"Ibasura"
- aktibista sa Batasang Pambansa
Yan ang sigaw na tumambad sa akin pagbaba ko ng tricycle kanina. Sabi sa akin nung tricycle driver na kung nagmamadali daw ako ay mas mabuting maglakad na lang daw ako papuntang commonwealth avenue. Kailangan makarating ako sa opisina bago 7:30pm. Ayokong ma-late. Kaya naman sinunod ko na rin ang payo nung mama. Mahigit 2KM rin ang nilakad ko.
Bilang libangan pinakinggan ko ang mga sinisigaw nang mga raliyista. Aba! Mga kabataan pala ang nangunguna sa listahan. Boses ng isang kabataan babae ang nagsasalita sa entablado. Gusto daw nilang patalsikin si Gloria at tutol sila sa pagpapalit ng konstitusyon.
Ayon sa maiksi kong oras na pakikinig. Ang sabi nung babae na parang mabago man daw ang konstitusyon ay hindi rin naman pakikinggan ang boses ng kabataan. Kaya't mas mabuti pa raw na sa kalye na lang nila idaing ang sama ng loob nila. Ang nararadapat daw e, baguhin ang sistema sa loob ng gobyerno o dili kaya ay patalsikin ang mga di nararapat.
Aba'y ang tapang naman ata ng "ATE' ko.
Nagkalat ang media ... nakita ko ang ABS-CBN, ABC 5, pati na rin ang GMA7 na nagseset-up ng ilaw sa isang tabi. Habang ang ibang pulis ay kumakain habang nanood ng "Jewel in the palace" (isang koreanovela) sa isang tindahan.
Ang daming tao, pero kung susumahin mas maraming pa atang isyoso keysa sa mga tunay na nakikisalo sa pestibidad. Isa na ako dun sa isyoso.
Gusto ko pa sanang mag-stay kaya lang may pasok pa ako. Tinuloy ko ang pag-lakad papuntang commonwealth avenue ... tumawid ng overpass at sumakay ng FX ....
5 comments:
uhmmnn ano naman ang masasabi mo sa pinaglalaban ng mga ate?
Air, here's wishing you and your family a Merry Xmas and a very Happy New Year!
Happy Christmas airwind!
hahaha.. malas talaga pag naabutan ng rally sa kalsada, tapos nagmamadali ka.. shet!
hahaha.. malas talaga pag naabutan ka ng rally sa kalsada, tapos nagmamadali ka.. shet!
Post a Comment