Sunday, May 18, 2008

Tropahan - Kembotan

"Trident Outing 08 (Matabungkay Beach Resort)"

Wala talagang tatalo sa mga tropa ko sa Trident. Akalain mo ilang taon na ang nakalipas ng magresign ako doon sa kompanyang yun. Pero ang namuong pagkakaibigan namin lahat ay di pa rin nabubura.

Marami ngang nagtataka lalo na yung mga boss namin at kasamahan noon kung paano namin nagagawang magkontakan pa rin lalo pa't iba-iba na ang linya ng trabaho namin.

Isa lang ang sagot ko dyan. Kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan.

Maraming salamat ulit sa inyo. Naging kumpleto ang summer vacation ko sa outing na ito.

Muli salamat sa iyo/inyo ...

Ponyang at Eric
iba ka walang tatalo sa kakembotan mo. Busy ka man alam ko kaunting text o tawag ko lang nandyan ka na agad. Eric, galing mo tsong makisama, parang matagal ka na namin katropa.

Laryuki
hari ka man ng kabastusan, malupit ka pa rin na kaibigan. Ikaw yung tipong game sa lahat. Bukod tangi kang 'Lalaking Kaladkarin."

Butsok
madalas man kitang asarin alam ko naman na alam mong katuwaan lang yun. Patawarin mo ako.

Evie, Mike at Tim
isa lang masasabi ko Amazing. Nakita ko sa anak niyong si Tim kung gaano kayo ka responsableng magulang. Bilib ako. Di ko maisip ang outing ng tropa ng wala kayong mag-asawa.

Len
hands down ako sa iyo. Bow na bow. Tama si larry kapag ikaw ang nagplano hindi ako dapat mag-alala. Di ako nagutom sa outing na ito dahil sa iyo.

Dada at Al
proud ako na naging kaibigan ko si Dada masipag at mabuting anak kahit sa tingin ko sobra na. Salamat sa pag drawing mo sa akin ng sperm na henna. Kay Al ikaw ang bagong salta sa tropa pero panalo ka tsong di ka nagpaewan sa ere.

Jel
madalang man tayong magkita ... iba pa rin ang dating lalo na kapag nagsama-sama na tayong lahat ulit. Parang hindi rin tayo nagkakahiwalay.

Sol
salamat sa pagsama. Sana natuwa ka sa pagpasyal na ginawa natin. Ang sarap ng adobo mo. Sa susunod damihan mo ang pagdala.


Para sa iba pag piktyurs ito ang link sa multiply

4 comments:

Anonymous said...

Airwind:

ang megaphone ng Trident eh na-lowbat at naubusan ng boses kaya sobrang tahimik na nung pauwi at single word lang ang sinasabi niya bwahahaha =P

Anonymous said...

hahaha!!! buti na lang at nakapag-outing na tayo ngayong taon, dahil ngayon naman ay bumabagyo na!!

salamat din airwind sa mga patawa mo.. bentang-benta parin! sobrang aliw sayo si al lalo pag inaasar mo si adot. sana sa susunod na outing, magdala ka ng battery mo para di ka malowbatt. lol!

Anonymous said...

bakit anonymous lumalabas???? wahehehe..

--scarletbeads

sadako said...

palagi ako napapadpad sa wordpress mo. bumalik ka na nga pala dito sa blogspot. anyhoo, may mga kaibgan din ako sa dati ko work na di na ako malimutan. plagi din ako sinasama sa mga outing pero ako tumatangi kasi nahihiya ako dahil company fund yun. pakiramdam ko wala na ako K kasi nga wala na ako dun.

Blogroll

Labels

Counter