai?"

Maraming nagbabaka sakali na makapunta doon, ako naman matagal nang pinipilit ng pamilya at kaibigan ko na pumunta. Ako mismo ang tumatanggi. Bakit kamo? Hindi ko alam. Masaya ako dito. Iba ang nararamdamang kong security dito sa pinas. Sabihin man nilang delikado dito! Malamang pa nga yun ang unang ma-miss ko. Brutal akong tao e. Wehehehe..

Ngunit noon yun, mamaya may interview ako sa isang agency na maaring magdala na sa akin sa lugar na matagal ko nang iniiwasan. Kung tatanungin niyo ako kung bakit? Praktikal na rason, katulad din ng mga sagot ng ibang tao. Wala man akong pamilya pa, pero para sa kinabukasan ko at para na rin sa nanay ko. Gusto ko maibigay ko lahat ng gusto niya at masuklian ko naman ang mga kapatid ko. At magagawa ko lamang yun pag nagpunta ako sa dubai. Masakit man sa loob ko pero "KAILANGAN."

Kaya't bahala na mamaya kung matanggap ako o hindi .....

Monday, December 05, 2005

Ang Pagdadalaga ....


No doubt that the film is really "Filipino made". Malupit!! Magaling at napakahusay. Hindi ako nagkamaling panoorin ang palabas na ito. Madalas ko na itong marinig at mabasa, overwhelming with positive reviews. Dito man sa pinas o sa labas. Ilan na ring awards ang napanalo ng pelikulang ito. Sinulat ni Michiko Yamamoto na siya ring sumulat ng pelikulang "Magnifico."

Isang pelikula tungkol sa 12 anyos na batang bading. Na nain-love sa isang pulis. Kung iisiping isa siyang "Gender sensitive" film ay nagkakamali kayo. Ipinakita nang pelikula ang pagmamahalan ng pamilya at kung ano ang tunay na estado ng bansa. Malamang nga yun ang dahilan kung bakit napansin ito sa mga international filmfest.

Pinoy na Pinoy!! Pinas na Pinas ang dating nang pelikula. Malamang nga kung nasa ibang bansa ka at pinanood mo ito malamang ma homesick ka. Bukod na lamang kung lumaki kasa loob ng Ayala alabang.

Aminado ako, halos pareho kami ng lugar ni maximo nang kinalakhan. Mula dun sa mga babaeng maiiksi ang damit na nakatambay sa labas ng bahay namin at hanggang doon sa manonood ka ng palabas sa kapitbahay mo na magbabayad ka. Lahat yun naranasan ko.

Ngunit ang ikinatuwa ko sa palabas ay kung gaano ipinahalagahan ang salitang "PAMILYA." Ulila man sa ina ang pamilya ni maximo, makikita ang pagsisikap ng kanyang ama na itaguyod silang 3 magkakapatid. Yun nga lang sa maling paraan. Mararamdaman mo na tunay at bukal ang pagmamahal na ipinapakita ng ama at dalawang lalaking kapatid kay maximo. Na kung iisipin, madalas sa isang pelikulang tagalog na ang ama o ang lalaki na kapatid ang siya mismong tumututsa sa isang miyembro nang kapamilya kung ito'y isang bading. Nakakatuwang isipin na hindi ko nakita yun sa pelikulang ito.

Mas pinahalagahan at binigyang importansya sa pelikulang ito ang salitang pamilya at tunay na kahulugan nang pagmamahal ...

Friday, November 25, 2005

Ku Ku Kuro Kuro

As i was reading the tabloid yesterday, nabasa ko na magsisimula na pala yung SEA GAMES dito sa pinas. Cant help but feel sorry both for the athletes as well as sa mga organizers. Why? Nobody even cares, para bang this is just a plain celebration that we dont have to get involved with.

Inaamin ko im guilty na hindi ko man lang alam na magsisimula na pala ang sea games. Kung di ko pa nakita yung mga "tarpolin" kahapon sa EDSA, hindi pa ako magkaka-idea. Nagkaroon tuloy ako ng interes na alamin ang tungkol dito.



Maraming beses ko na rin naman napapanood sa TV yung mga atleta, ngayon ko lang napagtanto na nagiimbita pala sila na panoorin ang seagame ang buong akala ko kasi, meron na naman bagong pelikula sina Manny Pacquiao o si Onyok Velasco. Ba mala'y ko? Nakita ko sa tabloid yung litrato nung palabas at dun lang ako natauhan.

Napagalaman ko rin na kung balak mong manood ng mga events ay maghanda ka na malaki-laking pera. Aba'y sa iba't-ibang parte pala ng pilipinas gaganapin ang mga palaro. Bongga! Isa na rin sigurong paraan para mapromote ang pilipinas. WOW! Maganda idea... Naisip ko.

Ang katanungan ko lang bakit kailangan may entrace fee? Balak ko pa naman panoorin yung Badminton. Nung malaman ko ang halaga ng entrance fee, i might as well spend it eating. Mantakin mo P825 something ang ticket na gaganapin sa ULTRA. Nah ... di na ko manonood. Sa TV na lang.

Ang rason nila kong bakit may "FEE" kasi daw pambawi nila sa ginastos nila sa venue at iba pang utility expenses. Nak nang tucha naman! Wala bang kompanyang nagsponsor sa malaking event na ito. Bakit kailangan magbayad ng mga organizer sa mga venue? Bakit kailangan magbayad ng electric sa Meralco? At kung ano pang ka-ekekan .... *sigh*

Mangmang nga siguro ko at hindi ko naiintindihan??? Pero simple langn naman. NASYONALISMO .... tutal isang linggo lang naman yung EVENT!

Wednesday, November 23, 2005

F W E N S H I P


Image hosted by Photobucket.com
'>

Sarap talagang bumalik sa pagkabata, yun bang wala kang iniisip kundi maglaro lang. Last sunday nagpunta kami nang mga opismate ko sa EK (Enchanted Kingdom) at isa lang masasabi ko. Sobrang saya!

Hindi ko man nasakyan yung ibang mga rides dahil sa takot ako, nagenjoy naman ako kasi kasama ko yung mga makukulit kong kaopisina. Mamimiss ko talaga yung mga happenings namin sobra.

Wala akong kwenta pagdating sa mga gimik sa "theme park" kasi takot ako magsasakay sa mga ride. Masaya na ako sa carousel at bump car. Syempre kasama tropa nakakahiya naman kapag hindi ako sumakay, ayon nayaya akong sumakay dun sa pambatang "Roller Coaster" nak nang tucha!!! takot na takot ako. Pagbaba ko sa ride, nanginginig ang katawan ko at putlang-putla ang balat ko. Pucha! Hindi ko talaga alam kung bakit, takot talaga ako sa mga matataas na lugar. Pinagtatawanan nga ako ng mga kaopisina ko. Tawag tuloy nila sa akin "BOY NGINIG" sige tawa pa!!! Wehehe....

Dahil dun hindi na nila ako niyaya pang sumakay ng ibang ride. Pero tuwang-tuwa ako sa "Rio Grande Ride" ... napakaexciting kasi kompleto kami sa isang raft at lahat kami basang-basa. Hinintay naming magsara ang EK hanggang 10pm.

Ano pa nga bang pinakasamayang paraan para tapusin ang araw na ito kundi manood ng "FIREWORKS"


Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, November 22, 2005

Wicked??

YIPEEE!! tama si ka watson, sobrang lupeeeeeetttttttt ng HARRY POTTER 4. Sulit na sulit ang binayad ko. Sarap ng piling bumalik sa Hogwarts. Matagal ko na ring nabasa yung libro, pero iba talaga kapag nakikita mo na sa big screen yung dating iniimagine mo lang. Nakakatuwa kasi sinamahan ako ng mga kaopisina kong manood.

Kung di niyo pa napapanood ... aba'y ano pang binabasa-basa mo diyan... tara na!!!!


x's
may attached sana akong pic hindi ko ma-center di ko lam gawin ko. Boplaks na naman ako sa HTML... pucha tatawanan na naman ako larry at dada. huhuhuh

Friday, November 18, 2005

When was the last time???

kelan nga ba huling umiyak? hindi ko na matandaan. Siguro ilang taon na rin ang nakalipas, hindi naman dahil sa masayahin ako. Nalulungkot din naman ako pero hindi pa naman humahantong sa puntong pumapatak na yung luha sa mga mata ko.

Hindi ko rin namang magawang umiyak sa tuwing nanonood ako ng TV o kaya ng pelikula, kasi minsan lumilingid na yung luha ko tapos bigla akong kakantsawan ng kasama ko, mahihiya tuloy siya pumatak.

Kanina gusto kong umiyak ... di ko alam kong bakit. Gusto kong ilabas yung mabigat na pakiramdam na nadarama ko kaninang hapon. Nagising ako ng hapon, mga isang oras pa lang ako natulog. Bigla na lang akong nalungkot. Di ko alam kong bakit. Basta nang mga oras na yun gusto kong umiyak. Napaisip ako matagal-tagal na ring hindi ko iyon nagagawa. Ngunit hindi rin pumutak ang mga luha ko.

Sa sobrang kakahintay na ako'y maiyak ... nainip ako. Nilaro-laro ko yung cellphone ko sa pagitan ng mga kamay ko. Di ko namalayan tulog na pala ako....

Thursday, November 10, 2005

Tell Me If U Can Take This

Pag sinabi nila call center agent, isa lang agad ang pumapasok sa isip nang tao .. ay mga walang alam magaling lang mag-ingles ... kala lang nila yun.. heto yung 5 bagay na natutunan kong dapat meron ka kapag gusto mong magtrabaho sa call center.

1. Kung ikaw yung tipong pala-absent, wag mo nang balikan na pumasok pa sa call center. Dahil sa isang call center. Umabsent ka lang nang isa, maigting na ang tingin ng boss mo sa iyo. Tandaan kumikita ang kompanya sa numero ng tawag na natatanggap nila, so kong absent ka mababawasan ang tawag which also mean, walang kita...

2. Kaugnay dun sa una, bawal ang ma-late ... kung kinakailangan 1 hr o 30 mins bago ang yung shift ay nasa opisina ka na. May ibang call center na kailangan mong magbasa everyday ng mga email updates o kaya naman kailangan maaga ka para mabuksan mo na yung mga "tools" na kakailanganin mo sa pagtanggap ng calls. Isang malaking paglabag sa polisiya ng isang call center ang pagiging absenero at pagiging late.

3. Multi-task .... isa sa pinaka-importanteng skill na dapat meron ka kung gusto mong maging succesfull bilang isang call center agent, Madalas habang kausap mo yung customer sa linya ay tinatype mo yung pinaguusap nyo. At kung minsan kung sobran galing mo. tulad ko (ahem!!!) wehehe ... kaya mo pang magblog at magsurf sa frendster mo habang ngta-type at kausap yung customer.

4. Pasensya .. yan ang pinakamalaking dapat na meron ka. Kahit na mura-murahin ka pa nun kausap mo dapat smile at apologize ka pa rin. Bayad ang pagiging plastik pagdating sa mga call center agents. Sanayan lang din, pag di mo na matiis yung kausap mo. I-mute mo na lang yung headset mo at sabay sabi ng isang malutong na mura... wehehehe ... yung lang ang bawi mo. Sabay balik sa kausap at apologize ulit... ganun lang.

5. Dapt marunong karin makisama. Di lang sa kausap mo sa telepono, pati na rin sa mga taong kasama mo sa opisina. Alam nyo naman ang call center masyadong marami kayo, halo-halong personalidad at paguugali. Hirap makahanap nang mapagkakatiwalaan. Ngayon mabait sa iyo, bukas winawalanghiya ka na... ganun lang yun. Pati na rin sa mga boss mo. Minsan nga magugulat ka pa kasi mas matanda ka pa sa boss mo. So dont expect too much of professionalism when it comes to some of your boss. Di ko sila nilalahat, but it is not enough na magaling ka, kailangan marunong kang humawak at makisama sa mga empleyado mo.

Bilang pagtatapos ... kung tatanungin ako. Masaya ako sa trabaho ko, kasi alam ko yung mga nakilala ko rito ay mga tunay na tao. Swerte ko lang talaga. Pero wala akong balak na mabulok at magtagal sa propesyon na ito... YUCK!!! wehehehe

Tuesday, November 08, 2005

Gising Buong Magdamag

last friday night, gumimik kami nang mga bago kong kaopisina sa may timog. we are planning to go to this so called bar named "xymaca" but the place is jammed with people kaya't we tried to look for a different bar. U-mo- o na rin akong sumama sa kanila, tutal libre naman nang isa kong kaopisina na napromote.
Kumain muna kami sa "brother burger" na amoy putok yung loob nung restaurant. Ang isa pang nakakainis, ang tagal nung service. Nung malaman ko kong bakit ang tagal ng order ko yung pala mali yung pangalan na tinatawag nila imbes na airwind .. ruel yung tinatawag nila. kaya naman hindi nila ako mahanap. kung di pa ko lumapit sa counter at nagtanong malamang na hindi ko pa malalaman na ang pagkarinig pala nung kahera sa pangalan ko ay RUEL. So tinama ko siya sabi ko "Airwind name ko." Sagot niya "ano po louie"? ... gusto kong sumigaw nang mga oras na yun, gutom na gutom na ako tapos bingi pa yung kausap ko. Makalipas ang 30 mins, sa wakas naserve na yung order kong isang burger at fries....

natuloy ang gimik sa may bedrock sa timog. ayoko na ngang pumunta doon dahil may masamang karanasan ako sa bar na yun (kung ano man ang nasa isip nyo, hindi yun!!). Wala nga lang akong choice kasi nanduon na kami. Sakto kasi nagshoshoot yung bagong channel ng 7 yung QTV channel 11 (oi promoting). Madaming banda ang nadoon upang tumugtog. Nandoon din si raymond at si bianca king. Hindi ako mahilig sa artista. Totoo yan! kaya nga nung inalok kaming tropa kung pede kaming magpainterview, lahat kami walang imik. ang nasabi na lang ni bianca (this is on a conyotik ... matining ... childish voice) "they dont like me.." sabay talikod.

natapos ang gabi .. ang naubos ang isang bote nang tikila at tigiisang bote ng san miguel strong ice. Tapos magbar, napagplanuhan ng tropa na kumain ng siomai sa jade valley, ngunit pagdating namindun hindi sila nagseserve ng ice tea kaya ayun pumunta na lang kami kay pareng mcdo... eto yung mga picture namin.....

Image hosted by Photobucket.com

"Eto medyo bangag na kami sa loob ng BEDROCK" Yabadabadoo!!!

Image hosted by Photobucket.com

"Doon tayo sa MCDO at magpicturan tayo!!!"

Image hosted by Photobucket.com

"GWAPO AHH - kimpoy ... PUFFY EYES - gcel"

Thursday, November 03, 2005

call me pathetic if you like ....

nangyari na ba sa iyo na bigla na lang sinabihan ka ng kaibigan na "WAG MO KONG KAUSAPIN" .... yun bang hindi mo naman alam kung ano yung ginawa mo, tapos bigla ka na lang sasabihan ng ganun??? tapos pag nakita kang tumahimik. sasabihan ka naman ng "BIRO LANG!!"
nakakainis diba??

hindi mo tuloy malaman kong totoo bang may sama siya nang loob sa iyo o talagang binibiro ka lang.

Ewan ko pero ako iba ang pakiramdam ko kapag sinabihan ako ng ganito. Hindi ko ma-explain kong bakit. Napapaisip na lang tuloy ako kung ano nga ba ang nagawa ko.

Naniniwala kasi ako na ang biro ay kalahating di totoo at kalahating totoo (syempre!!).

Blogroll

Labels

Counter