Hindi ko alam kong ako lang ang nakakapansin. Pero sadyang may mga kapwa tayong mga kaugalian na talaga namang nakakainis o dili kaya naman ay nakakahiya.
Isa na namang kasabihan ng mga tiga kanto. "Samantalahin mo na habang libre."
PASAWAY # 1
Ewan ko lang kung may aagree sa akin. Pero di ko alam pero banas na banas ako dun sa mga tao ng ang dami kung kumuha ng "libre" na newspaper sa MRT.
Kumukuha rin naman ako nung newspaper na yun. Pero isa lang!
Palagi akong sumasakay ng MRT. Dahil sa maaga ang uwi ko, madalas abutan kong may libre pa sa mga istasyon. Pampalipas oras sa loob ng tren kumuha ako nang isa. Nagulat ako ng yung lalaking kasunod ko kumuha ng isang dangkal ng libre sabay silid sa bag niya.
Inisip ko aanhin kaya nung lalaki yung sandamakmak na dyaryo?
Tinanong ko yung kasabay ko sa MRT, sabi niya pinamimigay daw nung iba. Huh? Di ko gets. Basta ako naiinis ako. Dahil ba sa libre kaya ganun?
Di ba't pananamantala na ring matatawag yun?
PASAWAY # 2
Isa ko pang kinababanasan ....
Yung mga intern na nurse (di ko sa nilalahat) hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang dami sa kalye pakalat-kalat na nurse. I mean yung mga naka scrubs a? Di ba yung mga uniporme na iyon ay dapat sinusuot lamang sa loob ng ospital at kapag lumabas na sila ng ospital e dapat magpalit sila ng pang sibilyan?
Di ko alam pero naiirita ko sa kanila. Para pinaglalandakan nilang Nurse sila. Ok fine!!!!
Meron pa akong nakita minsan na Nars na nakusalat pa talaga sa scrubs niya na it should only be worn inside the hospital, pero nakita ko siya sa loob ng Mall.
Paliwanagan niyo nga ako ..... Grrrrr ..... Nakikialam na naman ako. Grrr ..
Siguro kaya ginagawa nilang pamorma ang scrubs kase tingnan niyo naman yung piktyur. Spongebob!! Aba bongga!!
Update sa aking summer escapades
Munting Buhangin (Nasugbu, Batangas)