Madalang akong manood ng tagalog film. Lalo pa't kung sino-sino na lang ang nagiging artista.
Last film na tagalog na napanood ko ay "Shake, Rattle and Roll 8" na nadismaya lang ako. Tinulugan ko yung dalawang episode. Ni di man lang akong nasindak, mas naiinis pa ako sa binayad ko na hindi ko man lang nasulit.
Naka-chat ko yung isa kong opismate na madalang din manood ng tagalog. Tinanong niya ako kung napanood ko na raw yung "A Love Story" nila Maricel at Aga. Sabi ko hindi pa, at wala akong balak lalo pa't si Aga ang main cast.
Simula nung napanood ko si Aga na kapartner si Claudine (na dati niyang kapatid sa Okidoki Dok) at si Kristine Hermosa na halos kalahati ata ang bata ng edad sa kanya. Nagdesisyon na akong wag manood ng susunod na pelikula niya. At ang kinakakaba ko baka yung susunod e si Serena Dalrymple na ang kapareha niya.
Pero napalit ako ng kaopisina ko. Sabi niya hindi niya raw ipapahiya ang sarili niya sa akin.
Nung linggo, ang init sa bahay. Ubos na rin ang mga DVD na pinapanood ko. Lahat ng tao umalis. Kaya yung tinopak ata ako niyaya ko yung kapitbahay kong manood ng sine. At syempre "A love story" ang pinanood namin. oo na kinakain ko na yung sinabi ko about Aga.
Nilibre ko yung kapitbahay ko tutal sa SM San Lazaro lang naman. Palipas oras baga (palusot). Ang haba ng pila. Dalawang sinehan ang nagpapalabas ng pelikula ni Maricel.
Nagbaon kami ng chichirya at isang 500ml na apple flavor na jungle juice sa loob ng sinehan.
5:10 nagsimula ang palabas ......
Tumakbo ang kwenta sa love triangle ng tatlong main cast na sina Maricel, Aga at Angelica.
Di ko na kwekwento ang buong istorya ... pero masasabi ko lang nanumbalik ang paniniwala ko sa pelikulang pilipino dahil sa movie na ito.
Magaling ang takbo ng istorya sa simula mapapaisip ko kung sino ang tunay na kerida kina Maricel at Angel.
Sa huli paiisipin ka naman kung sino ang sasamahan ni Aga sa dalawa.
Hands down ako sa writer ng movie na si Vannessa Valdez (yun e kung di ako nagkakamali)
Isa lang ang natutunan ko sa pelikula "History repeats itself." Panoorin niyo ang pelikula para malaman niyo kung bakit.
May koneksyon ito sa relasyon ng Tatay ni Aga at sa relasyon ni Aga sa mga naging babae niya .....
Unang review ko ito kaya medyo magulo ... pasensya ....
Wednesday, August 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
7 comments:
dati din akong tumatalikod sa Filipino films. I wont watch until it is a candidate sa best picture sa FAMAS. But when i moved to singapore, being a pinoy pa rin, it gave a lot of meaning to things we take for granted when we were in Pinas. Now, im an OPM junkie and kahit anong DVD na tagalog, pinapatulan namin. Last week, together with some frineds, we watched Robin and Regine movie. (di ko alam title e), pero we enjoyed kasama ang pili nut from bicol and chichacorn from ilocos. Walang san mig light e, kaya tiger beer na lang.
Pag nag abroad ka, yun ayaw mong panoorin n Tagalog movies s Pinas e ma mimiss mo d2 s ibang bansa. Showing ang "A Love Story" s Al Ghurair Cinema sa 13-September. Manonood kami! Hehehe.
Regards,
Russel
:Owen: oi salamat ulit sa pagdalaw. totoo yan nung nasa dubai din kami nila ate mahilig kami sa tagalog siguro dahil nakakamiss talaga ang sariling atin. ang problema lang kasi e yung ibang tagalog na movies pinipilit dumikit sa standard ng western movies. yan tuloy ang papangit.
:Russ: panoorin nyo kasi maganda talaga. yung mga naging kabit makakarelate ng sobra. wehehe. bibilhan ko sana kayo ng cd niyan pag lumabas na .. ok na kasi panonoorin nio na pala di ko na kayo bili. hehe
Hi. Saw a link of your blog on pinoyexchange. Thank you for watching the movie and for the overwhelmingly positive feedback. And thank you for not "spoiling" the movie in your review.
In all honesty, I am surprised that you remembered the writer's name. That's a rarity. But I do think that if this film impressed you, it's largely because of the collaborative effort that everyone in the film put into this labor of love: from the director, Direk Maryo J. delos Reyes, to the actors, the producers, the creative and production crew. All their contributions, to a certain degree, wrote and re-wrote the film that you just saw. :-)
I hope that you will watch more Pinoy films in the future. There are a lot of brilliant and talented filmmakers in the Philippines today who are just waiting to be (re)discovered by the audience.
Once again, thank you.
Kapatid nya ba si claudine sa Okidok? Di ba sina Agot, Claudine, Paolo ang magkakapatid dun tapos papa nila si babalou? While Camille eh Tito nya si aga? Hehehe...
:sassy: wehehe napaisip tuloy ako .. tama ka nga di siya kapatid ni aga. ayun sa ka opisina ko kapatid siya ni agot. :)
uy, type ko din yang movie na yan. ang galing pati ng pagkaka-present ng twists at kung anik-anik. gagawan ko din sana ng entry ang movie na 'to sa blog ko pero tinamad ako. pero pag sinipag ako e gagawan ko pa din kahit panis na ang entry ko if ever, hehe! :P
Post a Comment