Monday, June 23, 2008

Everybody is talking about Frank

Ayan tumama rin ang panahon. Umuulan na ulit. Di ko sinasabi na gusto ko ang Bagyo a, but i really miss the rain yun nga lang nasobrahan naman ata, binigyan tayo ng bagyo. Wehehe .... tutsal ang name ng bagyo a? Frank ... nasaan na sila Dodong at Melenyo? Wehehe.

Nung nakaraang araw kahit sobrang lakas ng ulan e pinapasok pa rin kami sa opisina. Lam mo naman sa call center? Walang bagyo-bagyo o holiday. No choice, nagbaon ako ng payong at jacket. Buti naman at nung papasok ako e wala pang masyadong ulan ambon pa lang. Humagupit ang bagyo bandang madaling araw na. Kahit nasa loob kami ng opisina mararamdam mo ang kakaibang lamig, di yung galing sa aircon a? Ang sarap tuloy matulog. Paglabas namin ng opisina para mag break. Ayun sumisipol na ang hangin at basang-basa na nang ulan yung harap ng opisina namin.

Alas siyite ng umaga ang labas ko. Napagdesisyonan ng opisina na mag-hire ng bus na maghahatid sa aming mga emplayado sa mga piling lugar. E tiga-QC ako tapos ang huling station na hihintuan ng bus e Cubao. Bitin! Wala rin ... Mga 3 sakay pa ako mula roon. Sabi ko hindi maganda ito, malamang makarating nga ako ng Cubao pero maiistranded din naman ako mula roon. Tinext ko si Laryuki, sabi ko punta muna ako sa bahay nila para magpalipas ng ulan tutal malapit lang naman ang bahay niya sa Cubao. Habang hiniintay ko ang sagot niya, tumawag ang pinsan ko at sinabing sumabay na lang daw ako sa asawa niya pauwi ihahatid daw ng asawa niya ang pamangkin ko dito malapit sa opis namin. Ligtas!!! Sobrang laking pasalamat ko. Ni text ko ulit si Laryuki para sabihin salamat at hindi na ako makakapunta sa bahay nila.

Alas niwebe na ng dumating ang pinsan ko sa opisina. Sa Edsa daw ang daan namin dahil siguradong lubog na ang Maynila sa mga oras na yun. Sa daan, maraming puno ang talaga naman hugot ang ugat mula sa lupa. Mga poste ng kuryenteng tumumba. Natakot ako para sa bahay ko.

Alas diyes ng makarating kami sa bahay. Ilang baha din ang dinaanan namin bago makauwi. Buti na lang at hindi tumirik yung sasakyan.

Pagpasok ko ng gate sabi ng maliit kong pamangkin na basang-basa daw ang pinto ng bahay ko. Brownout ang buong lugar namin. Pero nakahinga ako ng malalim nang makita kong walang nilapad na bubong at buo ang dingding ng bahay ko.

Pagkabihis at pagkakain ng agahan, nilapat ko na ang pagod kong likod sa sofa. Di ko namalayan nakatulog na ako sa sipol ng bagyo at paunti-unting anggi ng ulan sa aking mukha.

4 comments:

Kat said...

sosyal na nga ang pangalan ng bagyo noh? Frank. Nuon pangalan pa nga ng babae pero naubusan na yata, :) maulan din dito sa negros.. pero di kasinlakas jan siguro.

Anonymous said...

It was Signal #8 dito (#4 in Pinas), pero di tumagal, dumaan lang. It was lowered few hours later until around 10:30pm, so wala na si Frank.

It was only minor, I'd wish tumagal para di na ako pumasok anoh?

sadako said...

malakas yung bagyo pero mabilis lang sya. Alas onse ng gabi tumamadito sa amin. Mga bandang 5 wala na rin yung bagyo. Buti nakauwi ka ng maaga

Nick Ballesteros said...

Grabe yung nakaraang bagyo ano? Dala na rin ito malamang ng global warming kaya malalakas ang mga bagyo. Kelangan na talaga natin maging environmentally-conscious.

Blogroll

Labels

Counter