Ito na ata ang pinakamatagal kung hindi nag blog. Naging busy ako sa multiply site ko at pag kuha ng pictures. Gusto ko man i-post dito yung mga pics e natatagalan at nahihirapan ako sa pagupload. Bukod pa sa hirap akong i-ayos yung mga pics sa site.
Pero ito ako nagbabalik. Ika nga ni ni Ka Gary V "babalik at babalik ka rin" wehehe.
Bilang unang post (una daw, wehehe) tingnan nyo na lang yung mga pics na kinuha ko sa ilang buwan na nawala ako.
Mahilig kong gawing test subject ang dalawa kong makulit na Apo. Opo apo ko na po sila. Wehehe
Nagbirthday ako sa Al's Bar (BF Homes, PQ) kasama ang mga bagong kong kaibigan sila Janice at OJ. Nakilala ko sila sa Multiply
Dumating ang mga pinsan ko from Canada kasama ang mga asawa nila
Pumunta sa UP diliman para suportahan ang exhibit ni Dada
Nakipagkita kina Mia at Stephen nang umuwi sila from Singapore
Tumambay sa Trinoma
Nakipag-get-together sa mga Client Logic friends ko
Bumisita sa Mahal kong Ina
Nagenjoy manood ng mga Cosplay Events
Higit sa lahat nag-enjoy at nakipaglaro sa tadhana. Nakisabay sa indayog ng buhay.
Dalawang taon na akong nakatirang mag-isa dito sa pilipinas. Walang magulang. Walang kapatid.
Lakas nang loob at paniniwala sa taas ang naging sandalan ko.
Maraming Salamat