Napa-aga, ayon sa mga nakasama ko nung medical yung alis namin. Imbes na Jan 10 ay naging Jan 8 na ito.
Lintik! Lalo akong di mapakali, hindi ko alam ang reaksyon ko. Pucha! Ilang linggo na lang yun a? Eto ang listahan ng mga ginagawa ko sa mga nakalipas na araw na alam ko tatatak sa isip at alaala ko.
TASK # 1 - i-mit ang mga highschool friends
~ niyaya ko ulit ang mga kaklase ko nung highschool na mag-divisoria. Na talaga namang nakagawian na naming gawin. Napagusapan din namin na lalabas kami sa 28th, tutal kaarawan ni Sharry sa 29th.
~ nagkataon na nagkita kami ni Jaime sa Greenhills nung isang gabi, at nasabi ko sa kanya na may gimik kami. Sakto kasi bday niya raw sa 27 so sasama siya. Dumalaw siya dito nung isang gabi. Isang araw makalipas ang pagkikita namin. Sinamantala ko na. Pinuntahan namin si Russelle na malapit lang din ang bahay dito sa amin, nagkayayaan kami na kumain ng Pares.
TASK # 2 - ipaalam sa mga naging kasamahan ang aking pag-alis
~ inuna ko na ang mga kasamahan ko ngayon. At talaga naman kakaiba dahil personal ang pagkasabi ko sa kanila. Merong umiyak at meron din naman natuwa para sa akin. Lahat yun sobrang na-aapreciate ko talaga.
~ sinubukan kong i-text ang dati kong kaopisina sa ePLDT. At hindi naman ako napahiya kasi agad akong tinawagan ni mia at nakapag kwentuhan kami ng halos 4 na oras sa telepono. Isa lang ang nasabi sa akin ni MIA "hanapan ko raw siya ng trabaho. "
~ tumawag na ako sa mga naging ka-close ko sa tridel. Lahat sila tuwang-tuwa dahil alam nila siguro ang ginhawang maidudulot nito sa akin. Kaya naman nagpapasalamat ako.
TASK # 3 - ibalita sa mga kabarkada ko nung college
~ noong nakaraan 17th e nagbirthday si Pol, kaya naman sinamantala ko ang okasyon para masabi sa kanila ang pagalis ko. Malungkot dahil napalapit talaga sa akin ang mga tropa ko nung college. Pero lam ko naman na kahit ano mangyari nandiyan lang sila
TASK # 4 - makisalamuha sa mga mabubuting kong kapitbahay.
~ kagabi lamang ay nagcelebrate si Noriel (isang kababata) nang kanyang kaarawan. Kaya naman halos buong araw akong ala sa bahay ang tumutulong sa kanyang paghahanda. Jackpot na rin kasi naging ka-crew ko rin si Noriel sa Jollibee kaya naman naimbitahan niya ang iba namin kasamahan.
Hindi naman siguro kahambugan ang ginawa kong pagsabi sa kanila na aalis na ako. Dahil hindi rin naman lahat ng nakasalamuha ko ay sinabihan ko. Sapat na sa akin na malaman nila ang estado nang buhay ko. Dahil para sa akin wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung hindi ko sila nakilala. At doon pa lang ay malaki na ang pasasalamat ko.
Thursday, December 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
No comments:
Post a Comment