Wednesday, February 28, 2007

Yun na nga (2)

Homesick, nakaka isang linggo palang ako sa Pinas, homesick na ako agad. Nakakatawa ngang isipin, mas na homesick pa ako sa sarili kong bansa.

Nagkita kami ni Nanay, nakahiga na lang siya. May nag-aalaga na sa kanya, kasi hindi na siya nakakatayo pa ng matagal. Sa tabi niya may isang bote na kumokonekta sa oxygen na nasa baba ng bahay. Masakit tingnan ang sitwasyon ni Nanay. Pero kailangan sumalubong ako ng ngiti. Kailangan magbalik ang dating "Airwind" na anak na kakilala niya. Masiyahin, makulit at laging binibiro siya. Ngunit sa likod nun, hinang-hina ako sa nakikita ko. Di ko lam kung hanggang kelan ko kayang pakiharapan ang sitwasyon na nasa harapan ko. Para hindi na siya ang Nanay kong iniwan noon. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Sana'y di ko na lang siya iniwan. Siguro hindi hahantong sa ganito.

Sabi ng mga tiyahin ko, depresyon daw ang tumira sa Nanay ko. Sobrang pagkalungkot dahil nga naman tatlo na nga lang kaming anak niya. Wala pa sa tabi niya.

Pero ang nakakatuwa kay Nanay, hindi mo nakitang sinisisi ka niya. Sa tuwing darating ako ng bahay galing sa labas. Sinusubukan pa rin niyang maging ina sa akin. Kinakamusta .... tinatanong kung kumain na ako.

Ilang araw din akong sumubok na isantabi ang kalagayan niya at isiping normal na tulad ng dati ang buhay namin.

Aug 17, Bday ni nanay ..... 61 yrs old na siya. Nakakatuwa nga kasi, yung mga kaibigan ko pumunta. Gusto kasi ni Nanay na lagi siyang may kasama. Natatakot daw siyang mag-isa.

Di ako tumatabing matulog kay Nanay, di ko alam pero natatakot ako. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Ginising ako ng kasama namin isang araw, sabi niya hirap daw makahinga si Nanay. Kinabahan na ako, pinakiusapan ko yung Tito ko na dalhin si Nanay sa ospital. Takot na takot ako nun, tinawagan ko si Pau, wala na akong masabi sa kanya kundi ang magsumbong. Pinipigilan ko ang maiyak. Natatakot ako sa ideyang pedeng mangyari na naglalaro sa isip ko.

Ang hirap pala sa ospital. Mahigit ilang oras din bago kami makakuha ng kwarto. Na-admit si Nanay, kailangan niya raw i-supervise para ma check kong ano sanhi ng hirap niyang paghinga.

Unang gabi sa ospital, kasama ko si Ate Grace, yung nagbabantay kay Nanay. Di ko makatulog. Ipilit ko man di ko maiwasan pag masdan si Nanay. Nanghihina ako. Di maiwasang sisihin ko ang sarili ko na isa ako sa dahilan ng panghihina niya.

12am --- ng seizure si Nanay. Di ko lam ang gagawin ko. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko at ni Ate Grace. Nakatulala lang siya. Nataranta na kaming dalawa. Tumawag ako ng nurse.

5am --- di pa rin ako natutulog, sabi nung nurse mild seizure lang daw yun. Kinausap ako nung doktor. Na kaya daw nanyari iyon e dahil sa may nakabara na raw sa baga ni Nanay. Ihanda ko raw ang sarili ko.

Ilang araw din kami nalagi sa ospital, isa ... dalawang linggo. Pakiramdam ko nga residente na ako dun. Kilala ko na ang mga nurse, ang shift nila ang kung ano dapat gawin check up kay Nanay kada oras.

Dumating ang Oktubre, pinagdedesisyon na kami ng doktor na kung gusto namin pumirma ng DNR form. Sabi ko hindi ako makakapagdesisyon mag-isa.

Wednesday, February 21, 2007

Yun na nga

Bakit nga ba natagalan akong di na blog? Sino nga ba ang nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay ko. Kala ko pa naman na ang blog na ito ay nagsisilbing diaryo ko.

Madaming nanyari, laki nang naitulong nang nakaraang taon sa akin. Di lamang binigyan ako ng opurtuninidad na makapunta ng ibang bansa. Bukod pa dun tinuruan niya akong malaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng buhay.

Simula ng taon ay pinaghalo-halong saya, lungkot, takot, pangamba, pagkabalisa at pagkasabik na matuto sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa buhay.

Kalagitnaan ng taon, napuno ng takot at pangamba ang buhay ko. Naospital ang pinakaimportante tao sa buhay ko. Si Nanay .... tandang-tanda ko pa yung araw na iyon. Nasa trabaho ako ng tumawag ang ate kung humahagulgol sa telepono. Sabi niya nasa ospital nga daw si Nanay. Yung lang ang narinig ko. Di na ko nakapagtrabaho nun. Iyak na ako ng iyak, napansin na rin ng boss ko kaya't pinayagan na nila akong umuwi.

Umuwi sila ate sa pilipinas, pag minalas ka nga naman, hindi ako pinayagan umuwi ng amo ko. Kung di raw ako magiiwan ng 5000 dirhamos di nila ako papayagang umuwi. Napamura ako!!!
Wala akong nagawa kundi ang tumawag na lamang sa kapatid ko upang humingi ng update sa ospital.

Makalipas ang ilang linggo, ok na raw si nanay. Lalabas na raw ng ospital, pero hindi na raw pedeng tanggalin ang oxygen sa kanya kasi hirap na talaga siya sa paghinga. Tinatanong ako nila kung gusto ko pa raw umuwi. Sabi ko, hindi ko alam. Natatakot akong makita si Nanay.

Nagkagulo sa opisina .... nadyaryo pa nga ... eto ...

Dahil dun pinayagan kaming mga pilipino na umuwi. Isa ako sa mga taong nagdesisyon na umuwi na lang ng pilipinas. Hunyo bumalik na sina ate sa dubai. Baon ang mga litrato ni Nanay na hirap ko talagang tingnan.

Hulyo yun nagdesisyon akong magresign na lang sa trabaho .... binigyan ako ng isang buwan para makapagisip kung gusto ko magstay sa Dubai o umuwi sa akin Nanay.
Sinubukan ko pa rin magaaply ng bagong trabaho doon. Pero lumapit ang araw ng Augusto, natuloy ang paguwi ko.

Monday, February 05, 2007

Kamusta Ka Naman?

Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!
Gusto kong mag - blog !!!

Pero di ko magawa !!!!!!

Huwahhhhhhh

Blogroll

Labels

Counter