Tuesday, February 07, 2006

Eto Na Yun



Natapos na ang lahat
nandito pa rin ako
hetong nakatulala
sa mundo

hindi mo maiisip
hindi mo makikita
ang mga pangarap ko
para sa iyo

oh..
hindi ko maisip
kung wala ka
oh..
sa buhay ko

nariyan ka pa ba
hindi ka na matanaw
kung merong madadaanang
pasulong

sundan mo ang paghimig na lulan
na aking pinagtanto
sundan mo ang paghimig ko

Di ko alam pero para sa akin yan na siguro ang "theme song" ng pag-alis ko. Korni ko no? ah basta yan ang kanta ko. Awitin ito ng "HALE" na ang pamagat ay "Kung wala Ka."

Heto na ang araw ng aking paglisan. Opo, huling gabi ko nang masisilayan ang pinas. Maraming na akong natanggap na "text" at isa lang ang madalas kong na tanong at yun ay kung ano ang pakiramdam nang isang mangingibang bayan. At ito lang din ang kaisa-isa kong sagot "Halo-halo" tumpak para ba yung panghimagas na sikat na sikat tuwing bakasyon. Tipong pinagpatong-patong na sangkap kung tatawagin ang mga emosyon na nararamdaman ko. Tila isang leche flan o di kaya ice cream na laging katiting ang nararamdamang kong kasiyahan. Para bang anumang oras ay malulusaw na ako at unti-unting lalabas ang butil ng tubig sa gilid ng matatawag kong baso. *sigh* Kaya naman ngayon pa lang uunuhan ko nang higupin ang natitirang sabaw at damdamin ang natitira pang sangkap.

Sa lahat ng barkada, kapamilya (pati na rin mga kapuso), katropa, mga minamahal, mga kabati, kagimikan at ikaw na bumabasa nito. Maraming salamat... kailangan ko nang magbukas ng bagong kabanata ng aking buhay. Nawa'y masamahan niyo pa rin ako.

*bow*
*clap**clap**clap**clap*

No comments:

Blogroll

Labels

Counter