Wednesday, February 28, 2007

Yun na nga (2)

Homesick, nakaka isang linggo palang ako sa Pinas, homesick na ako agad. Nakakatawa ngang isipin, mas na homesick pa ako sa sarili kong bansa.

Nagkita kami ni Nanay, nakahiga na lang siya. May nag-aalaga na sa kanya, kasi hindi na siya nakakatayo pa ng matagal. Sa tabi niya may isang bote na kumokonekta sa oxygen na nasa baba ng bahay. Masakit tingnan ang sitwasyon ni Nanay. Pero kailangan sumalubong ako ng ngiti. Kailangan magbalik ang dating "Airwind" na anak na kakilala niya. Masiyahin, makulit at laging binibiro siya. Ngunit sa likod nun, hinang-hina ako sa nakikita ko. Di ko lam kung hanggang kelan ko kayang pakiharapan ang sitwasyon na nasa harapan ko. Para hindi na siya ang Nanay kong iniwan noon. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Sana'y di ko na lang siya iniwan. Siguro hindi hahantong sa ganito.

Sabi ng mga tiyahin ko, depresyon daw ang tumira sa Nanay ko. Sobrang pagkalungkot dahil nga naman tatlo na nga lang kaming anak niya. Wala pa sa tabi niya.

Pero ang nakakatuwa kay Nanay, hindi mo nakitang sinisisi ka niya. Sa tuwing darating ako ng bahay galing sa labas. Sinusubukan pa rin niyang maging ina sa akin. Kinakamusta .... tinatanong kung kumain na ako.

Ilang araw din akong sumubok na isantabi ang kalagayan niya at isiping normal na tulad ng dati ang buhay namin.

Aug 17, Bday ni nanay ..... 61 yrs old na siya. Nakakatuwa nga kasi, yung mga kaibigan ko pumunta. Gusto kasi ni Nanay na lagi siyang may kasama. Natatakot daw siyang mag-isa.

Di ako tumatabing matulog kay Nanay, di ko alam pero natatakot ako. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Ginising ako ng kasama namin isang araw, sabi niya hirap daw makahinga si Nanay. Kinabahan na ako, pinakiusapan ko yung Tito ko na dalhin si Nanay sa ospital. Takot na takot ako nun, tinawagan ko si Pau, wala na akong masabi sa kanya kundi ang magsumbong. Pinipigilan ko ang maiyak. Natatakot ako sa ideyang pedeng mangyari na naglalaro sa isip ko.

Ang hirap pala sa ospital. Mahigit ilang oras din bago kami makakuha ng kwarto. Na-admit si Nanay, kailangan niya raw i-supervise para ma check kong ano sanhi ng hirap niyang paghinga.

Unang gabi sa ospital, kasama ko si Ate Grace, yung nagbabantay kay Nanay. Di ko makatulog. Ipilit ko man di ko maiwasan pag masdan si Nanay. Nanghihina ako. Di maiwasang sisihin ko ang sarili ko na isa ako sa dahilan ng panghihina niya.

12am --- ng seizure si Nanay. Di ko lam ang gagawin ko. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko at ni Ate Grace. Nakatulala lang siya. Nataranta na kaming dalawa. Tumawag ako ng nurse.

5am --- di pa rin ako natutulog, sabi nung nurse mild seizure lang daw yun. Kinausap ako nung doktor. Na kaya daw nanyari iyon e dahil sa may nakabara na raw sa baga ni Nanay. Ihanda ko raw ang sarili ko.

Ilang araw din kami nalagi sa ospital, isa ... dalawang linggo. Pakiramdam ko nga residente na ako dun. Kilala ko na ang mga nurse, ang shift nila ang kung ano dapat gawin check up kay Nanay kada oras.

Dumating ang Oktubre, pinagdedesisyon na kami ng doktor na kung gusto namin pumirma ng DNR form. Sabi ko hindi ako makakapagdesisyon mag-isa.

7 comments:

Anonymous said...

so sad naman... i hate sad story. sana maging maayos ang lahat and be prepared for the outcome. i'll be praying for you and your family. ingatz palagi.

Anonymous said...

sana okey ka lang....... ayoko ng ganitong kwento :(

Naj said...

lakasan mo lang ang loob mo.. at mag pray ka..ihanda mo rin ang sarili mo, that's life..Godspeed!!!

Anonymous said...

hi.. hope your mom will be ok. but it also depends on your mom if she still wants to fight for her life..

Analyse said...

tibayan mo ang loob mo and be prepared for anything.. hope you stop blaming yourself for whatever happens to your mom, bigat ding dalhin nyan, and im sure your mom wouldn't like that idea of blaming yourself..

Anonymous said...

hi, i cried while reading your entry. reminds me of my dad, nung pabalik-balik kami sa hospital because of his kidney problem. it was too hard for me na makita yung dad ko sa ganung sitwasyon. naiiyak ako, pero pinipigil ko because i have to stay strong for my mom.

i pray for your mom's recovery. hang in there!

Anonymous said...

hi! i dont know you but just thought of a dropping a line here!
My dad passed away last year, 2 months after I visited him . Depression and all the complications that go with it, caused his death. Being the daddy's girl , I blamed myself for everything, up to this day. When I left home , He got very sick, and eventually died. I know how hard it is for you & for your sister. We are on the same boat. BUt we have to be strong, not only for ourself, but for our dearest loveones. The only motivation I am having right now, is to keep my eyes on the ball. I Know mY dad is going to be happy to see me achieving my goals in life, or just being simply content in life. I AM SURE YOUR NANAY would be too! ALWAYS MAKE your MAMA proud of YOU! WE Can make it!

Blogroll

Labels

Counter