Wednesday, March 26, 2008

Im Home

Nahihiya ako sa wordpress at sa blogspot. Akalain mo konting glitch lang sa system nila hanap na ako ulit ng bagong blogsite.

Pero eto ako ulit ngayon nagbabalik sa luma kong bahay. Ika nga nila there is no place like home.

Masyado ako nahirapan sa wordpress ... tama si K libre nga yung site but there are some limits. Even the posting part hindi ko ma-gets. Whenever i try to put pics on my post, nagugulo yung entry ko. Nandyang nagiiba ng font, nawawala yung alignment o kaya sabog-sabog talaga sila. *sigh* i miss blogging so much that i just want to do the basic ... none of those thing-a-magic widgets or blah's ... pero hindi ako magsasalita ng tapos. Kasi i might add some later on. Ayoko magsalita ng tapos.

Anong nga bang nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan.

Nung February ... naouting kami ng college friends ko sa Puerto Galera. First time ko makapunta kaya naman nangapa pa kami sa gastusin at lugar na matutuluyan. Ang masasabi ko lang ... maganda ang puerto galera, mura at talaga naman enjoy. Yun nga lang bad timing yung punta namin kasi tag-ulan. 3 days and 2 nights kami doon. Pero dalawang beses lamang kami nakaligo kasi nga may bagyo. Malalim ang dagat at ang lamig. Kaya wala kaming magawa kundi tumambay at uminom na lang sa room namin. Mga 2K lang ata ang nagastos ko lahat ... 1000 pesos sa pamasahe ... 1000 yung room per day (6 kami kaya tig-500 kami) yung rest pagkain at pasalubong. Mura ang pasalubong sa galera at ang pagkain ... hanep di ka magugutom ang daming karinderya at resto na masarap at mura na makakainan.







Puerto Galera '08

Siguradong babalik ako .... ibang tao naman ang kasama.
Wala akong masyadong pictures kasi na low batt yung camera at wala akong dalang charger. Kaazar!

Sa susunod na linggo sa Ilocos naman kami ng mga dating kong kaopisina ... ill update my blog again sa susunod.

2 comments:

Anonymous said...

Wind, I'd bet your visual editor over at wordpress account was turned on. That way, you need to use HTML codes when posting photos or knows how to use of text-style configuratively.

I think for me wordpress is still the best platform for blogging, talking about simplicity and user-friendly.

What exactly are you trying to do when you write? Change colors, text size, etc?

Well, welcome back to BLOGSPOT, if you find it easier here, I'm glad you're back to blogging.

Airwind said...

:K: salamat K for always being nice and helping me how to blog ... wala lang siguro ako time to read and learn di tulad dati nung nasa sales pa ko i have all the time to learn how to blog.

What exactly are you trying to do when you write? Change colors, text size, etc? - all i think ...

Again tnx i appreciate ur comment a lot.

Blogroll

Labels

Counter