Hindi ko alam kong ako lang ang nakakapansin. Pero sadyang may mga kapwa tayong mga kaugalian na talaga namang nakakainis o dili kaya naman ay nakakahiya.
Isa na namang kasabihan ng mga tiga kanto. "Samantalahin mo na habang libre."
PASAWAY # 1
Ewan ko lang kung may aagree sa akin. Pero di ko alam pero banas na banas ako dun sa mga tao ng ang dami kung kumuha ng "libre" na newspaper sa MRT.
Kumukuha rin naman ako nung newspaper na yun. Pero isa lang!
Palagi akong sumasakay ng MRT. Dahil sa maaga ang uwi ko, madalas abutan kong may libre pa sa mga istasyon. Pampalipas oras sa loob ng tren kumuha ako nang isa. Nagulat ako ng yung lalaking kasunod ko kumuha ng isang dangkal ng libre sabay silid sa bag niya.
Inisip ko aanhin kaya nung lalaki yung sandamakmak na dyaryo?
Tinanong ko yung kasabay ko sa MRT, sabi niya pinamimigay daw nung iba. Huh? Di ko gets. Basta ako naiinis ako. Dahil ba sa libre kaya ganun?
Di ba't pananamantala na ring matatawag yun?
PASAWAY # 2
Isa ko pang kinababanasan ....
Yung mga intern na nurse (di ko sa nilalahat) hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang dami sa kalye pakalat-kalat na nurse. I mean yung mga naka scrubs a? Di ba yung mga uniporme na iyon ay dapat sinusuot lamang sa loob ng ospital at kapag lumabas na sila ng ospital e dapat magpalit sila ng pang sibilyan?
Di ko alam pero naiirita ko sa kanila. Para pinaglalandakan nilang Nurse sila. Ok fine!!!!
Meron pa akong nakita minsan na Nars na nakusalat pa talaga sa scrubs niya na it should only be worn inside the hospital, pero nakita ko siya sa loob ng Mall.
Paliwanagan niyo nga ako ..... Grrrrr ..... Nakikialam na naman ako. Grrr ..
Siguro kaya ginagawa nilang pamorma ang scrubs kase tingnan niyo naman yung piktyur. Spongebob!! Aba bongga!!
Update sa aking summer escapades
Munting Buhangin (Nasugbu, Batangas)
8 comments:
hey air,
pasaway 1 - baka kaya kumuha ng madami eh taeng tae na sya hahaha
pasaway 2 - actually it is clear that scrubs should only be worn inside the hospitals. student nurses aren't allowed to wore that outside the premises of the hosp.kaya lang may mga "care givers" ngayon na nagsusuot na rin ng scrubs ewan ko kung bakit. at yung may makukulay na damit like "spongebob" are definitely not nurses. they could be caregivers. actually kahit ako naiirita na nuoon pa kasi nga naging status symbol na yang scrub na yan. but in fairness to some nurses who are wearing scrubs outside the hosp they have no choice:
1: there are no locker rooms for nurses staff para magpalit sila ng damit after shift
2: sobra tagal magpaalis ng ospital sa nurse every shift. halimbawa ang trabaho mo ay 7am to 3pm, would you believe na nakakaalis na ang nurse sa hospital ng mga 4 pm at pumapasok sila ng 6 am. so meaning there is an extra 2 hours na di bayad sa trabaho namin. kaya no time na para magpalit pa ng damit dahil late ka na sa susunod mo na trabaho or kating kati ka na umuwi.
3: hindi ko alam kung bakit pinapayagan ng mga school na pumarada yang mga yan na naka scrubs eh dapat sterile ang scrubs and it should only be worn in the emergency room, and special areas.
4. ginagaya siguro ng iba yung sa america which is wala ng nakaputi ngayon sa hospitals.puro naka scrubs na sila doon. kaya lang bago sila umalis ng hospital ay nagpapalit sila ng damit dahil sa america muka kang tanga pag lumabas ka ng hospital na off duty tapos naka scrubs.
5. scrubs should not be printed. it should be plain kasi pag tumalsik ang dugo o anumang bagay dapat kita agad ng nurse yun sa damit nya. pag printed di mo agad makikita kung ano ba yung tumalsik sa damit mo. obviously those who are wearing printed scrubs are not nurses at kung nurses man sila at pinapayagan sila ng hospital,then they are so lousy that they should be stripped off of their licenses for professionally unbecoming.
ewan ko ba sa pinoy. sa susunod airwind, pag nakakita ka ng nurse na naka scrub sa lansangan, isapok mo nga ako. kahit ako naiinis jan sa mga colleagues ko...
true nurses should be modest and a model hindi mayabang. scrubs can never ever say that they are good nurses.its in the board exam at sa trabaho nakikita ang galing ng isang nurse.
Pasaway #1 - uso pa ba yung recycle diyan? baka naghahakot sya ng mga papel para ipabibili nya ng per kilo? Di ko alam.
Pasaway #2 - Agree ako lahat sa sinabi ni bluepanjeet. Pero ang alam ko, green, white or blue lang ata ang general uniform (color code) for Nurses and Doctors. And sa OR (Operating Room) lang sya dapat sinusuot at hindi sa labas (ng kalsada? nak ka ng pitong kuba).
Medical uniform should be treated with respect. Para din yang nagpapari/mamadre. I don't know sa panahon ngayon kung lahat ba ng mga babaeng Nurse ginagamit pa rin yun nurse-cap, it's one of the tradition that a Nurse can be distinguished or identified.
Everyone’s definition of a nurse is different depending on whom you speak with, nurses them selves are having trouble defining what they are. I think Nursing Schools should re-create itself to keep the full of traditions since the time of Florence Nightingale.
Hey Airwind,
Matagal na akong hindi nakakabasa ng Libre. Tanong ko lang, balitang may kwenta ba ang laman nito? O balitang joke lang? Kung ganun, hindi ko rin maintindihan ang lalaking naghahakot ng sandamakmak na Libre.
Tungkol sa scrubs, baka bagong pauso iyon ngayon. Bagong incarnation ng fashion. You never know...
di ka nag-iisa. ganun din iniisip ko tungkol sa pagsusuot ng mga nurse ng mga ganyan sa labas ng ospital. di ko ma-iwasan isipin na nagyayabang sila dahil nurse sila. ngek, ano ipagyayabang nila at di pa nga sila nurse eh. bka di pa nga sila pumasa sa board exam o kaya di umabot ng graduation. sus, pakalat-kalat. kahit saan makikita mo.
hay wonga, kakainis yun maraming kumuha ng LIBRE. wala nga akong maabutan dun eh, kahit maaga kami.. :(
dapat naman kasi pag libre, di inaabuso.
O airwind, baka ma-stress out ka masyado. Don't let them get to you. Kulang lang sila sa pangaral. hahaha. Nawa'y makarating sa mga kinauukulan ang post mo na ito.
sobra bang pasaway hehe..
hehehehehe ang presyon iho :)
Post a Comment