Sulit .... yun ang pinakamagandang salita na pede kong gamitin para ilarawan ang Ilocos Trip ko ng limang araw. Kung pagkokomparahin ko yung HK trip ko sa Ilocos ay walang-wala ang HK.
Mahigit dose oras ang byahe mula Maynila patungong Ilocos Sur. Pero sa bilis ng pagmamaneho ng kaibigan kong si Gus, nakuha lang namin ang byahe ng siyam.
Umalis kami ng 7:30AM ng Maynila. Pagkatapos ng dalawang stopover (Tarlac at Agoo) alas 4:30 ng hapon narating namin ang Sta.Maria, Ilocos Sur. Di na kami nagsayang nang panahon. Pagkababa ng gamit sa bahay ng tiyuhin ni Gus ay dumiretso na kami sa Dagat na malapit sa bayan ng Sta. Maria ... ang ganda ng mga kuha namin dahil sa naabutan namin ang paglubog ng araw. Di namin maiwasang di lumundag sa tuwa. Dumaan na rin kami sa simbahan ng Sta. Maria na isang UNESCO site.
Kinabukasan ng 9am bumiyahe na kami papuntang Pagudpud. Aabutin daw ng 6 na oras mula sa Sta. Maria ang byahe patungong dulo ng ng ilocos na kung saan nandoon ang Boracay of the North ang Pagudpud.
Di namin pinalampas ang mga landmarks na madadaanan namin patungo roon. Bumaba kami para kumuha ng litrato sa Quirino Bridge na nagco-connect sa Ilocos Sur at Vigan. Pinasyalan namin ang famous Bojeador Light Tower, naabutan namin si Mang Jun na isa sa mga caretaker ng parola. Sumunod ang Bangui Windmills, na talaga naman pinahanga ako. Di ko inaakala na malaki pala ang mga ito. Akala ko dun sa video ni Regine na mayayakap ko yung pinaka katawan nung windmill. Nagkamali ako.Huminto kami sandali sa isang bayan bago mag Pagudpud para bumili ng tubig at waffles. Sobrang init noon kaya naman excited na kami makita ang dagat at makalangoy.
Pagdating ng Pagudpud. Naglakad-lakad muna kami sa beach para makahanap ng matutuluyan na mura at maayos. Di ko akalain maraming tao pala ang nagpupunta sa Pagudpud. Marami na rin resort doon. At halos lahat mahal. Napili namin ang Polaris Beach Resort. Medyo malayo ito sa mga main resort ng Pagudpud. Pero kung katahimikan at relaxation ang hanap mo i highly suggest Polaris.
Pagka check-in sa resort naghanap na kami ng makakainan. May kamahalan ang pagkain sa resort kaya lumabas kami para maghanap ng kariderya. Maraminng Homestay sa labas ng resort na nagpapaupa ng kwarto at nagluluto ng pagkain. Nakilala namin si Ate Tess. Pinagluto niya kami ng Lobster at Inihaw na Talong.
Bukas naman ang karugtong. Kinabukasan namasyal kami papuntang Patapat Bridge at Blue Lagoon. :)
5 comments:
Sobra ka sa galaan. Ang ganda sa Ilocos ah?
"Kung pagkokomparahin ko yung HK trip ko sa Ilocos ay walang-wala ang HK."
Mppph, sasi sa City ka lang nagala at last minute mo na ako niyaya.
Sorry "K" hehehe .... tama ka naman dun e hindi ako masyadong nakapasyal. Hayaan mo next time kontakin agad kita ilibot mo ako. :) Salamat sa pagdaaan :)
potaena saud!!! nakaka miss ang saud beach ng pagudpud pakshet!!!
:Larry: wag kang alala pagdating natin matabungkay isipin natin saud beach yun... bwuhahaha
potek iba pa rin ang saud noh... hahaha =D
Post a Comment