hindi ko pa nga pala nablo-blog. mahigip dalawang linggo na akong nasa "transition bay" sa opis. ibig sabihin nun, tapos na ko sa 1 month tech training. 3 buwan kami mamalagi sa deparmentong ito bago sumabak sa "operations"
nagpalit na rin kami ng shift, kung dati e 9pm hanggang 6am kami. ngayong nasa "transition bay" na kami, ang pasok ko na ay 10pm hanggang 7am. isang oras lang naman ang nabago.
sa unang linggo ko sa "transition bay" ginunugol namin ang 5 oras para sa intensive technical training (o isa lang naman review ulit) at yung natira ay tumatanggap na kami ng tawag. opo, nagsisimula ko nang gamitin yung mga nalaman ko sa training. it between those 9 hours is our 1 hr lunch, and 2 15mins break.
ikalawang linggo, mahigit 6 na oras na kaming nakababad sa telepono at tumutulong sa mga american dell users. 2 hours na lamang ang inaalay namin para sa review at iba pang detalye ukol sa polisiya ng opisina.
masasabi kong pinaghalong, tuwa at pagkapraning ang trabaho ko. hindi biro, bukod pa sa puyat ako ay hirap kang makaresolba ng isang problema. lalo't pat hindi ko naman talaga linya ang computers. at una't sapul customer service at inaplayan ko, hindi ko alam kung ano nakita nila sa akin at ginawa akong tech support. iniisip ko na lang, may nakalaan para sa akin dito kaya ako nandito ngayon.
laking tuwa ko na kapag nasusulosyunan ko yung problema ng customer. lalo pa't tuwang-tuwa yung customer dahil sa wakas nawala na ang problema nila. ganun pala ang mga amerikano? masasabing sana'y sila sa mabilisang takbo ng buhay. ayaw na nila pang ipabukas ang pede naman magawa sa ngayon. hindi sila naghahanap ng dada, gusto nila ay kung ano ang iyong magagawa.
ganun man, higit pa rin nangingibabaw tayong mga pinoy, sapagkat ang hindi nila alam e, pinoy ang kausap nila sa kabilang linya at tumutulong sa kanila ... wehehehe
Thursday, July 28, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
- December 2008 (3)
- November 2008 (2)
- August 2008 (4)
- July 2008 (3)
- June 2008 (4)
- May 2008 (3)
- April 2008 (5)
- March 2008 (2)
- August 2007 (5)
- June 2007 (1)
- May 2007 (1)
- April 2007 (1)
- March 2007 (1)
- February 2007 (3)
- December 2006 (2)
- November 2006 (3)
- October 2006 (1)
- August 2006 (2)
- July 2006 (1)
- June 2006 (1)
- May 2006 (1)
- February 2006 (1)
- January 2006 (4)
- December 2005 (8)
- November 2005 (7)
- October 2005 (5)
- September 2005 (5)
- August 2005 (8)
- July 2005 (11)
- June 2005 (16)
- May 2005 (14)
- April 2005 (5)
- March 2005 (7)
- February 2005 (15)
- January 2005 (15)
- December 2004 (1)
- November 2004 (5)
No comments:
Post a Comment