Wednesday, August 31, 2005

S*** Happens

kung hindi ka ba naman talaga mababadtrip o. isipin mo pumasok ako today. knowing na this is my first day of work. pagdating ko sa opisina, sabi nung mentor ko dun sa transition bakit daw ako nag-AWOL kahapon? sabi ko huh? ang alam ko graduate na ko sa transition. kasi yun yung text sa akin ni jenny last friday. diba hindi ko nakapunta nun graduation dahil nagkasakit ako.

kinausap ako ng coach ko at ang sabi niya hindi raw pa ko graduate extended pa raw ako ng three days at ang kanyang rason e kasi hindi raw ako pumasok last fri. sucks ang babaw i wanst even because i fail or im not doing good. its just that hindi ako dumating nung last day o nung araw na nagbigay ng team assignments. shit talaga!!

ultimo nga si jenny ay nagulat, akala kasi niya kasama nya na ako sa operations, yung pala hindi. Sabi ko na lang sa kanya "ok lang text mo na lang ako kapag lunch ka na o bababa ka, para sabay tayo" kung di naman talaga badtrip na empty batt pa ko. so hindi ko rin natanggap yung mga text ni jenny. e nakadeploy na siya sa floor. ako nasa transition pa rin. *sus*

ang nakakainis, bago ako umuwi. kinausap ko ulit si coach at tinanong ko kung AWOL ba ako yesterday or not. sabi niya "pagiisipan pa raw niya." nak nang pucha!!! para naman kagustuhan ko yung umabsent? ang sabi niya pa he tried texting me daw? pero ala naman akong natanggap? sabi ko nga sa kanya hindi ko naman siya lolokuhin o kong may natanggap man akong text e malamang magreply ako at hindi ko naman siya dededmahin. hindi ako bastos!!! tsaka bakit hindi niya ako tinawagan? hindi ba't napaka-unprofessional naman ata na itext mo lang ang empleyado mo?

sabi niya pagiisipan niya raw.. mamaya malalaman ko raw kung AWOL ako o hindi... pucha!!! bahala siya!!!

Sunday, August 28, 2005

esmol world

Aga nang gising ko.. hindi ko nga lam kung bakit? kahit na 12Midnight na ako natutulog basta sumikat na ang araw dumidilat na ang mga mata ko....

Simula na ang trabaho ko sa martes. deployed na kami sa operations. sa madaling salita tapos na ang training. hindi nga ako nakapunta sa graduation namin kasi nagkasakit ako. aba akalain nyo dadapuan din pala ako ng sakit? nanyari lahat nun thursday ng umaga... sa pagkakaalam ko masakit lang yung tiyan ko at nagmamadali na akong umuwi nun. pagdating ko nang bahay at nakaraos na ko sa banyo .. biglang sumakit naman ang ulo ko. sabi ko baka kulang lang ako sa tulog, so tulog naman ako. nagising ako ng bandang 12. kasi namimilipit na ako sa sakit ng ulo ko, at sobrang giniganaw na ako. binili ako ni nanay ng alaxan at ininom ko agad. sabi ni nanay wag na raw akong pumasok kasi nilalagnat ako. nakatulog ako ulit pagkatapos ko na rin kumain ng tanghalian. nagising ako ng 5pm, sabi ko kay nanay ok na ako at pede na akong pumasok, sabi niya wag na lang daw, tumawag o i-text ko na lang daw ang boss ko at sabihing hindi ako makakapasok. sabi ko siguro nga wag na lang, nang makapagpahinga na rin ako. tsaka hindi ako pede maligo, ang baho ko naman ata nun pagdating ko sa opisina kugn papasok pa ako. kaya't hayun text ko si pj at sinabing hindi na ako makakapasok, na naintindihan naman niya.

Kahapon dumalo ako nang binyag ng aking pamangkin si Rona. syempre hindi ko ligtas sa papel ko sa tuwing may okasyon, ang maging isang photographer at tigakuha ang video. maaga pa lang ay pinapunta na ako ni ate son sa simbahan dahil syempre nga naman dapat kumpleto ang kuha ng binyag. dapat din una akong darating sa kainan dahil din sa kailangan makunan ang bisita habang pumapasok. ang nakakatuwa, napagkamalan tuloy akong photographer nung ibang bisita. aba'y sabihan ba naman akong "kunan ko daw silang pamilya?" sabi ko nga sa pinsan ko, pakisabi naman sa kanila kamag-anak din ako. Nginitian lang ako ng pinsan ko. sa buong araw nga nang okasyon e wala akong kuha dahil halos ako lagi ang nasa likod ng camera. pero oks lang!!! enjoy naman ako e.

isa pang nakakaaliw kahapon, balak ko sanang imbitahan si larry na pumunta sa binyag dahil na rin sinabay yung handa ni nanay nung bday nya. pero hindi ko na tinuloy dahil baka hindi rin pumunta o hindi naman magenjoy si larry. ang pucha nang lumingon ako sa bandang cr nung resto may nakitang akong pamilyar na mukha. naglalakad palabas nang banyo si mico kaopisina ko dati sa tridel na barkada ni larry. tinawag ko siya, siguro naka limang tawag ako hindi siya lumingon. nang pagtingin ko sa table na pupuntahan niya nanduon ang tukmol laryuki syempre hindi nawala ang pagmumurahan namin sa isa't-isa. tawa kami ng tawa. sabi ko nga sa kanya buti na lang at nanduon siya at may nakausap ako... iba talaga "esmol world"

Monday, August 22, 2005

timetable.....

tag-o-mania .. this one comes from jeff (mah artist)

twenty years ago
wala pa akong kaalam-alam nun ... 2 years old pa lang ako nun. baka nun time na yun pinupurga pa ako ng nanay ko.

fifteen years ago
im in grade 2, if im correct ito rin yung time na lumindol sa pinas. buti na lang absent ako nun sa klase. nagiigib ako ng tubig nang biglang umalog ang lupa. nagiiyakan kaming magkakamaganak nun sa bahay.

ten years ago
about to graduate elementary. still undecided kung ano ang manyayari sa buhay ko. all i think at that time is play, play ... and more play. bata pa kasi lolo nyo.

five years ago
i was in college nah... 1st year to be exact. never thought na magiging marketing student ako. ive met new poeple na talaga naman mga astig at hanggang ngayon e kasa-kasama ko pa rin.

three years ago
pa-graduate na ako ng college. nagtratrabaho ako bilang crew ng jollibee. cramming is the right word to decribe this year ... daming thesis at feasibility studies to pass.

last year
i was still in epldt ... up until september wherein i decided to resign and find a dayshift. taon para sa akin para makilala ko talaga kung sino ako. at malaman ko ang gusto ko. november rin na taon ito ipinanganak ang blog ko.

this year
been to 2 companies already. currently im back on a call center but start of the year i was employed as sales executive from a not so known ISP here in the phils.

yesterday
i went to SM with nanay and ate sonia's family. bumili ako ng bagong shoes.

last night
wala masyado nagluto ng dinner, tapos nanood ng live telecast ng pinoy big brother. then sleep....

today
may pasok ako mamaya .. first day. so normal day kapag may pasok at normal routine din.

tomorrow
pasok ulit sa trabaho *sigh*!!!

next year
uhhmmmm.... tough year i guess kasi mayaman na ako!! wehehe

five-ten years from now
resign na ako as an employee at mayroon na akong sarili kong business na talga booming in terms of market and profit status.

kayo naman ....

dada ---> tingnan ko nga ang malupit mong nakaraan

larry ---> tsong siguro naman hindi lang inom ang ginawa mo sa buong buhay mo?

butsok ---> sumusulat ka na ulit so baka naman sakaling masagutan mo ito.

Friday, August 19, 2005

one hell of a good news ...

as i said on my last post. today should be my last day of work, if i dont passed. but the good news is ... we've been extended for another week and instead of having our off every friday and saturday naging saturday and sunday na. thats make today my 6th day at work. ok naman kasi they are paying us ng doble. dapat lang

ang rason nila kung bakit kami inextend? kasi daw from 30% customer satisfaction. ngayon linggong ito our stat went up to 55%. wowee and for that our coach think na we are doing good and if given another one week extension baka sakaling mataasan pa namin yung mga nasa operations na.

sabi nga nung isang mentor sa amin ... "what a great recovery" at isang linggo lang yung pagitan... san ka pa!!

Tuesday, August 16, 2005

ako may sakit??

bakit ganun? hindi kaya't may phobia ako sa pagiging magisa. hindi ko alam at hindi ko maintindihan.

hindi ko kayang umuwi magisa ... hindi ko kayang lumabas o pumuntan ng kahit 1km lang mula sa bahay ng walang kasama. Natatandaan ko pa noon, hindi ko kayang pumunta sa pagupitan ng ako lang. kailangan may kakarag-karag akong isang kaibigan o kaklase bago ako makapagpagupit. ni hindi ko nga kayang pumunta sa mall ng magisa, lalo na ang kumain sa labas. pakiramdam ko lungkot na lungkot ako. na halos kawawa ako at parang may naririnig akong mga tinig na nagsasabing "kawawa naman siya?" paranoid yan ang tamang tawag sa akin.yan din ang turing sa akin ng dati kong kaopisina nang ikinuwento ko sa kanya kung gaano ako ka dependent sa ibang tao. Ni hindi ko pa ngang nagawang manood ng sine magisa e. muntik na, pero hindi ko talaga kaya, kaya't nangulit ako sa mga dati kong kaibigan, ayon nakakuha naman ako ng kasama, kaya lang ang masama dun ako na ang nanlibre kasi napilitan lang yung ugok na samahan ako e tinulugan pa ko habang nanonood nung palabas. *sigh*

maikwento ko lang yung 'bago-bagong pangyayari sa aking di maintindihang paguugali. nagkayayaan kaming makakaopisina sa client logic na magbreakfast sa likod ng IS sa may ortigas. kahit na malayo-layo sa opisina, oks lang naman kasi may tsikot yung isa kung kasama. apat kaming natuloy. si jenny, si potipot, ako at si PJ. nung uwian na heto hindi na naman ako mapakali. nagiisip ako kung kanino ako sasabay. kay jenny?? malamang hindi pede kasi ihahatid siya ni PJ. kay potipot?? medyo malabo kasi sa makati siya nakatira sa QC ako. taliwas yung daan namin.

tanong nyo kung kanino ako nauwing sumabay??? OO kay potipot!! tanga ba? oo na realized ko na lang na napalayo pala ako ng sobra nung nandun na ko sa makati at pasakay na nang dyip papuntang LRT station.... *sigh* ano b yan???

"AUTOPHOBIA = refers to an abnormal and persistent fear of being alone or of oneself."

Monday, August 15, 2005

dagok!!! *boink*

binigyan kami ng taning sa kompanya, buong batch namin. pag hindi daw namin na meet ang nakaset na standards nila ay wala na silang magagawa kundi paalisin kami.

hindi ko alam pero malaki daw kasi ang naging papel namin sa pagbaba ng "metrics" ng kompanya. lalo na't kung Customer Satisfaction ang pauusapan. 74% lang naman ang nais na makuha o ang target ng site. pero sa nakalipas na buwan pumalo ng 50% mahigit ang aming metrics. malaking porsyento ng pagbagsak ay dahil sa amin mga nasa transition team. sabi nila 30% ang nakuha ng buong batch namin.


biglang pampalubag loob, ini-extend kami ng isa pang linggo, pagbibigay pagkakataon na rin daw pa ra ipakita namin na karapat-dapat kami... sabi pa nga ng coach ko nakiusap lang daw siya sa site VP namin kaya't pag hindi pa rin kami pumasa wala na siyang magagawa, dahil yun ang kondisyon ang paalisin kami.

basta ako isa na lang ang nasa isip ko. "make or break" week ko ito. kung hindi pumasa ibig lang sabihin nun hindi ito para sa akin. pag pumasa edi SWERTE!

Saturday, August 13, 2005

bakit kamo ako hindi nakakapagblog???

*hikab* Goodmorning my blog!!! pucha mahigit isang linggo na kong hindi nakakapagsulat sa aking munting tahanan ahh... huh?? bakit kamo? pano ba naman ang "lolo" nyo paulit-ulit na lang ang araw. heto ang detalye:

- uuwi nang alas 7 ng umaga, pero madalas nagoovertime pa nang 1 oras sa kadahilanang kailanagan namin magmeeting pa, yung bang ireremind ng boss mo sa iyo yung lahat ng pagkakamali mo. tapos bibigyan ka ng date na kailangan pagnarating mo yun hindi mo na ginagawa yung katangahan mo.

- by 8:30am, kung hindi kumakain kami ng mga kaopisina ko sa jollibee o mcdo (kung minsan istarbak pag may pera) e nagaabang na kami ni jay-jay ng bus sa tapat ng megamall papuntang fairview.

9am - bababa ako ng kamias at sasakay ng dyip papuntang welcome rotonda. malamang makakatulog na naman ako sa biyahe. hindi ko lam pero enganyong-enganyo akong matulog kapag nasa dyip. yung bang kakaibang sensasyon na umaalog. pakiramdam ko hinehele ako. patok yun!!! malamang makakatulog ako. pero nadala na ko ng isang beses, nung lumagpas ako at umabot sa UST. pucha nahiya ako sa ibang pasahero. isa na ring dahilan na mas pinipili ko na lang magdyip ngayon keysa sa FX. kasi sa dyip pahinto-hinto medyo nagigising ako.


9:30am - nasa bahay na ko nyan. bibili ako ng ulam kay aling selya, dahil malamang ala akong kakainin sa bahay. madalas gulay ang binibili ko, bukod sa sustansya at mura. paborito ko talaga ang gulay (mabuhay kayo gata) wehehe

10am - nanood ako ng "beyblade" habang kumakain. pagkatapos papalipas oras nagbabasa ng kung ano-ano hanggang makatulog.

11am hanggang 7:30pm - tulog ang lolo nyo!!!

7:30pm - babangon kahit na masakit sa ulo, kakain ng hapunan. maliligo at magbibihis papuntang trabaho ulit.

8:45pm - pasakay na ng dyip papuntang munoz. makikinig sa mga tsismisan ng katabi. wehehe

9pm - nasa mrt station na ko ng north avenue. titingin-tingin sa mga pumapasok. nagbabakasakaling may makasabay na kakilala.

9:30pm - bababa ng ortigas station, maglalakad pupuntang emerald avenue. nagdarasal na wag sanang umulan kasi ayokong mabasa yung payong ko sa bag. wehehe..


yan lang naman ang pinagkakaabalahan ko ngayong mga nakalipas na linggo... tingin nyo?? masaya ako???

Saturday, August 06, 2005

lets talk about the past

nanood ako nang "fight club" kagabi. actuallly matagal ko nang naririnig sa dati kong kaopisina na maganda yung movie, pero nun nagtanong ako sa video city dito sa amin, ala na raw sila nun kopya nung movie.

so last night nung buksan ko yung tv ang nagtune in ako sa channel 23, sakto magsisimula pa lang yung movie.


sa mga hindi pa nakapanood, tungkol ito sa isang lalaki na hindi makatulog at nakaroon ng alter ego nang hindi niya alam.

napaisip ako, pagkatapos na napakagandang palabas na ito. na hindi kaya minsan e may mga desisyon ako na hindi naman talaga ako aware?

na yung alter ego ko ang nagdedesisyon para sa akin?

ilan kayang ako ang meron sa sarili ko?

Blogroll

Labels

Counter