Thursday, August 02, 2007

Yun oh!

Lots of things had happen na hindi ko man lang ng blog. Minsan nga pumasok na rin sa isip ko na siguro ihinto ko na rin ito. Pero hindi ko naman magawa. Iba pa rin talaga ang nadudulot ng pagsusulat ko dito. Nakakamiss ang pagblo-blog hop ko. Ang pagdagdag ko sa mga blogristang napapadaan dito.
Ni hindi ko man lang naikwento na bumiyahe ako kasama ng kapatid ko at ng barkada niya by VAN papuntang leyte. Pers time kong lumabas ng luzon. Yun na siguro ang pinakamalayong narating ko dito sa pinas. At walang halong pagsisis kasi lubos naman talaga namangha at nasiyahan ako sa paglalakbay kong iyon. Nagpapasalamat ako kay Ate sa pagsama niya sa akin.
Nalipat din ako ng departamento dito sa opisina. Halong lungkot at saya. Masaya dahil may tsansang tumaas ang sweldo ko kung makakapasa ako sa mga certifications. Malungkot dahil umalis na ako sa mga dating kong kasamahan na talaga naman napamahal na sa akin. Bagong pakikisama na naman. Aja!

Bumalik na rin ako sa bahay ng Nanay ko sa Laloma. Mahigit isang taon din naman akong tumira sa tiyahin ko sa Fairview. Yung nakuha kong bonus nung isang buwan kasama ng 5K pinadala ni Ate ang pinaayos ko ng bahay. Tagpi dito … tagpi doon. Yun muna siguro sa ngayon.

Malapit na ang kaarawan ko. Pupunta akong Disney HK at don ang ako magcecelebrate. Yun na lang ang pabawi ko sa sarili ko sa mga nangyari sa akin nung nakaraan taon.

Nakakatakot, ang bilis ng panahon. Eto malapit na ulit magsimula ang Ber months. Napagdesisyonan ko nang magtrabaho na lang sa araw ng pasko at bagong taon. Di tulad ng mga kasamahan ko na ngayon pa lang ay nagfi-file na ng leave sa mga araw na iyon. Maaring magbago pa ang isip ko kasi nagbabalak daw ang panganay namin na mapasko dito sa pinas.

Kamusta naman ako? Eto tumataba …. Nagaaral mag budget ng pera nang may mapambayad sa bills buwan-buwan at masustentuhan na rin pati luho ko. Balak kong huminto sa mga luho ko pagdating ko ng 24 yrs old ay 25 na lang. Hahaha …… yan ang kinakatakot ko kasi hanggang ngayon wala pa rin direksyon ang buhay ko. Masyadong inaasa ko na lang kay batman ang araw araw ko.


"My Leyte Trip"

8 comments:

Anonymous said...

Wow, what a GRAND bday gift for yourself. You can have all HK in few days so don't forget to visit the Ocean Park or The Peak to see the beautiful view specially at night.

I'll be here so in case you want to invite a stranger in your party, let me know. Dibale ikaw naman ang mag ti-treat. Hahaha.

"inaasa ko na lang kay Batman ang araw ko".. hahaha malamang bibiyaan ka ng agimat someday.

Airwind said...

:K: nandun ako from sept 8-12. Email kita kapag nandun ako. Nang maipasyal mo ako ng libre. Makakapunta lang naman ako kasi yung pinsan ko may house dun kaya libre na yung place. :)

Nick Ballesteros said...

Airwind! That's a nice birthday gift to yourself! Pangarap ko rin makapunta sa Disneyland HK!

Sa panahon ngayong computer at video games ang nakakahiligan ng marami, bihira na ang marunong magsulat at mag-string together ng sentences. Kaya ituloy mo lang ang blogging! Practice sa pagsulat at pagbuo ng composition. Plus, nagkakaroon ka pa ng bagong prends!

Airwind said...

:Watson: ahhhh ... salamat po. Kaya nga i appreciate all the comments e. may it be good or bad :)

Jeruen said...

Uy! Gumaganda ang blog natin ah! Hindi na yung regular template ng Blogger.

Enjoy Hong Kong. I haven't been there, but people say it is an awesome place.

Anonymous said...

Very nice shots erwin! Saan sa leyte? My folks are from Southern kasi kaya ko naitanong.Wow HK sarap ah! enjoy na lang & hope you'll have a blast on your b-day!

btw, I just tagged you for an interesting meme called 'the face behind the blog' please check the details I hope you can join in:)

Airwind said...

:LIW: salamat sa papuri ..... grab ko lang yan sa bloggertemplates.com

Airwind said...

:cheh: salamat ... point and shot camera lang gamit ko dyan. plano ko nga bili na ng SLR para mas ok. mahilig talaga akong kumuha ng pics. yung lugar sa may inopacan,leyte. sobrang ganda nun beach na yan ... dun sa tag salamat. subukan ko sagutan. :)

Blogroll

Labels

Counter