Thursday, January 05, 2006

Hirap pagkatapos ng Sarap

Nagsisimula na akong magimpake ng dadalhin ko. Tutal nandoon na naman ang panganay kong ate, tiyak na mayroon nang magsusundo sa akin pagdating ko at ano man pagkukulang sa mga nadala ko ay makahihiram ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na aalis na ako. Tulad nga ng sinabi ko sa mga nauna kong post na ayoko talaga. Subalit napag-isip-isip ko na ito ang pagkakataon para malamang ko kung ano ba talaga at pano ba talaga ang mabuhay. Oo nakayanan ko sa 22 taon, subalit iba, kapag yung magisa ka na lang. Ikaw ang may hawak ng iyong desisyon, matututo kang magbudget di lamang ng pera kundi ng oras mo. Tama nga ang nanay, simula't sapul dapat ay sinanay ko na ang sarili kong mag-isa. Kaya naman ganun na lang ang takot kong umalis. Sabihin man natin na nanduon ang dalawang kong kapatid. Iba pa rin ang kalinga ni nanay.

Sabi ni Ate siguro aabutin ng isang buwan bago ako makapag-adjust sa lugar. Ano nga kaya ang pakiramdam ng wala kang makikitang dyip at tricycle. Nasana'y na kasi akong makarinig ng mga tunog na nanggagaling sa mga behikulong ito kasi naman malapit ang bahay namin sa highway. Masarap daw ang hangin doon ... di tulad dito. Sapat na kaya iyon para mabuhay ako? Murang bilihin, sagana sa bagay na hindi ko nakakain dito. Tsokolate, sus malamang manawa daw ako. Ubas, cherries, pistacio at kung ano-ano pa. Malamang nga daw manlaki ang mata ko sa mga makikita ko. Ano nga kayang pakiramdam na tumira sa isang lugar na puro buhangin. Sabi ni ate iba daw ang kulay ng alikabok doon, "Puti" ... ano't-ano pa man. Kakayanin ko kaya???

Siguro sisilip na lang lagi ako sa bintana, iisiping malayo man ako sa pinas, malayo man ako sa mga taong nakasama ko na ng matagal alam ko, isa sa kanila ay nakatanaw din at iniisip ako. Sana nga??

Blogroll

Labels

Counter