Thursday, September 29, 2005

missing you

i decided to leave you
due to the fact that i loved you, so much
i pretend all through out these days that i can do it
but it seems that im wrong
seems that im not strong enough to let you slip away

here i am now, still saying that i can do it
that my life will still go on even if you're not around
trying to devout my whole attention to my work.
but im wrong everywhere i looked there is you ...
there is the sweet smell of your fingers ...
that surely my mind cannot erased.

given the chance to turn back time
ill probably choose to stay with you
even if it meant me not fulfilling my dream.
coz you to me is everything that i wished for ....

nakuha ko dun sa old post ko sa deviant account ko!! nakakatuwa... weheheh.. senti !!!! bwuhaha

Tuesday, September 20, 2005

shopaholik

nagtrip kami kahapon ng mgs highschool friends ko. we went to "bambang" at "tutuban." madalas naman ako pumunta nang tutuban pero pers time ko sa bambang.

Matagal ko nang naririnig ang ukay-ukay sa may bambang. Ngunit di pa ako naglakas loob na pumunta doon kasi nga hindi ko alam. Noong nasa ePLDT pa ako, madalas kaming pumunta doon, hindi pa ra magukay-ukay kundi kumain ng tapsilog. dinadayo pa namin yun ng mga kaopisina ko. Meron kaming kinakainan dun na sa halagang 25 pesos lang e may tapa, sinangag at itlog ka na (TAPSILOG) at ang masaya pa dun ay mayroong libre bagoong at kamatis. yum..yum..yum.....


Ngunit kahapon hindi yun ang pinunta namin, kasama ang highschool prends ko na sina maricar, sharry, at jomar.napagkatuwaan ng grupo ang pumunta at tutal dun rin nakatira yung isang kapatid ni maricar sa bambang, kaya't alam niya ang pasikot-sikot sa lugar. Nais ko rin kasing bumili ng bag na bago at sinabi sa akin ni Maricar na meron nga daw bag doon na branded pero sa murang halaga lang ibinebenta at matatawaran mo pa. san ka pa??

So pagkatapos naming magfood trip sa paresan. Dumiretso agad kami sa bambang. Pucha ang sarap pa lang mamili dun. Isa lang siyang palengke ngunit ang mga paninda e mga damit, sombrero, bag at kung ano-ano pa.Sa sobrang mura nang paninda may nakita nga akong mga NIKE na shirt na 250-350 pesos lang ang halaga at may iteketa pa ang mga ito ah ... tumingin din ako ng mga jacket, dahil nga malamig sa opis. Yung mga branded na jacket, nasa 600-850 ang presyo. WOW talaga. Ang nakakalungkot nga lang yung ipinunta ko na pagbili nang bag e nauwi sa wala. Kasi yung sinasabi ni maricar na maganda e nabili na raw. Malas talaga!!!

tip sa pagpunta sa bambang:

1. Bumili kayo dun sa loob ng palengke, huwag sa labas. Dahil mas mura sa loob. Pareho lang nang paninda.

2. Tumawad!! tumawad!!! tumawad!!! wag lang sobra, baka masasak ka na.

3. Matutong mambola rin nang tindera o tindero. Minsan pagmedyo feeling close kayo nung nagtitinda e. Mas mabibigyan ka ng malaking diskwento.

4. may isang pwesto sa palengke ng bambang na nagtitinda nang puro branded. Sa may bandang looban nga lang. Yun bang puro levis, mossimo, nike at kung ano pa.

5. Talasan ang mata... kasi meron din naman akong nakita ng mga imitation lang.

so tara bili na tayo sa bambang.. wehehehe

Wednesday, September 14, 2005

usapang mabait

ayoko sa taong mababait.... lalo na yung mga sobrang bait. una sa lahat, mahirap silang pakisamahan. hindi mo alam kong dapat ba akong mag po at opo sa kanila para magmukhang mabait din. Di ko lam kung dapat ba akong humingi palagi nang paumanhin sa tuwing makakagawa ako ng kasalanan.

madalas kasi sa mga mababait na tao yung masyadong balat sibuyas. konting kibot magagalit na, kahit na alam naman niyang nagbibiro ka lang. yung bang hindi ka na lang biglang papansinin. magkikita na lang kayo isang araw, tapos na ha o ho wala kang maririnig sa kanya. at ang nakakatuwa pa sa mga taong mabait, kahit galit na nakukuha pa rin ngitian ka o kaya naman ay tanguhan ka kapag nakikita ka. walanghiya... bakit kaya hindi niya na lang ako sapakin agad sa mukha o kaya pagmumurahin ako. mas gusto ko pa yun, at least nailalabas niya yung galit niya. at nalalaman ko rin yung mga pagkakamali ko. e kaya lang mabait nga e!! kaya hayun magpapanggap na walang nanyari, pero meron kang maririnig ng bulong-bulongan na may sama siya nang loob sa iyo.

hindi ko maintindihan. sabi nga nila mahirap galitin ang taong mabait. dahil iba sila kung magalit. Anong iba?? yung bang bigla na lang mananahimik at hindi ka kakausapin ni yung may salang tao e walang kaalam-alam na kinasusuklaman na pala siya.

kaya ako mabait ako... pero nasa lugar. galit ako kung galit ako at sinasabi ko kung galit ako. kasi ayoko ng nagiipon ng galit. lalo na't sa kaibigan ko.

diba ika nga nila kung kaibigan mo ang isang tao dapt sinasabi mo ang mga pagkakamali nila. kung nasaktan ka man nila dapat sabihin mo sila na nasaktan ka at wag na nilang ulitin muli. ganun lang naman yun diba??

Saturday, September 10, 2005

isa munang patalastas

its been so long since my last blog. im up on my 2nd week here at "ops". Pumuslit muna ako, ang susubukan kong magsulat ng entry.
Ilan minuto na lang maglologin na ako at kukuha na nang tawag mula sa mga kliyente ng dell.
Nakakamiss na yung mga panahon at oras na wala akong ginagawa kundi ang maging regular visitors ng mga blogger sa loob ng blog world. Naalala ko pa na madalas kong makita ang pangalan ko sa mga comment box ng ibang blogarista at kung hindi ako nagkakamali, marami na rin akong buhay na nakilala, mga taong hindi ko pa nakikilala ng personal ngunit naging bahagi na ng pangaraw-araw kong gawain.
Noon pagdating ko ng bahay o mapaopisina man. excited na excited akong magconnect sa internet, kasi mababasa ko na naman ang mga pakikihamok ng mga naituring ko nang kaibigan ko sa blog world.
Itong entry ko nagyon ay para sa mga naging kasama ko sa ilang buwang kong ginugol sa pagsusulat sa blog ko. Na laging nandiyan, mapawalang kwenta man o meron ang laman ng blog ko. Labis akong natutuwa sa inyong pagbisita at pagkokomento..... nawa'y kayo'y wag magsawa.
At kung pagbibigyan ako ng oras, hayaan nyo't dadalaw ulit ako sa mga site ninyo at makikibalita......

Tuesday, September 06, 2005

FOB

what a week, nagsisimula na ako sa operations, dahil pinayagan na rin kami sa wakas. so nung thurs, first day ko sa operations or as we call it here in call center "floor." na meet ko na yung teamates namin ni jenny at jhun. at isa lang masasabi ko, napakabait nila, sana lang ganon pa rin sila lumipas man ang ilang buwan. halo-halong personalidad, may masungit kunwari, may makulit, may maingay at may seryoso pero magaling manarantado ng customer. hehehe . syempre dahil bago ako, tahimik muna ako sa unang araw. pinakilala ako sa mga kateam ko at sa l2 (level 2 tech) namin at sa bago kung coach.

babae pareho ang l2 ko at coach, at pareho silang mabait. yun lang ang masasabi ko sa ngayon. aabangan ko na lang sa mga susunod na araw kung ano ang mangyayari....

Blogroll

Labels

Counter