Friday, December 30, 2005

Playing with the Camera

For this past few days, naging busy ako kasi nandito ang "ATE." Never ata kaming natinag sa loob ng bahay, after christmas we went to different places and boy i cant stop to get hold of Ate's camera and take pictures. I always wanted to take a small course about photography, perhaps blogging might be one of the reason that i got interested. Simula ng pinakilala sa akin ni DADA ang deviantart sobrang na-inspire ako sa mga nakita kong shots ng mga amatuers na pinoy photographer, lalo na nung makakita ako ng mga photoblogs katulad ng kay Ka Jeff. Kaya naman when Ate brought her camera with her, hala nangangati ang kamay ko sa kaka-clik!! Kodakan na!!!

~pakiclick yung word na "kodakan" kung nais ninyong makita yung iba ko pang kuha~

Sunday, December 25, 2005

Kakaibang Noche Buena

M E R R Y C H R I S T M A S ! ! !

Dumating na si Ate Arlin at si Russelle last night and boy it was so trapik. We supposed to fech them at 5pm but we got there at 730pm. OA man kung OA pero sobrang trapik. Pero as Ate Arlin's says ok lang daw kasi medyo natagalan pa sila sa loob ng airport. Galing kasi silang singapore, namasyal sila for two days ng friend niyang si Russelle. Kumain muna kami sa may kalaw, dun ba sa malapit sa manila view. They served seafoods at that resto pero all i can say is what a waste of money. Sorry pero hindi kami nag-enjoy sa food nila.Napaka walang lasa at napakamahal. But the heck, we are so dead hungry coz we havent eaten lunch yet, so no choice. We stayed overnight at Ate Sonia's house as expected kasi pagod na kaming lahat.

The next morning, hindi na kami nagsayang ng oras. We went to SM Fairview to eat lunch. Here our picture:

Left to right: Ninong, Ninang, Nanay, Ate Arlin, Mira , Kuya Rowen at Ate Sonia

Food trip kami sa "Congo Grill" kasi nga mahilig ang family namin sa pinoy food at bukod pa sa namiss din daw ni Ate. Mabuti rin itong pambawi sa experience namin kahapon dun sa nakainan namin sa baywalk. At ang masaya pa dito mas nakamura pa kami.


" Di naman obvious na nagenjoy ako at nabusog. Wehehe"

*sigh* ilang tulog na lang .... :(

Thursday, December 22, 2005

A Different Kind of Christmas List

Napa-aga, ayon sa mga nakasama ko nung medical yung alis namin. Imbes na Jan 10 ay naging Jan 8 na ito.

Lintik! Lalo akong di mapakali, hindi ko alam ang reaksyon ko. Pucha! Ilang linggo na lang yun a? Eto ang listahan ng mga ginagawa ko sa mga nakalipas na araw na alam ko tatatak sa isip at alaala ko.

TASK # 1 - i-mit ang mga highschool friends

~ niyaya ko ulit ang mga kaklase ko nung highschool na mag-divisoria. Na talaga namang nakagawian na naming gawin. Napagusapan din namin na lalabas kami sa 28th, tutal kaarawan ni Sharry sa 29th.

~ nagkataon na nagkita kami ni Jaime sa Greenhills nung isang gabi, at nasabi ko sa kanya na may gimik kami. Sakto kasi bday niya raw sa 27 so sasama siya. Dumalaw siya dito nung isang gabi. Isang araw makalipas ang pagkikita namin. Sinamantala ko na. Pinuntahan namin si Russelle na malapit lang din ang bahay dito sa amin, nagkayayaan kami na kumain ng Pares.

TASK # 2 - ipaalam sa mga naging kasamahan ang aking pag-alis

~ inuna ko na ang mga kasamahan ko ngayon. At talaga naman kakaiba dahil personal ang pagkasabi ko sa kanila. Merong umiyak at meron din naman natuwa para sa akin. Lahat yun sobrang na-aapreciate ko talaga.

~ sinubukan kong i-text ang dati kong kaopisina sa ePLDT. At hindi naman ako napahiya kasi agad akong tinawagan ni mia at nakapag kwentuhan kami ng halos 4 na oras sa telepono. Isa lang ang nasabi sa akin ni MIA "hanapan ko raw siya ng trabaho. "

~ tumawag na ako sa mga naging ka-close ko sa tridel. Lahat sila tuwang-tuwa dahil alam nila siguro ang ginhawang maidudulot nito sa akin. Kaya naman nagpapasalamat ako.


TASK # 3 - ibalita sa mga kabarkada ko nung college

~ noong nakaraan 17th e nagbirthday si Pol, kaya naman sinamantala ko ang okasyon para masabi sa kanila ang pagalis ko. Malungkot dahil napalapit talaga sa akin ang mga tropa ko nung college. Pero lam ko naman na kahit ano mangyari nandiyan lang sila

TASK # 4 - makisalamuha sa mga mabubuting kong kapitbahay.

~ kagabi lamang ay nagcelebrate si Noriel (isang kababata) nang kanyang kaarawan. Kaya naman halos buong araw akong ala sa bahay ang tumutulong sa kanyang paghahanda. Jackpot na rin kasi naging ka-crew ko rin si Noriel sa Jollibee kaya naman naimbitahan niya ang iba namin kasamahan.

Hindi naman siguro kahambugan ang ginawa kong pagsabi sa kanila na aalis na ako. Dahil hindi rin naman lahat ng nakasalamuha ko ay sinabihan ko. Sapat na sa akin na malaman nila ang estado nang buhay ko. Dahil para sa akin wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung hindi ko sila nakilala. At doon pa lang ay malaki na ang pasasalamat ko.

Monday, December 19, 2005

Talking to Myself

Ive changed my wallpaper today, before i used to have one of our photos taken from EK. But now i'd change it to a wallpaper taken from a website.

As per last entry, i was planning to file my resignation sa current job ko. But instead, ive been AWOL for 3 consecutive days. Not that i was sick ... im just very confused, frustrated and tired of thinking. Ask me why? My answer will be i still dont know ...

Natanggap ako sa trabaho papuntang Dubai. I already sign the contract last Saturday. If all my requirements are through before this 23rd. By Jan 10, ill be saying goodbye to my home "PILIPINAS."

I dont wanna talked about the reasons kung bakit nagAWOL ako, kasi i know that im partly to be blamed about it. So might as well skip that.

Just right now i already miss all my friends. People whom i knew for the last 22 yrs that im here sa pinas. Call me madrama. I dont care. But yes i really do missed them. Im already thinking of things that i cannot do once im already there. People whom i talked too everytime i have a problem or just to have someone that i can talk too.

Im counting my days ... as if im about to die.

Thursday, December 15, 2005

This Gives me an Idea


Read these from this site (PAKI-CLIK) Natataon sa binabalak ko. Nyaahaha ... Kwento ko sa susunod na entry ko yung details. Sa ngayon eto muna ....

Dear Mr. Baker,

As a graduate of an institution of higher education, I have a few very basic expectations. Chief among these is that my direct superiors have an intellect that ranges above the common ground squirrel. After your consistent and annoying harassment of my coworkers and me during the commission of our duties, I can only surmise that you are one of the few true genetic wastes of our time.

Asking me, a network administrator, to explain every little nuance of everything I do each time you happen to stroll into my office is not only a waste of time, but also a waste of precious oxygen. I was hired because I know how to network computer systems, and you were apparently hired to provide amusement to myself and other employees, who watch you vainly attempt to understand the concept of "cut and paste" for the hundredth time.

You will never understand computers. Something as incredibly simple as binary still gives you too many options. You will also never understand why people hate you, but I am going to try and explain it to you, even though I am sure this will be just as effective as telling you what an IP is. Your shiny new iMac has more personality than you ever will.

You walk around the building all day, shiftlessly looking for fault in others. You have a sharp dressed useless look about you that may have worked for your interview, but now that you actually have responsibility, you pawn it off on overworked staff, hoping their talent will cover for your glaring ineptitude. In a world of managerial evolution, you are the blue-green algae that everyone else eats and laughs at. Managers like you are a sad proof of the Dilbert principle. Since this situation is unlikely to change without you getting a full frontal lobotomy reversal, I am forced to tender my resignation, however I have a few parting thoughts.

1. When someone calls you in reference to employment, it is illegal for you to give me a bad recommendation. The most you can say to hurt me is "I prefer not to comment." I will have friends randomly call you over the next couple of years to keep you honest, because I know you would be unable to do it on your own.

2. I have all the passwords to every account on the system, and I know every password you have used for the last five years. If you decide to get cute, I am going to publish your "favorites list", which I conveniently saved when you made me "back up" your useless files. I do believe that terms like "Lolita" are not usually viewed favorably by the administration.
3. When you borrowed the digital camera to "take pictures of your Mother's birthday," you neglected to mention that you were going to take pictures of yourself in the mirror nude. Then you forgot to erase them like the techno-moron you really are. Suffice it to say I have never seen such odd acts with a sauce bottle, but I assure you that those have been copied and kept in safe places pending the authoring of a glowing letter of recommendation. (Try to use a spell check please; I hate having to correct your mistakes.)

Thank you for your time, and I expect the letter of recommendation on my desk by 8:00 am tomorrow. One word of this to anybody, and all of your little twisted repugnant obsessions will be open to the public. Never f*** with your systems administrator. Why? Because they know what you do with all that free time!

Wishing you a grand and glorious day,

Tuesday, December 13, 2005

R.E.S.P.E.C.T


Hindi porke nakakatanda ka, e dapat galangin ka na!! Sa akin kung gusto mong galangin kita, ipakita mo at galangin mo rin ako. Ano pa man ang Estado ko sa buhay. Bata man o matanda ako sa iyo.

Ang respesto ay walang basehan ... makukuha mo lamang ito kung ikaw mismo ay mayroon nito.

Maraming nakakatanda na magsasabi sa iyo na wala kang galang. Bakit? Sila ba meron? Yung simpleng pagsakay nga lang ng dyip na nasaksihan ko kahapon ay isa nang maganda halimbawa. Yun matanda sasakay, e mas bata yun nasa estribo (yung malapit sa babaan) sapat ba naman sabihin nong matanda "tabi ka nga diyan, nakita mo nang matanda yung sasakay!" Nak maman ng tucha!! Ang bait nitong matandang ito a. Pucha pare-pareho tayong nagbabayad a. Pano mo pakikitaan ng respeto yun ganon. Ang masaklap pa isang guro yung tinutukoy kong nakita kong sumakay na pasahero. Malupet!!! Ano na lang kaya ang natutunan ng mga estudyante niya sa kanya.

Kaya't kung gusto mong respetuhin ka ng kapwa mo, ipakita mong karespeto-respeto ka!!!

Sunday, December 11, 2005

Behind All the Happiness Lies the True Meaning of Life

Halos lahat ng friends ko are asking me kung bakit di pa ko pumunta nang DUBAI? Both my sister are there. Ako na lang at nanay ko ang nandirito sa pinas.

Mahigit na rin ilang taon nagtratrabaho ang Ate elsie (panganay) sa Dubai, siya na halos ang sumuporta sa pamilya namin at nagpatapos sa akin ng pagaaral, simula nang maghiwalay ang mga parents ko. Nagtratrabaho siya sa isang grocery store bilang isang staff.

Si Ate Arlin (pangalawa) nito lang 2002 ata nagpunta sa dubai, nagtratrabaho bilang office staff ng isang computer firm doon. Kasama niya doon yung iba niyang barkada dito sa pinas.

Kaya't ganun na lang yung mga tanong ng mga close friends ko simula pa nung highschool. Na sa tuwing magkikita kami ang pambungad na tanong e "kelan ako pupunta ng dubai?"

Maraming nagbabaka sakali na makapunta doon, ako naman matagal nang pinipilit ng pamilya at kaibigan ko na pumunta. Ako mismo ang tumatanggi. Bakit kamo? Hindi ko alam. Masaya ako dito. Iba ang nararamdamang kong security dito sa pinas. Sabihin man nilang delikado dito! Malamang pa nga yun ang unang ma-miss ko. Brutal akong tao e. Wehehehe..

Ngunit noon yun, mamaya may interview ako sa isang agency na maaring magdala na sa akin sa lugar na matagal ko nang iniiwasan. Kung tatanungin niyo ako kung bakit? Praktikal na rason, katulad din ng mga sagot ng ibang tao. Wala man akong pamilya pa, pero para sa kinabukasan ko at para na rin sa nanay ko. Gusto ko maibigay ko lahat ng gusto niya at masuklian ko naman ang mga kapatid ko. At magagawa ko lamang yun pag nagpunta ako sa dubai. Masakit man sa loob ko pero "KAILANGAN."

Kaya't bahala na mamaya kung matanggap ako o hindi .....

Monday, December 05, 2005

Ang Pagdadalaga ....


No doubt that the film is really "Filipino made". Malupit!! Magaling at napakahusay. Hindi ako nagkamaling panoorin ang palabas na ito. Madalas ko na itong marinig at mabasa, overwhelming with positive reviews. Dito man sa pinas o sa labas. Ilan na ring awards ang napanalo ng pelikulang ito. Sinulat ni Michiko Yamamoto na siya ring sumulat ng pelikulang "Magnifico."

Isang pelikula tungkol sa 12 anyos na batang bading. Na nain-love sa isang pulis. Kung iisiping isa siyang "Gender sensitive" film ay nagkakamali kayo. Ipinakita nang pelikula ang pagmamahalan ng pamilya at kung ano ang tunay na estado ng bansa. Malamang nga yun ang dahilan kung bakit napansin ito sa mga international filmfest.

Pinoy na Pinoy!! Pinas na Pinas ang dating nang pelikula. Malamang nga kung nasa ibang bansa ka at pinanood mo ito malamang ma homesick ka. Bukod na lamang kung lumaki kasa loob ng Ayala alabang.

Aminado ako, halos pareho kami ng lugar ni maximo nang kinalakhan. Mula dun sa mga babaeng maiiksi ang damit na nakatambay sa labas ng bahay namin at hanggang doon sa manonood ka ng palabas sa kapitbahay mo na magbabayad ka. Lahat yun naranasan ko.

Ngunit ang ikinatuwa ko sa palabas ay kung gaano ipinahalagahan ang salitang "PAMILYA." Ulila man sa ina ang pamilya ni maximo, makikita ang pagsisikap ng kanyang ama na itaguyod silang 3 magkakapatid. Yun nga lang sa maling paraan. Mararamdaman mo na tunay at bukal ang pagmamahal na ipinapakita ng ama at dalawang lalaking kapatid kay maximo. Na kung iisipin, madalas sa isang pelikulang tagalog na ang ama o ang lalaki na kapatid ang siya mismong tumututsa sa isang miyembro nang kapamilya kung ito'y isang bading. Nakakatuwang isipin na hindi ko nakita yun sa pelikulang ito.

Mas pinahalagahan at binigyang importansya sa pelikulang ito ang salitang pamilya at tunay na kahulugan nang pagmamahal ...

Blogroll

Labels

Counter