Tuesday, August 26, 2008

Truth or Dare

Nayaya ako ng mga bago kung kaibigan sa Multiply na gumimik last Saturday sa 1920's sa may Sgt. Esguerra malapit sa ABS-CBN. Tutal ayoko naman masayang ang dayoff ko at kasama naman si Larry sumama na rin ako.

7pm-8pm ang usapan naming magkita. Pero 7:30pm e nasa bahay pa ako at nanonood ng celebrity duets season 2 ng channel 7. Iniintay ko si Bayani Fernandong kumanta. Wehehe.

Nakarating siguro ako dun sa lugar ng 8:30pm na. Ok pa naman kasi pasimula pa rin naman ang kainan at inuman.


"Si Juls, Oj at Larry"


"Chill lang sina Aryan at Cathy"


"Hindi ko sila kilala, sila yung mga nakaupo sa kabilang table"


"Loner kuno si Oj"


"Kinembotan tuloy ni Juls"

"Kembot lang talaga ni Juls ang gamot, wehehe"

"Chicks ni Larry .. ampotah"

"Bar Promo ... Laking tipid, diba?

"Oi kinilig"

Thursday, August 21, 2008

Juvenile

Napagtripan kong gawin subject ang tropa ng inaanak ko.

Sabi ko sa kanila ipapadala ko sa bantay bata yung mga piktyur na ito. Wehehe




Tuesday, August 19, 2008

Happy Birthday Nanay

Nung linggo nag celebrate si Nanay ng kayang ika-63 na kaarawan. Wala man ang mga kapatid ko rito sinamahan ako ng mga mabubuti kong kaibigan at kapitbahay sa kanyang bagong tahanan.













Ang ganda ng ilaw doon sa sementeryo kaya naman sinamantala ko nang kumuha ng mga litrato.



Saturday, August 16, 2008

Photo Ops

Pahinga muna ako sa blog tutal wala rin naman akong masususlat na matitinong post.

Sa mga dumalaw at nagiwan ng komento maraming salamat. Nakakataba ng puso ang pagbigya niyo ng panahon sa akin. Pasensya at hindi ako nadadalaw sa mga site niyo. Hayaan niyo makakabawi rin ako.

Sa ngayon post ko na lang yung mga piktyur na kinuha ko sa bago kong camera. Nilalaro ko yung macro setting ng camera.

Salamat ulit ate sa regalo, sana DSLR na sa susunod. Wehehe

Ni edit ko yung exposure ng mga pics gamit picnik

Enjoy!!!








Blogroll

Labels

Counter