Im sitting on the street, trying to write something for you my blog.
Its been six months, di ko man lang akalain na ganoon lang pala katagal and ii-stay ko dito sa Dubai. At exactly, 4:30PM (PHP time) balik na ulit ako sa pinas.
Sa anim na buwan na iyon, marami akong natutunan di lamang sa sarili ko kundi kong paano ang mabuhay.
(PAUSE)
"Dumaan yung manliligaw na Syrian nung kapitbahay namin" Akalain mo dito sa Dubai maraming pinay ang nagboboyfriend ng ibang lahi, sa isang universal na kadahilanan kundi "suporta." Hindi naman sa nilalahat ko ang mga pinay dito, dahil dalawang ate ko rin naman ay nandito. Pero dito pa lang sa Villang tinitirhan ko ay ganoon na ang siste. Yung kapitbahay ko nga mahigit ilang taon na ditong visit visa at umaasa lang siya sa mga BF niya (ginamit ko ang salitang "mga" kasi 3 ang lalaki niya dito "briton, lokal at syrian") . Tawag nga nila dito SK o sagot sa kahirapan. BF niya yung nagbabayad ng upa sa bahay, yung pagkain niya, yung mga pambili niya ng damit at kung ano-ano pa. Nakakahiya man itong sabihin pero siguro kapit sa patalim na lang sila dito sa Dubai.
Nalaman ko rin na dito sa Dubai bawal ang uminom. (SHET!).
hehehe Ke magbenta 0 makita ka lang na may dala ay hala diretso ka sa kulungan. Yun namin kasi ay sa kadahilanang, bawal sa muslim ang alak. Pero iba talaga ang abilidad ng pinoy, ngayon nga lang habang nasa labas ako naririnig ko agad yung mga kapitbahay namin na nagiinuman. Pinsan ko na nga lang may kontak na pinoy na nagbebenta ng alak, yun nga lang patago. Tipong home delivery lang, nakabalot sa diyaryo yung i-norder mong alak.
Isa pa, mahirap maghanap ng trabaho dito, lalo na't Summer (Nagsisimula ng May-Aug). Bukod sa umaabot sa 45 degrees ang init e nagbabaskasyon ang mga may-ari ng kompanya, kaya't ang siste iiwan mo lang ang Resume mo at pagbalik nila sa September ka pa iinterbyuhin.
Di lang iyon, napakamahal ng upa dito sa Dubai. Yung ngang kwartong "
take note kwarto" tinitirhan namin ang upa e DHS 2400 (o mahigit 30K sa pesos) di pa kasama diyan ang bayad sa ilaw at tubig. Anim kami na umuupa sa 4 na dipang laking kwarto. Dalawang double bed at dalawa kaming lalaki sa lapag. Maayos na nga maituturing yung kwarto namin kumpara sa mga inuupahan ng ibang kababayan natin. Kasi yung amin may sariling banyo at kusina. Yung iba 12 silang nagshe-share ng banyo. Mantakin mo yun. Kwento nga ng isa kong kasamahan sa trabaho, kapag ihing-ihi na siya pinipigilan niya na lang kasi may tao sa banyo.
Wala masyadong kaming problema sa pagkain kasi si Ate Elsie naman ay nagtratrabaho sa supermarket. Paminsan-minsan naguuwi siya ng buto-buto yung pang bulalo o kaya naman ay ulo ng pink salmon. Yung naman kasi ay tinatapon lang nila, kasi yung mga puti di nila kinakain yun. Kaya yung mga pinoy ng staff iniipon, tapos inuuwi nila sa bahay.
Kaya naman isa lang ang masasabi ko, kung may balak kang mag-Dubai o mangibang bansa siguraduhin mo lang na malakas ang loob mo at sapat ang dala mong pera. Mahirap pa naman matiwala sa isang lugar na di mo pagmamay-ari. Nakakalungkot man .... Diyos lang kasama mo rito ....