Wednesday, February 21, 2007

Yun na nga

Bakit nga ba natagalan akong di na blog? Sino nga ba ang nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay ko. Kala ko pa naman na ang blog na ito ay nagsisilbing diaryo ko.

Madaming nanyari, laki nang naitulong nang nakaraang taon sa akin. Di lamang binigyan ako ng opurtuninidad na makapunta ng ibang bansa. Bukod pa dun tinuruan niya akong malaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng buhay.

Simula ng taon ay pinaghalo-halong saya, lungkot, takot, pangamba, pagkabalisa at pagkasabik na matuto sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa buhay.

Kalagitnaan ng taon, napuno ng takot at pangamba ang buhay ko. Naospital ang pinakaimportante tao sa buhay ko. Si Nanay .... tandang-tanda ko pa yung araw na iyon. Nasa trabaho ako ng tumawag ang ate kung humahagulgol sa telepono. Sabi niya nasa ospital nga daw si Nanay. Yung lang ang narinig ko. Di na ko nakapagtrabaho nun. Iyak na ako ng iyak, napansin na rin ng boss ko kaya't pinayagan na nila akong umuwi.

Umuwi sila ate sa pilipinas, pag minalas ka nga naman, hindi ako pinayagan umuwi ng amo ko. Kung di raw ako magiiwan ng 5000 dirhamos di nila ako papayagang umuwi. Napamura ako!!!
Wala akong nagawa kundi ang tumawag na lamang sa kapatid ko upang humingi ng update sa ospital.

Makalipas ang ilang linggo, ok na raw si nanay. Lalabas na raw ng ospital, pero hindi na raw pedeng tanggalin ang oxygen sa kanya kasi hirap na talaga siya sa paghinga. Tinatanong ako nila kung gusto ko pa raw umuwi. Sabi ko, hindi ko alam. Natatakot akong makita si Nanay.

Nagkagulo sa opisina .... nadyaryo pa nga ... eto ...

Dahil dun pinayagan kaming mga pilipino na umuwi. Isa ako sa mga taong nagdesisyon na umuwi na lang ng pilipinas. Hunyo bumalik na sina ate sa dubai. Baon ang mga litrato ni Nanay na hirap ko talagang tingnan.

Hulyo yun nagdesisyon akong magresign na lang sa trabaho .... binigyan ako ng isang buwan para makapagisip kung gusto ko magstay sa Dubai o umuwi sa akin Nanay.
Sinubukan ko pa rin magaaply ng bagong trabaho doon. Pero lumapit ang araw ng Augusto, natuloy ang paguwi ko.

10 comments:

Anonymous said...

I know how you feel. Mahirap talaga when you have a divided attention while working overseas. When my father died when i was abroad, gumuho ang buhya ko in a second.

i feel you.. and i hope you feel better now, how's your mom?

* hopping from Analyse.

Airwind said...

:analyze: salamat po ... :)tuloy ko istorya ...

Anonymous said...

.. yun nga.. putol ang kwento. bitin. saka na ako mag comment pag kumpleto na.. aabangan ko yan.. =)

Anonymous said...

hey airwind! thanks for visisting my blog. actually im still in the process of constructing everything from scratches. and eventually my url will automatically change (hayyyyy!)

the url of the blog u just visited will automatically change into a different address. still figuring out how i can maintain the username.wordpress.com stuff.

anyhow, keep well and Godbless!

Anonymous said...

Wind, sorry to hear about your Nanay. I totally feel you here. Mahirap talaga magtrabaho sa ibang lugar (malapit man o malayo) lalo na kapag ang desisyon eh kung ano ba ang dapat pipiliin. Ganyan talaga siguro kapag pinalaki tayo ng maayos ng mga magulang natin, kapag may nangyayaring hindi natin maiiwasan, sila pa rin ang pipiliin natin. When my Dad passed away, di ko man lang sya nakausap sa huli bago sya maglakbay sa kabilang buhay. Di rin ako kaagad nakauwi nun. I'm glad to hear na ok naman ang Nanay mo despite what happened. Kaya kahit papano ang importante maayos na rin at nandyan ka na. Sometimes, life interrupts, we don't know what's going to happen. God Bless and keep your fingers crossed and always hope for the best.

Jeruen said...

AirWind, sana maayos na ulit ang family affairs mo. Kumusta na ang iyong nanay?

Regarding the Dubai incident, the newspaper said that the company held your passports. I have heard of other cases where the company withholds the passports of their employees, but, how do they do that? This may be a naive question, but where exactly do they tell you to hand over your passport to them upon arrival in the country?

Owen said...

madrama nga ang mga pangayayari. well, let's just learn from these experiences. what's important is, you're ok now.

i hope your mom is better now.

Naj said...

sad to read that.. basta wag ka lang mawalan ng pag asa.. be optimistic bro.. Godspeed to your nanay....

Nick Ballesteros said...

Airwind, kumusta na. salamat sa pagdaan mo sa blog ko.

Katulad ng marami, nagulat rin ako nang sabihin mong babalik ka na ng Pinas. Malalim pala ang pinagmulan.

Sana ok ka na at Nanay mo ngayon. Susubaybayan ko kwento mo.

Airwind said...

:starfish: tutuloy ko yung kwento ... kumukuha lang ako ng tamang oras.

:bluepanjeet: salamat sa dalaw. hayaan mo aalamin ko yung url mo. hahagilapin kita. haha.

:k: tnx "K" im ok now ... a lot of things had change. still im hoping for the best.

:LIW: upon arriving, dun pa lang sa airport you need to hand them over your passport. para daw assurance na hindi mo sila takbuhan.

:Owen: salamat po .....

:jan: yun na nga lang ang ginagawa ko. salamat

:watson: maya siguro update ko na yung blog ko. sulat ko na yung karugtong. :)

Blogroll

Labels

Counter