Ito si Pauline aka Ponyang aka Bodette. Nakilala ko siya nung college. Maka block seksyon kami simula 1st yr hanggang 2yr. Pagdating ng 3rd yr 2nd sem lumipat na siya nang seksyon pero di doon naputol ang pagkakaibigan namin.
Panggabi kami nung college, 6-9pm ang pasok Mon-Sat. Madalas maaga palang pupunta na ako sa bahay nila Pao maglalaro ng dance revolution sa PS1 nila kasi meron silang dance pad. Habang siya naman aasikasuhin niya yung bunso niyang kapatid na papasok sa eskwelahan. Pagkaalis ng kapatid niya para pumasok. Linis naman ng bahay ang bibigyan pansin niya. Siguro aabutin na siya ng 4pm para matapos kaya naman madalang na maglaro kami dalawa kasi maliligo na siya at mapreprepara para pumasok.
Masipag, maalaga, maalahain at sobrang bait niyan si ponyang. Siya pa nga ang dahilan kung bakit nakapasok ako sa dati kong employer. Ni refer niya ako sa kompanya nila. Ayon dahil sa kanya naawa yung kompanya at binigyan ako ng trabaho.
Eto yung mga hindi ko makakalimutan na mga moments namin ni Ponyang:
~ yung nag apply kami ng trabaho sa Jollibee, Cubao. Siya at si Rachel lang ang natanggap. Pero di rin naman niya tinuloy.
~ natatandaan ko pa yung pagtitinda niya ng Halo2x para makaipon siya ng pambili ng Cellphone. 5150 pa uso nun. Na nabili niya naman.
~ yung mga pag chaperon ko sa kanya kapag kasama namin yung BF niya. Yung bang sasabay ako sa kanyang pauwi kahit na mapapalayo ako ng daan.
~ yung pagkain namin sa SM North, wala kami pera pa nun. Bibili kami ng 20 pesos na spaghetti sa A&W at 20 pesos naman na burger sa Wendy's.
~ yung paborito naming "Tapsi Plus" na kainan sa foodcourt.
~ mga nakakatawang alala, nung minsan nadapa siya sa Pureza at nagkapasa siya sa tuhod.
~ yung tinuruan niya akong bumili sa ukay-ukay. Na kapag suot niya na ay walang nakakahalatang sa ukay-ukay niya yun binili.
~ yung pagsali niya sa promo girl 03 nung college kami (isa itong beauty pagent)
~ yung pagganap niya bilang Ariel sa play namin na nagcustome sirena siya.
~ ang magdalas mapagkamalan na si Judy Ann noon ... Si Sarah Geronimo na ngayon.
~ yung pagpapakilala niya sa akin kay Viols na tigagupit ng buhok ko hanggang ngayon.
~ yung pagtulog niya sa bahay namin nang minsang lumayas siya sa bahay nila at ginawa kong siyang tigahugas ng pinggan.
~ ang pakikinig namin kay Ms M sa DZMM bago matulog nung mga panahon na iyon.
~ yung pamimili namin ng pamasko sa mga inaanak namin sa Divisoria.
~ yung sinabihan kaming walang pinagaralan ng isang tindero sa Divisoria dahil hindi namin nakuha yung gusto namin halaga.
~ yung muntikan ng mapaaway kami sa tricycle driver dahil binabarat namin yung pamasahe.
~ yung pag cha-chat namin nung nasa Dubai pa ako at kukulitin akong mag webcam.
~ yung napaiyak niya ako sa banat niyang umuwi na raw ako ng pinas , may pera man o wala ay tatanggapin pa rin niya ako.
~ yung kabaitan na pinakita ng Nanay niya sa akin.
~ yung mga birthday niyang cinecelebrate namin kahit dalawa lang kami.
~ yung pag-iyak niya sa akin sa tuwing may problema siya sa BF niya at wala naman akong masabing payo.
~ yung pagsama niya sa akin nung nasa ospital si Nanay.
~ yung walang kamatayan pasahan ng text dahil naka unlimited kami.
Maraming alaala ... hinding-hindi ko makakalimutan ... Si Ponyang ... Bodette ... Pauline na siguro ang "Matalik Kong Kaibigan."
Mahal na mahal ko yan .....
Tuesday, August 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
7 comments:
Naks! Bakit di n lang kayong dalawa magkatuluyan! Compatible nman kayo! Wish u all d best! God bless...
Regards,
Russel
sweet!
Ahem... di ka nya pinag plantsa nung nasa bahay mo sya? Aba dapat sinagad sagad mo na rin. Hehehe.
Baka kayo sa huli nyan.
bakit ang title ng post mo ma-mimiss? aalis ba sya?
:Russ: asus!! may ganun talaga. may BF yung tao.
:Niknok: Salamat sa dalaw. Ill add you to my links. Ok?
:K: sobra naman ata yun .... "Baka kayo sa huli nyan" isa ka pa!!!!
:Duke: umalis siya nung sabado papuntang thailand. :(
Wow super sweet mo naman to list down those nice things about your friend! Sarap mo namang kaibigan!
Bakit nasaan na siya ngayon? Para palang story sa sine ang role ninyo?
Post a Comment