Wednesday, July 16, 2008

Pilipinas Kong Mahal?


Kamusta naman ang pinas? Kung di ba naman talaga ako mababadtrip o. Tumaas na naman ang pamasahe sa dyip. From 8 pesos e 8.50 pesos na. Sabi sa balita matagal na daw pinepetisyon yan ng mga dyipni drivers, ngayon lang naaprobahan. Mababa pa nga raw iyon kung tutuusin kasi mag fifile sila ulit ng petisyon para gawing 10 pesos na ang pamasahe. Lintik! Napaka selfish naman ata nung move na yun. Langya sa tuwing magtataas ng gasolina heto ang mga drive orgs na magplaplano ng mass transporation rally para mapayagan silang magtaas ng pamasahe. Di ba nila alam na may kaanak din silang namamasahe?

Ang sa akin lang naman, imbes na magwelga sila tungkol sa pagtaas ng pamasahe? Why not idamay na rin nila ang pagtaas ng sweldo naming mga manggagawa. Tingnan mo mas mapapakinggan naman talaga sila, dahil malaking perwisyo kung walang dyipni na byabyahe sa kalsada. Di tulad ng mga unyon ng manggagawa, kailangan pang lumiban sa opisina makasama lang sa mga rally na yan. Di rin naman pakikinggan.

Eto ang bagong balak gawin ng gobyerno, ang gawing 80 pesos ang bayad sa mga empleyado ng opisina. Dyos ko po! E ang bigas nga 45 pesos per kilo (eto na yun pinaka matino a), tapos 80 pesos? Asus! Saan kaya pupulot ng karadagan pera ang mga pinoy para sa pang-ulam? Sinubukan ko ngang bumili ng NFA, naku naman 18.50 pesos nga per kilo di mo naman makain. Eto yung mga tipong durog, marumi at may amoy na bigas. Hindi sa nagiinarte ako, sa akin lang naman makakatipid ka nga di mo naman makakain.

Eto pa, ang bill naman sa tubig na kadalasan di umaabot ng 1000 pesos ay sa ngayo'y pumapalo sa halaga 1600 pesos. Nagsimula ang biglaan pag taas ng pinalitan ang mga linya at metro ng kuntador sa lugar namin. Huwag nilang sabihin na iba ang kunsumo namin ngayong nakalipas ng buwan kaya ganun na lang kalaki at akyat ng presyo. Naku naman! Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo nyan. Mahigit 10 taon na gumagamit at nagbabayad kami ng wala pang 1000 pesos ngayon makalipas lang ng isang buwan pagkatapos nilang palitan ang kuntador e sisingilin nila kami ng 1600 pesos. Tsk tsk tsk ...

Ay naku ... Kamusta ka na talaga Pilipinas???

2 comments:

Kat said...

naku, sasabihin ko pa naman sanang "bakit lahat tumataas except ang sweldo ng mga tao!?"

sino ang dapat sisihin, kuya airwind?

Anonymous said...

aba pota wag ako ang sisihin niyo ah... andito lang ako sa bahay at nagsusurf lang... hehehe =))

dapat nga siguro eh mag mass rally din ang lahat ng empleyado at wag pumasok ng isang araw at mag lagi lang sa bahay...

tingnan ko lang kung kumita pa silang lahat sa araw na yun pati ang mga naninigil ng sampung pisong pamasahe sa jeep hahaha lol =)))

shet nagugutom na talaga siguro ako hehehe =))

Blogroll

Labels

Counter