"Mom?" I whispered.
I hadn't said it in so long. When death takes your mother, it steals that word forever.
"Mom?"
It just sound really a hum interrupted by open lips. But there are zillion words on this planet, and not one of them comes out of your mouth the way that one does.
"Mom?"
- lines from the book "For one more day" written by Mitch Albom
Bagong libro na binabasa ko. Maraming nag comment na ngangamusta kay nanay. Masayang-masaya ang nanay.
Tumagal pa kami ng mahigit isang linggo sa ospital.
Nagdesisyon na rin sila Ate na umuwi ng pinas, simula ng tumawag sila't nakausap nila si Nanay sa telepono at nagpapaalam na. Himala nga e, kasi hindi na nakapagsasalita si Nanay. Pero sa pagkakataong iyon napakalinaw ng pagsabi niya ng "PAALAM' kay ate.
Oct 8, birthday ni Ate ..... nagdesisyon ang mga kapatid ko na umuwi dahil sa tawag na iyon.
Di ko lam kong ano magiging reaksyon ko pagdating ng dalawa kong kapatid.
Pero believe din naman ako kay Nanay, bed-ridden man siya di pa rin niya nakakalimutan ngumiti sa tuwing may mga dumadalaw sa kanya. Si Nanay talaga ...... minsan pa nga nagkatawanan kami kasi hindi ako nakilala ni Nanay nang pumasok ako sa banyo. Tinanong niya si Ate Grace kung sino daw ako. Nang sabihin ni Ate Grace na ako yung anak niya, medyo kumunot ang noo ni Nanay. Tawanan kami ....
Dumating ang Oktubre 10, mga ilang araw nang ayaw matulog ni Nanay. Nang minsang tanungin ko siya kung bakit. Ang sabi niya sa aking ay natatakot siya baka di na siya magising. Binantayan ko siya nun buong gabi.
Isang araw pinipilit siya ni ate na matulog, ang sagot ni Nanay "Natulog na ako, sa may hagdan." Di na ulit kinulit ni ate si Nanay.
Madaling araw ng Oktubre 16. Ako pa rin ang bantay ng Nanay. Di ko makatulog. Ala-6 ng umaga. Nag nebulizer ako kay Nanay. Iba na ang buntong hininga niya nun. Nagising ang mga tiyuhin ko at kapatid. Napansin din iyon ng tiyuhin ko. Inutusan kami ni Ate na bumili ng agahan. Iba na raw kasi ang hinga ng Nanay.
Pagbalik namin ni Ate sa kwarto, dala ang mga pinamili namin mula sa Jollibee. Di pa rin tulog ang Nanay.
Sinabihan ako nila Ate na matulog na. Mag-aalas siete na kasi ng umaga yun. Di ko makatulog. Iba na ang pakiramdam ko.
Nang bigla na lang ako ng nagulat nang ginigising na ako ni Ate. Pag tingin ko sa orasan ng ospital ala-dose na pala ng tanghali. Ang bungad ni Ate "Wind, tingnan mo si Nanay." Nakita ko yung isa kong kapatid, hawak ang isang bunto ng tissue paper, pinupunasan yung bigbig ni Nanay. "Nakadalawang rolyo na kami ng tissue paper" sabi ni Ate. Pagtigin ko kay Nanay. Malalim na ang kanyang mga mata.
Nagkagulo na kaming lahat .........
Saturday, March 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
5 comments:
Air, di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dito - nakakalungkot man pakinggan pero di ko maiwas isipin ang nangyari sa tatay ko nun.
This makes me sad. I hope everything's allright. The book you're reading sound interesting. Keep your finger's crossed and hope for the best.
kumusta na si nanay Air?
:K: salamat .. im ok now .... life must go on. I know naman na nanay would not want na mapasama ako.
:melai: anghel ko na ang nanay ngayon. isang masugid na tagabantay. :)
hi air. im glad you take it in a positive note. be strong.
that's a sad story to read.. basta paubaya mo na lang sa kanya ang lahat..that's life..
Post a Comment