Wednesday, November 22, 2006

Yoko nga!

Di ko alam pero hindi ako maihi sa urinal ng lalaki, sa tuwing umiihi ako sa loob pa ng cubicle. Arte ko noh .... ewan ko ba may pag-ka OC ako. Kahit anong sakit na ng pantog ko, hindi mo talaga ako mapapaihi sa urinal. Yung bang ayaw lumabas nung ihi ko kahit na anong pilit.
Nagkasubukan nga nung nagpa-drug test ako para sa trabaho. Binigyan ako ng isang botelya na kailangan ko raw punuin ng ihi. E di pa naman ako naiihi nung mga oras na iyon. Sabi sa akin nung mama uminom daw ako ng limang baso ng tubig. Na ginawa ko naman. Pero wa epek pa rin. Sabi niya subukan ko naman daw na basain yung kamay ko hanggang braso. Syempre wala paring epekto sa akin. Umabot siguro ng 3 oras, walang humpay na palalakad-lakad, inom ng tubig at sabay basa na rin ng braso ko tsaka ako naihi.
Pucha! Dumating na ang kinakatakutan ko, pinapaihi ako sa urinal at kailangan daw kasi doon para nasusupervise ako nung mama.
Nakailang balik kami sa banyo di pa rin ako maihi, kahit na isang patak wala talaga. Ginamitan na nga ako nung taktika ng matatanda, yun bang sasabihan ka ng "wis wis wis wis" habang nakalabas yung putotoy ko. Pero lalo atang nahiya ... hindi lang putotoy ko yung nahiya pati na rin ako. Badtrip talaga. Pinilit ko yung mama na payagan na lang akong umihi sa loob ng cubicle. Sabi niya hindi raw pede, dahil kailangan naka-supervise siya habang umiihi ako. Tinanong ko yung mama, kung ako lang ba ang kaunaunahang pasyente nila na hirap umihi. Sabi niya hindi raw (medyo gumaan ang pakiramdam ko) pero yun daw yung mga taong madalas na bumabagsak o yun yung mga nag-drodroga. Nak ng pucha naman ako drugs!! HALER!!! Umabot pa ang isang oras na nakatambay sa loob ng banyo dahil hindi pa rin nga ako maihi. Sa inis siguro nung mama sabi gagawin na lang daw niya yung procedure na ginagawa nila sa babae yun bang lagyan nang blue ink you toilet bowl, para makaihi ako sa loob ng cubicle. Gusto ko sanang sabihin na "yun naman pala e" pero di ko na lang ginawa baka lalo lang akong mapagkamalang adik. Pagkatapos lagyan nung mama ng blue ink yung bowl, diretso pasok ako sa loob kasi masakit na rin yung pantog ko. Wala pang isang segundo umapaw na yung botelyang binigay niya sa akin.

Hay ...... yun na siguro ang pinaka mahirap na nangyari sa akin ....... Huwahh!!!!

6 comments:

Anonymous said...

hehehehe.

nasa Dubai ka pa ba?

Airwind said...

balik pinas na ulit ako..... gulo ng post ko noh.. hehe ginawa ko lang kasi yan habang nasa training ako sa opis :)

Karla said...

masaya? nalimutan ko na kung anu ung dapat kong ipopost eh! haha! may gnawa kasi akong template para sa isang kaibigan ko, nasabaw ako, aun nawala na :))

ang kulet, ako din nung drug test sa skul, (na taon taon na lang sinusuri ang mga ihi namin, taps mahal pa ng bayad), mag kasama kami sa banyo. nakatalikod lang siya. naiilang ako kasi, hindi ko naman siya kilala tapos sasama siya sa cubicle?! nakakailang.

parang timang naman ung mamang iyon, di ba niya naisp na pde naman pala un. :))

cheH said...

Hi airwind,

welcome back to blogworld!Medyo matagal ka rin nawala ah.Anjan ka na ulet sa pinas?anyways,good to hear from you again! Ingat

Naj said...

naks.. bakit ganun? sa bagay may time din na ganyan ako, lalo na sa mga ganyang requirement sa trabaho.. nangyari na sa'kin yan,pero grabe ang sayo tagal nun ha? wahahaha

Kat said...

kuya! sino yung nasa picture? ikaw ba yun?

Blogroll

Labels

Counter