Wednesday, August 08, 2007

Kwentong Pasahero

Ang lakas ng ulan, halos dalawang araw ng hihinto-bubuhos ang ulan dito sa pinas. Ngayon ko nga lang nalaman na may bagyo pala. Di na kasi ako nakakanood ng tv. Puro nood na lang ng DVD (ang tagal pa ng season 2 ng Heroes at season 3 ng prison break).

Kwento ko lang yung usapan namin nung Taxi Driver kagabi.

Hindi kasi ako sumasakay ng puting taxi. Kundi MGE e R&E lang ang sinasakyan ko. Madalas tumatawag ako sa dispatcher nila at nagpapasundo sa bahay na mismo. Mas ok yun kasi nalalaman ng mga kasama ko sa bahay kung anong taxi ang sinakyan ko at naisusulat namin yung body number ng taxi, so anumang manyari madaling ma-track yung taxi. Bukod pa yun sa convenience na hindi mo na kailangan pumunta sa kanto at magintay sa gitna man ng init o lakas ng ulan.

Dahil nga may bagyo, may kahirapan ang pagtawag sa mga taxi companies. Dahil nga sa tamad ako nagtiyaga akong mag redial ng magredial hanggang sa makontak ko ang MGE. Sabi sa akin nung dispatcher 5-7mins daw e darating na yung susundong taxi sa akin.

10 minuto na ang nakalipas bago dumating yung taxi. Wala naman akong choice kasi ayoko maglakad pupuntang kanto dahil baha sa amin at tamad akong magdala ng payong.

Pagsakay ko eto ang usapan namin nung driver:

Driver: San po tayo boss?
Ako: Sa may pasay lang po. Daan po tayo ng P. Florentino ... Gov Forbes ... Nagtahan ... Quirino ... Roxas Blvd ... tapos pasay.
Driver: Di 'ho ba baha dun sa lugar na yun?
Ako: Bakit manong may lugar pa ba dito sa Maynila na hindi baha?

(tumahimik na lang yung driver ... ako naman natulog)




"My New Teamates"

4 comments:

Anonymous said...

Ironically,maski pa gaano kabaha sa atin nakakarating pa rin tayo sa ating pupuntahan, ganun ka- innovative, resourceful pinoy eh! Dito sa planeta ng mga matataas ilong,nagpapanik na hehehe Tingnan mo kaw tinutulugan mo lang lol

Jeruen said...

Buti naman at umulan na rin. As of last week diba drought daw? At least nabasa na rin ang Pilipinas. Sana naman at hindi sumobra...

Anonymous said...

Kaya pala, maulan din dito sa HK, titigil, iinit, hahangin at sa DAY OFF ko pa. Wala namang baha dito kaso asar lang kapag lumabas. Dahil, imbes na matulog na lang, you will end up spending $.

Naabutan na ako ng bagyo pabalik dito from the province, usually mahirap kumuha ng taxi. I didn't know na pwede na rin palang tumawag for pick up.

I hate rains dahil mag isa lang ako... walang...

Airwind said...

:cheh: hehe .. pahupa na ang baha. kakaiba talaga kung kelan ang aga ina-nounce na alang pasok kagabi wala naman ulan ngayon. :)

:LIW: kaya nga, sobrang baba ng water level sa mga dam. Kaya nga blessing na rin na dalawang bagyo yung magkasunod.

:K: Meron na rin taxi service dito. Mahirap nga lang minsan tumawag laging busy lalo na kapag weekdays. walang????? bitin...

Blogroll

Labels

Counter