Monday, April 28, 2008

Ilocos Trip Day 5

Umaga pa lang ng April 6 ay nag-ayos na kami. Maglilibot kami sa Vigan.


"Vigan Church"

"Vigan sa Umaga"

Isang oras at kalahati lang ang byahe mula Sta. Maria, Ilocos Sur papuntang Vigan.

Pagkatapos ng lunch, diretso kami sa plaza. Napagdesisyonan ng tropa na mas maganda maglibot ng Vigan sakay ng kalesa. First time ko yun makasakay ng kalesa. Sabi ng mama Php 150 lang daw kada oras. Aba'y mura kumpara sa intramuros na Php 300.

Una naming pinuntahan ang Bantay Bell Tower, may bayad ng 20 pesos ang pagpasok. Para daw sa maintenance.

"Bantay Bell Tower"

Sinunod namin ang Pottery place, nag-iisa lang ang mama nung oras na yun. Kaya naman reklamo niya ang unang tumambad sa amin. Inabutan ng kasama ko ng 20 pesos pang merienda.

"Talent"

Lumibot pa ang kalesa sa hidden garden, na hindi naman kami tumagal kasi tindahan lang naman ito ng mga halaman di ko lam kung bakit pa dito dinadala ang mga turista. Malamang sa malamang parang kainin yung oras. Pano ba naman malayo ang lokasyon ng hidden garden from the pottery place.

Dadaan pa sana kami ng Baluarte nung mama. Pero sinabihan na namin siya inde na at bumalik na kami sa plaza. Binigalan pa lalo nung mamang kutsero ang pamaneho niya sa kabayo niya. *sigh*

Sakay ng kotse ni Gus tumungo na kami sa Baluarte ang famous na bahay ni Chavit Singson. Huling lugar na pinuntahan namin sa Ilocos.

"Baluarte"

Huling stop bago umuwi ay pumunta muna kami sa tindahan ng kornik, empanada at bagnet ... Sobrang nag enjoy talaga ako sa trip ko sa Ilocos. Nagpapasalamat ako kina Gus at Liza .. Da best talaga kayo :)

"Bye Bye ... Ilocos"

Friday, April 25, 2008

Ilocos Trip Day 4

We only stayed for 2 days sa Polaris resort. As early as 9am we pack our things and check-out of the resort. Mahirap man magpaalam sa Pagudpud .. ubos na ang budget kaya balik na kami pauwi.

"Last Look sa Pagudpud"

Babalik ulit kami sa bahay ng Tito ni Gus sa Sta. Maria, Ilocos Sur dahil may dalawang araw pa kaming natitira para pasyalan ang iba pang lugar sa Ilocos. So another 6 hours ride pabalik.

Lunch time, huminto muna kami ng Laoag to eat. Naghahanap kami ng masarap na makakainan ng ever-famous na Bagnet ng Ilocos. So off we drive around the city looking for a place who serves Native Ilocos Delicacies.

Natagpuan namin ang isang Resto with the name "SARAMSAM" kung di ko pa nalilimutan it was along JP Rizal St. Don't be fooled by the way the resto look on the outside kasi hanep sa cozy at ganda ng interior sa loob. The Resto doesn't only cater food but its also an antique house wherein all the things inside the Resto can be purchased and that includes the chairs, table and even the plate where they serve the food.

"Isa ito sa mga Lamesa"


"Busog Yum3x"

We ordered Monggo and of course Bagnet (they call it chicharon with KBL on the menu) as our main dish. Our panghimagas is pizza and we have Ice Tea with Basil leaves for refreshment. Sobrang nabusog kami sa sarap ng food at di namin maiwasan ni Liz na hindi magkuhanan ng pictures sa loob ng resto sa sobrang impress kami sa ganda.

After lunch, off we went to several landmarks that you can visit sa Laoag. First stop was Fort Ilocandia Resort. It was actually a casino/hotel place. Ang ganda nung lugar. Libre ang pumasok at mamasyal sa loob ng resort. Nakapunta pa nga kami sa Mini Zoo, Driving range, Pool side at yung lugar na maraming pine trees tulad ng Baguio.


"Fort Ilocandia Resort"

Sunod hinanap namin ang Malacanang of the North o ang bahay ng mga Marcos. Dito medyo nahirapan at natagalan kaming hanapin. Sa kakahanap narating namin ang Paoay Church ng di sinasadya ... baba kami at syempre kodakan session ulit.

"Paoay Church"

Nagtanong na kami kung nasaan ang Malacanang of the North ang sabi nung tindera sa tabi ng Paoay Church, lumagpas na raw kami. Maniobra naman si Gus pabalik ng Fort Ilocandia. Malapit sa Lake ang bahay ng mga Marcos, so as soon as makita mo ang lake malapit ka na.


"Mga Bisita ng mga Marcos"

"Photoshoot sa Bahay ng mga Marcos"

Sunod na stop ng tropa ay ang Marcos Shrine, naghahabol kami ng oras dahil hanggang 5pm lang ang Shrine, 4:30 na ng umalis kami sa Malacanang of the North. Di rin namin alam ang papunta. Sumunod lang kami sa mga signs at nagtanong. Saktong 5pm nakarating kami. Buti na lang napakiusapan ng isang tiga-Maynila na buksan yung Shrine kahit sandali para lang makita namin. Bawal ang kamera sa loob, at tulad ng mga naririnig ko mukhang wax na lang si Marcos at napaka eerie nung lugar may gregorian chant pa na tumutugtog sa background.

"Marcos Shrine"

Huling bayan ng Ilocos Norte ang Badoc, dito makikita ang bahay ng tanyag at bayaning pintor na si Juan Luna. Aba'y palalampasin pa ba namin ito. Sagaran na sa pamamasyal. Off we go to the town of Badoc to look for the house.

Ang masasabi ko lang sa bahay ni Juan Luna, bukad tangi ito sa lahat ng nakita kong well preserve na bahay ng mga bayani. Di man kami nakapasok sa loob dahil sarado na, sulit parin ang pagbisita dahil sobrang ganda at well restore ang bahay sa labas pa lang. Kudos sa mga namamahala.

Tumungo rin kami sa simbahan ng Badoc ang "La Virgen Milagrosa."

"Juan Luna Shrine (Badoc, Ilocos Norte)"

"La Virgen Milagrosa"

Ginabi na kami sa daan, ala 6 na ng gabi e binabagtas pa rin namin ang daan papuntang Vigan. Napagkaisahan ng tropa ang mag dinner na rin doon. Sabi ko, why not? Kakaibang experience Vigan at night.

"Vigan at Night"

"Gutom na Ako"

Past 11pm na kami nakarating sa bahay ng tito ni Gus. Hapong-hapo ako kahit hindi ako ang nagdrive. Naawa ako kay Gus. Pagkatapos maligo. Diretso na ako sa kama at natulog.

"Hulas na kami smile pa rin sa camera"

Kinabukasan balik kami sa bayan ng Vigan pinasyalan namin ang Baluarte, Syquia Mansion, Villa Angela at bibili ng pasalubong sa Calle Crisologo.

Ilocos Trip Day 3

After swimming for 2-3 hours sa mala kristal na tubig ng Pagudpud at kumain ng lunch. Napagisipan naming pumasyal sa daan papuntang Cagayan Valley. Doon daw makikita ang famous na Patapat bridge at Blue Lagoon Beach.

"Lunch Namin"

"Patapat Bridge"

Napakaganda ng Patapat Bridge, isa lang ang pumasok agad sa isip ko Acapulco ... kasi parang ganun yung nakikita ko sa mga Mexican Telenovela. Yun bang ang highway e nasa gilid ng bangin tapos na pag-gigitnaan ka ng dagat at bundok. Ang ganda!

"Blue Lagoon Beach"

Malakas ang alon sa Blue Lagoon kaya hindi advisable sa mga tulad namin na hindi marunong lumangoy ang mag swimming. Tamang picnic lang kami sa pampang at nanghuli ng suso.

Bukas sa Laoag At Vigan naman ang pasyal namin ....

Thursday, April 24, 2008

Ilocos Trip Day 1-2

Sulit .... yun ang pinakamagandang salita na pede kong gamitin para ilarawan ang Ilocos Trip ko ng limang araw. Kung pagkokomparahin ko yung HK trip ko sa Ilocos ay walang-wala ang HK.

Mahigit dose oras ang byahe mula Maynila patungong Ilocos Sur. Pero sa bilis ng pagmamaneho ng kaibigan kong si Gus, nakuha lang namin ang byahe ng siyam.

Umalis kami ng 7:30AM ng Maynila. Pagkatapos ng dalawang stopover (Tarlac at Agoo) alas 4:30 ng hapon narating namin ang Sta.Maria, Ilocos Sur. Di na kami nagsayang nang panahon. Pagkababa ng gamit sa bahay ng tiyuhin ni Gus ay dumiretso na kami sa Dagat na malapit sa bayan ng Sta. Maria ... ang ganda ng mga kuha namin dahil sa naabutan namin ang paglubog ng araw. Di namin maiwasang di lumundag sa tuwa. Dumaan na rin kami sa simbahan ng Sta. Maria na isang UNESCO site.
Kinabukasan ng 9am bumiyahe na kami papuntang Pagudpud. Aabutin daw ng 6 na oras mula sa Sta. Maria ang byahe patungong dulo ng ng ilocos na kung saan nandoon ang Boracay of the North ang Pagudpud.

Di namin pinalampas ang mga landmarks na madadaanan namin patungo roon. Bumaba kami para kumuha ng litrato sa Quirino Bridge na nagco-connect sa Ilocos Sur at Vigan. Pinasyalan namin ang famous Bojeador Light Tower, naabutan namin si Mang Jun na isa sa mga caretaker ng parola. Sumunod ang Bangui Windmills, na talaga naman pinahanga ako. Di ko inaakala na malaki pala ang mga ito. Akala ko dun sa video ni Regine na mayayakap ko yung pinaka katawan nung windmill. Nagkamali ako.Huminto kami sandali sa isang bayan bago mag Pagudpud para bumili ng tubig at waffles. Sobrang init noon kaya naman excited na kami makita ang dagat at makalangoy.

Pagdating ng Pagudpud. Naglakad-lakad muna kami sa beach para makahanap ng matutuluyan na mura at maayos. Di ko akalain maraming tao pala ang nagpupunta sa Pagudpud. Marami na rin resort doon. At halos lahat mahal. Napili namin ang Polaris Beach Resort. Medyo malayo ito sa mga main resort ng Pagudpud. Pero kung katahimikan at relaxation ang hanap mo i highly suggest Polaris.
Pagka check-in sa resort naghanap na kami ng makakainan. May kamahalan ang pagkain sa resort kaya lumabas kami para maghanap ng kariderya. Maraminng Homestay sa labas ng resort na nagpapaupa ng kwarto at nagluluto ng pagkain. Nakilala namin si Ate Tess. Pinagluto niya kami ng Lobster at Inihaw na Talong.
Bukas naman ang karugtong. Kinabukasan namasyal kami papuntang Patapat Bridge at Blue Lagoon. :)

Blogroll

Labels

Counter