Saturday, March 31, 2007

Yun na nga PT.3

"Mom?" I whispered.

I hadn't said it in so long. When death takes your mother, it steals that word forever.

"Mom?"

It just sound really a hum interrupted by open lips. But there are zillion words on this planet, and not one of them comes out of your mouth the way that one does.

"Mom?"

- lines from the book "For one more day" written by Mitch Albom

Bagong libro na binabasa ko. Maraming nag comment na ngangamusta kay nanay. Masayang-masaya ang nanay.

Tumagal pa kami ng mahigit isang linggo sa ospital.

Nagdesisyon na rin sila Ate na umuwi ng pinas, simula ng tumawag sila't nakausap nila si Nanay sa telepono at nagpapaalam na. Himala nga e, kasi hindi na nakapagsasalita si Nanay. Pero sa pagkakataong iyon napakalinaw ng pagsabi niya ng "PAALAM' kay ate.

Oct 8, birthday ni Ate ..... nagdesisyon ang mga kapatid ko na umuwi dahil sa tawag na iyon.

Di ko lam kong ano magiging reaksyon ko pagdating ng dalawa kong kapatid.

Pero believe din naman ako kay Nanay, bed-ridden man siya di pa rin niya nakakalimutan ngumiti sa tuwing may mga dumadalaw sa kanya. Si Nanay talaga ...... minsan pa nga nagkatawanan kami kasi hindi ako nakilala ni Nanay nang pumasok ako sa banyo. Tinanong niya si Ate Grace kung sino daw ako. Nang sabihin ni Ate Grace na ako yung anak niya, medyo kumunot ang noo ni Nanay. Tawanan kami ....

Dumating ang Oktubre 10, mga ilang araw nang ayaw matulog ni Nanay. Nang minsang tanungin ko siya kung bakit. Ang sabi niya sa aking ay natatakot siya baka di na siya magising. Binantayan ko siya nun buong gabi.

Isang araw pinipilit siya ni ate na matulog, ang sagot ni Nanay "Natulog na ako, sa may hagdan." Di na ulit kinulit ni ate si Nanay.

Madaling araw ng Oktubre 16. Ako pa rin ang bantay ng Nanay. Di ko makatulog. Ala-6 ng umaga. Nag nebulizer ako kay Nanay. Iba na ang buntong hininga niya nun. Nagising ang mga tiyuhin ko at kapatid. Napansin din iyon ng tiyuhin ko. Inutusan kami ni Ate na bumili ng agahan. Iba na raw kasi ang hinga ng Nanay.

Pagbalik namin ni Ate sa kwarto, dala ang mga pinamili namin mula sa Jollibee. Di pa rin tulog ang Nanay.

Sinabihan ako nila Ate na matulog na. Mag-aalas siete na kasi ng umaga yun. Di ko makatulog. Iba na ang pakiramdam ko.

Nang bigla na lang ako ng nagulat nang ginigising na ako ni Ate. Pag tingin ko sa orasan ng ospital ala-dose na pala ng tanghali. Ang bungad ni Ate "Wind, tingnan mo si Nanay." Nakita ko yung isa kong kapatid, hawak ang isang bunto ng tissue paper, pinupunasan yung bigbig ni Nanay. "Nakadalawang rolyo na kami ng tissue paper" sabi ni Ate. Pagtigin ko kay Nanay. Malalim na ang kanyang mga mata.

Nagkagulo na kaming lahat .........

Blogroll

Labels

Counter