Friday, April 25, 2008

Ilocos Trip Day 4

We only stayed for 2 days sa Polaris resort. As early as 9am we pack our things and check-out of the resort. Mahirap man magpaalam sa Pagudpud .. ubos na ang budget kaya balik na kami pauwi.

"Last Look sa Pagudpud"

Babalik ulit kami sa bahay ng Tito ni Gus sa Sta. Maria, Ilocos Sur dahil may dalawang araw pa kaming natitira para pasyalan ang iba pang lugar sa Ilocos. So another 6 hours ride pabalik.

Lunch time, huminto muna kami ng Laoag to eat. Naghahanap kami ng masarap na makakainan ng ever-famous na Bagnet ng Ilocos. So off we drive around the city looking for a place who serves Native Ilocos Delicacies.

Natagpuan namin ang isang Resto with the name "SARAMSAM" kung di ko pa nalilimutan it was along JP Rizal St. Don't be fooled by the way the resto look on the outside kasi hanep sa cozy at ganda ng interior sa loob. The Resto doesn't only cater food but its also an antique house wherein all the things inside the Resto can be purchased and that includes the chairs, table and even the plate where they serve the food.

"Isa ito sa mga Lamesa"


"Busog Yum3x"

We ordered Monggo and of course Bagnet (they call it chicharon with KBL on the menu) as our main dish. Our panghimagas is pizza and we have Ice Tea with Basil leaves for refreshment. Sobrang nabusog kami sa sarap ng food at di namin maiwasan ni Liz na hindi magkuhanan ng pictures sa loob ng resto sa sobrang impress kami sa ganda.

After lunch, off we went to several landmarks that you can visit sa Laoag. First stop was Fort Ilocandia Resort. It was actually a casino/hotel place. Ang ganda nung lugar. Libre ang pumasok at mamasyal sa loob ng resort. Nakapunta pa nga kami sa Mini Zoo, Driving range, Pool side at yung lugar na maraming pine trees tulad ng Baguio.


"Fort Ilocandia Resort"

Sunod hinanap namin ang Malacanang of the North o ang bahay ng mga Marcos. Dito medyo nahirapan at natagalan kaming hanapin. Sa kakahanap narating namin ang Paoay Church ng di sinasadya ... baba kami at syempre kodakan session ulit.

"Paoay Church"

Nagtanong na kami kung nasaan ang Malacanang of the North ang sabi nung tindera sa tabi ng Paoay Church, lumagpas na raw kami. Maniobra naman si Gus pabalik ng Fort Ilocandia. Malapit sa Lake ang bahay ng mga Marcos, so as soon as makita mo ang lake malapit ka na.


"Mga Bisita ng mga Marcos"

"Photoshoot sa Bahay ng mga Marcos"

Sunod na stop ng tropa ay ang Marcos Shrine, naghahabol kami ng oras dahil hanggang 5pm lang ang Shrine, 4:30 na ng umalis kami sa Malacanang of the North. Di rin namin alam ang papunta. Sumunod lang kami sa mga signs at nagtanong. Saktong 5pm nakarating kami. Buti na lang napakiusapan ng isang tiga-Maynila na buksan yung Shrine kahit sandali para lang makita namin. Bawal ang kamera sa loob, at tulad ng mga naririnig ko mukhang wax na lang si Marcos at napaka eerie nung lugar may gregorian chant pa na tumutugtog sa background.

"Marcos Shrine"

Huling bayan ng Ilocos Norte ang Badoc, dito makikita ang bahay ng tanyag at bayaning pintor na si Juan Luna. Aba'y palalampasin pa ba namin ito. Sagaran na sa pamamasyal. Off we go to the town of Badoc to look for the house.

Ang masasabi ko lang sa bahay ni Juan Luna, bukad tangi ito sa lahat ng nakita kong well preserve na bahay ng mga bayani. Di man kami nakapasok sa loob dahil sarado na, sulit parin ang pagbisita dahil sobrang ganda at well restore ang bahay sa labas pa lang. Kudos sa mga namamahala.

Tumungo rin kami sa simbahan ng Badoc ang "La Virgen Milagrosa."

"Juan Luna Shrine (Badoc, Ilocos Norte)"

"La Virgen Milagrosa"

Ginabi na kami sa daan, ala 6 na ng gabi e binabagtas pa rin namin ang daan papuntang Vigan. Napagkaisahan ng tropa ang mag dinner na rin doon. Sabi ko, why not? Kakaibang experience Vigan at night.

"Vigan at Night"

"Gutom na Ako"

Past 11pm na kami nakarating sa bahay ng tito ni Gus. Hapong-hapo ako kahit hindi ako ang nagdrive. Naawa ako kay Gus. Pagkatapos maligo. Diretso na ako sa kama at natulog.

"Hulas na kami smile pa rin sa camera"

Kinabukasan balik kami sa bayan ng Vigan pinasyalan namin ang Baluarte, Syquia Mansion, Villa Angela at bibili ng pasalubong sa Calle Crisologo.

5 comments:

Anonymous said...

Ok lang na di ko matikman yang masasarap na pagkain basta I can witness the old spanish look of the city.

Sobrang ka-aliw ang pishtures.

Airwind said...

:K: salamat ulit sa visit. hintayin mo ung next post ko it will be all about vigan.

Anonymous said...

potek ang dami niyo ngang napuntahan sobra...

pero dun pa rin ako sa blue lagoon at manghuhuli ako ng suso... dadakmain ko hahaha lol =D

Nick Ballesteros said...

Airwind: Mamaya ko babalikan ang kwento mo... tag muna kita! hehe

Kat said...

uy, ganda ganda ng vigan at night. parang nasa ibang bansa :)

Blogroll

Labels

Counter