Wednesday, November 17, 2004

what a day

hmmppp ... its 4.45pm here. walang magawa. si ahron may sakit may mga nakikitang di ko alam. ako walang makitang pag-asa .. pero i shud never lose any hope. i can do this. well kahapon sinamahan ko ate sa un ave sa bangko nya tapo dumiretso kami sa quiapo. sinamantala ko bumili kami ng dalwang dvd at yung last supper. tapos nung hapon punta ko sa sm kasama pao para magpakuha ng pic for my passport. enough na kahapon. ngaun dapat punta ko pup pero di natuloy kasi umuulan at syempre tinatamad ako. kaya eto net na lang ulit. hehehe. tsige na.

Monday, November 15, 2004

one day at a time

eto na naman ko .. its 5.51pm here. lam ko hanggang ngaun hindi ko pa rin masyadong naeexplore tong blogger na to. anyway, ngaun i just stay home with ate and nanay. half of my day was spent singing videoke sa bahay nila jonil. ang galing kong kumanta hehehe. tapos ala na masyado akong gawa. donwload ko na rin family pic namin. hindi pala pede attach kasi ala pa kung website na may url ng photos ko. hehhee' till next time. kaya ko to.!

Friday, November 12, 2004

same old days.....

6:39pm here ... bad day yesterdday i havent got the time to create a blog. badtrip kahapon and i dont wanna remeber it kasi babalik din ako dun next week. anyway .. .today dapat may interview ako with hr team asia but hindi ko tinuloy nasa banyo na ko para maligo ng biglang tinamad ako. so i went back to the house .. then i call hr team to ask kung pede i reschedled. but ala sagot sabi nanay kasi maaga pa nun .. oo nga naman ala pang opis , pero tinatamad talaga ako. so nagluto na lang ako ng breakfast yung natira kong corned yesterday hinalo ko sa kaning at nagluto ko ng danggit. after that the usual day lumabas punta kila nimfa. then i went back home to watch survivor. then balak ko sana manood ng dvd sinaksak ko na yung the medallion. kaya lang inaantok ko, kaya yun natulog na lang ako. gising ko mgha 5pm nag net na ko. hehehhehehe .... cge till enxt time.

Wednesday, November 10, 2004

second time

*sigh* its 11:01 pm here. gusto ko kasi gabi ako gumawa ng blog ko atleast the whole is already thru. today ... ginising ko ni jomar manghihiram lang pala ng flute. ayoko sana kasi i thought thats a personal na thing pero ok lang... si jomar naman yun e. i just hope sa kapatid nya nga ipapahiram. im sorry but i have doubts with jomar already. di ko alam. napaisip, sabay buntong hininga after that umuwi na sya. tapos nun punta ko kila noriel kahit lam kung ala naman sya dun. nakipagkwentuhan ... kumain ng sinangaga at ampalaya kay aling selya. mga 2pm hinintay kung dumating si Ate Elsie ... nasa bahay din sina ninong at ninang kinuha yung tv nila na luma na pina-cargo ni ate. sa wakas lumabas kami ni ate puntang sm north. actually ala naman akong balak bilhin kundi yung cord ng tv dahil hindi ko magamit yung vcd. nilubos ko ng rin ang pagpunta ko sa sm. syempre tiningnan ko nanaman yung badminton racket na gusto ko. *sigh* lintik di ko makalimutan kung may pera lang ko ... *sigh* punta rin kami sa bench at penshoppe tanong nga ate kung ano gusto ko actually gusto ko ng cap pero mahal nakakahiya at isa pa baka may masabi pa si nanay about it. nakita ko yung national bookstore balak ko sanang bumili ng libro dagdag collection ko sa nicholas sparks ko. hehe di ko pa suli yung guardian kay gege .. di bale dalawa naman yung ganun nya e. hay napapa kanta ako kasi habang type ako nakikinig ko ng dreamsound na bigay ni jhay. hehe si jhay. nasan na ko ahh sa libro. pero di natuloy kasi ala silang ibang book ni sparks kaya ayun nauwi sa pagkain syempre may favorite "taspi plus" syempre walang kamataayng beefsteaksilog. after mabusog, diretso kami annex nakabili kami ng lagayan ng toothbrush. matagal ko ng pangarap kasi naiinis ko sa pesteng daga dito sa amin kinakain pati toothpaste. tapos nag-grocery kami .. naalala ko may nagbebenta nga pala ng dvd game dun .. kaya ayun nauwi sa time crisis 3 na madali ko lang naman natapos kasi di namamatay at di nauubos yung bala. hehehe. o cge bukas ulit. maaga pa ko e. sana matuloy yung punta ko pup.

Tuesday, November 09, 2004

first time

its 4:32pm ... walang magawa so i open my pc. usually i just check my mail and see kung may nag send any sa akin sa friendster or sometimes pagsinipag i try to search ng jobs. this is my normal day na nga i think. gigising .. linis kung gusto ... then kain kapag nakapagluto na si ate. watched dvd or vcd kung may available ... laro playstation. dati i thought pag maeron na kong mga ganitong bagay masasatisfied na ko pero tama pala sila ang tao di marunong makuntento. right now while im typing this im also chatting with ate arlin. she was askin me kung naayos ko na yung papers ko at gusto nya raw ko punta dun para makapglaro ng badminton. sandali naisip ko na naman tuloy yung racket ng badminton sa christ da king sa may fairview ang mura kasi kaya lang ala kung pera i still remember 70 pesos lang ata ang laman ng wallet ko. e 1700 yung racket napaisip tuloy ako sana may work ko atleast may pera ako. nagsisis ako .. ayan nasabi ko na. but im not blaming myself nor did i regret it kasi i ask for sign and it was given to me. *sigh* i just hope makahanap ako ulit ng work para may ullit ako. im waiting for IHG to call me sabi nila kapag nakatanggap ko ng tawag before wed tanggap ko. pano makakatawag gamit ko yung phone .. hmmppp. sige bukas na lang ulit.......

Blogroll

Labels

Counter