Thursday, March 27, 2008

Tag Action

I wasnt Tag but i like this one from Kat ... so im tagging along ....

Looking back 4th Yr High School - Q&A


What section were you?

- Amethyst .... pangalawa sa mataas *ahem* Diamond daw kasi ang una ... katuwa nga kasi nung una kong malaman ung magiging section ko di ko lam ang spelling wehehe.


Who were your seatmates?

- alphabetically arangged kami kaya e F ang first letter ng last name ko kaya sa gitna ako ni Jomar G at Gene F.


Still remember your English teacher?

- oo naman, si Ms. Blaza. Teacher ko rin siya nung second year ako .. siya lang ang nagbigay ng 79 na grade sa akin kaya di ko siya makakalimutan at dahil lang yun sa pang-aasar ko dun sa favorite student niya na may putok. :(


What was your first class?

- Math, adviser ko yung teacher ko kaya madalas sermon lang ang nagagawa namin kesa magklase.


Made friends to the lower years?

- Yes, friendly ako nung highschool and some of my classmates from third year were transferred to lower class. But i dont mind the difference, to me may mga bagay na may alam sila ni hindi ko alam. So i think its fair. Its just numbers.


How was your class schedule?

- pang-umaga ako 7am to 3pm. Pero most of the time nag stay ako sa school up to 5pm kasi naglalaro ako volleyball.


Made any enemies?

- nung 4th year ala ... pero nung second year their is this one guy na binu-bully ako. Ni-iislash nya yung folder ko gamit yung cutter niya. Badtrip yun! Nagsapakan kami sa klase. Ending bugbog ako kasi maliit ako nung highschool.


Who was your favorite teacher?

- Ms. Manalo (Physics) kasi she let us play charade during her time ... wehehe


What sport did you play?

- Volleyball, sumasali pa nga kami ng school intrams and for 2 consecutive year (3rd and 4th yr) kami ang nanalo. Yabang! wehehe


Were you a party animal?

- noon naman di pa party animal ang tawag ... more of haliparot ... hehe .. yung teacher ko nga sa social studies tawag sa akin manok kasi di ako makapag stay sa isang chair lang. Wehehe.


Were you well known in your school?

- within our class OO! At saka dun sa mga naging kaklase ko pero sa buong school, hindi ata ... im an average student.


SKIP CLASSES?

- Yes, THE (Technology and Home Econimics) lalabas kami to play sipa. Pano ba naman tahi ng tahi ng cross stich sa class na yun ... Di ko type .. wehehe


Did you get suspended/expelled?

- Di naman umabot sa suspension .. thank god!


Can you sing the alma mater?

- opcors!!! hanggang ngayon kabisado ko pa!


What was your favorite subject?

- Science, basta i enjoyed exploring things and finding answer to some questions na di mo ma-explain.


Did you go to the dances?

- sumali ako sa Dance Troupe nung second year ako ... we used to compete and do shows sa mga hotels and events. Mga folk dances ang kadalasang sinasayaw namin. Pero i decided to quit nung 3rd year kasi bumaba ang grades ko.


Where did you go most often during breaks?

- there are times na umuuwi ako sa bahay kasi 2 blocks lang naman ang layo ng house namin sa school, kaya lang bawal lumabas kaya kapag di ko nakalusot sa guard sa canteen na lang.


What did you do on the last day of school?

- nagpalitan kami ng letters ng mga classmates ko .... nagsaoli ng toga sa adviser ko ...



Sobrang saya ng Highschool ... tamang walang masyadong intindihin .. parang you are torn between being an adult and still think and act like a kid but still nobody cares ..... *sigh* ang sarap balikan.





Wednesday, March 26, 2008

Im Home

Nahihiya ako sa wordpress at sa blogspot. Akalain mo konting glitch lang sa system nila hanap na ako ulit ng bagong blogsite.

Pero eto ako ulit ngayon nagbabalik sa luma kong bahay. Ika nga nila there is no place like home.

Masyado ako nahirapan sa wordpress ... tama si K libre nga yung site but there are some limits. Even the posting part hindi ko ma-gets. Whenever i try to put pics on my post, nagugulo yung entry ko. Nandyang nagiiba ng font, nawawala yung alignment o kaya sabog-sabog talaga sila. *sigh* i miss blogging so much that i just want to do the basic ... none of those thing-a-magic widgets or blah's ... pero hindi ako magsasalita ng tapos. Kasi i might add some later on. Ayoko magsalita ng tapos.

Anong nga bang nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan.

Nung February ... naouting kami ng college friends ko sa Puerto Galera. First time ko makapunta kaya naman nangapa pa kami sa gastusin at lugar na matutuluyan. Ang masasabi ko lang ... maganda ang puerto galera, mura at talaga naman enjoy. Yun nga lang bad timing yung punta namin kasi tag-ulan. 3 days and 2 nights kami doon. Pero dalawang beses lamang kami nakaligo kasi nga may bagyo. Malalim ang dagat at ang lamig. Kaya wala kaming magawa kundi tumambay at uminom na lang sa room namin. Mga 2K lang ata ang nagastos ko lahat ... 1000 pesos sa pamasahe ... 1000 yung room per day (6 kami kaya tig-500 kami) yung rest pagkain at pasalubong. Mura ang pasalubong sa galera at ang pagkain ... hanep di ka magugutom ang daming karinderya at resto na masarap at mura na makakainan.







Puerto Galera '08

Siguradong babalik ako .... ibang tao naman ang kasama.
Wala akong masyadong pictures kasi na low batt yung camera at wala akong dalang charger. Kaazar!

Sa susunod na linggo sa Ilocos naman kami ng mga dating kong kaopisina ... ill update my blog again sa susunod.

Blogroll

Labels

Counter