Friday, July 07, 2006

A DAY IN THE LIFE OF A DUBAI EXPAT

Tulad ng sinabi ko, isusulat ko muna sa notebook ang entry ko. Tutal ala akong sariling PC dito. Plano ko once a week na lang ako mare-rent. Pansamantala isusulat ko muna sa notebook na bigay ng pamangkin ko.

Good news may malapit nang Computer Shop na nagbukas sa lugar namin, hindi ko na kailangan pang sumakay ng bus. Ayos naman yung lugar, dalawa lang ang pinaparentang PC dahil konti lang naman ang nagre-rent. Lokal ang may-ari si Ahmed, nagpakilala na ako para maging close kami at nang makahingi ako ng discount dahil may kamahalan ang renta sa kanyang shop. 5 dirhamos kada oras kumpara sa Satwa na 3-4 na dirhamos lamang.
Pero sulit kasi mabango dito, dahil walang PANA (indiyano) at higit sa lahat mabilis ang koneksyon.

Tuwing Huwebes o kaya Biyernes lamang ang oras ko para makapag-net.
Simulan ko ang istorya kahapon ng HUWEBES ....

9AM
Off ko today ... kailangan gumising ng maaga dahil pupunta ako sa bahay ni Ate Jane, dahil magaayos ako ng CV (Resume) ko. Dali-dali kong niluto yung "adobong manok" na kakainin at babaunin ng iba kong housemates. Naligo ng 10 minuto, sobrang init talaga dito, kumukulo ang tubig na lumalabas sa gripo. Buti na lang at nakabili si Kuya Rex ng drum na iniipunan namin ng tubig sa gabi para malamig ang pampaligo namin kinabukasan.

11AM
Di masyadong mainit, paglabas ko ng bahay. Ayos! Kaya naman sinamantala ko ang paglalakad papuntang bus stop. Mga 10 minutong lakad din iyon. Pagdating dun, 5 minuto nang dumating ang bus no. 12 na sasakyan ko. Hinanda ko na rin yung Dhs1.50 na pamasahe ko. Uupo ako pansamantala sa upuan ng mga babae dahil wala pa namang gaanong pamasahero ng ganitong oras.

11:30AM
Sinalubong ako ng pamangkin kong si Katrina, tinatanong niya ako kung dala ko ko yung PS2. Sabi ko hindi at nangako akong babalik sa susunod na Huwebes at maglalaro kami. Dun na rin ako nananghalian. Tokwa, Gigi at Kare-kare ang ulam. Di natuloy ang pagayos ko ng CV, kasi sira ang koneksyon ng internet sa bahay nina Ate Jane. (Napagalamanan ko hindi pa pala sila nagbabayad)

3PM
Sinundo na ako ni Kuya Rex at nagbalak na pumunta sa Deira, kung saan nakatira si Ate Arlin. Nang tumawag kami nang masabihan sila, nasa Burjuman Mall daw sila, Bday ng kaopsina niya. Nanlibreng kumain sa Mary Brown.

Namili muna kami ni Kuya, tutal sale dun sa mall. Nakabili ako ng isang Tshirt at nang pabango. Nakabili si kuya ng Sandals.

5PM
Sinundo namin si Ate Jane sa opisina niya dahil may Mega Sale daw sa may World Trade Center ng pabango, shades, bag at kung ano-ano pang branded na bagay. Kaya naman sumama na rin kami.

Walang Kwenta ang sale! Yung lang ang masasabi ko . Napakamahal pa rin ng bilihin. Pucha! Parang di sale.

Wala kaming nabili!

6PM
Hinatid namin si Ate Arlin sa Deira, pinakain kami ng gabihan. Longanisa, chicken noodles, scrambled eggs at yung natira nilang isang pirasong porkchop kagabi.

8PM
Nagpasama si Ate Arlin sa amin ni Kuya Rex na bumili ng cabinet.

10PM
Nakauwi na kami ng bahay ni Kuya Rex, balik sa pagluto ng gabihan si Kuya (Pinakbet). Ako naman naglinis ng kubeta. Iintayin namin ang aming ibang housemate bago kami kumain. Darating sila ng 12AM.

Nood muna kami ng TAGALOG MOVIE .....

Blogroll

Labels

Counter