Saturday, January 14, 2006

I Never Thought It Will Be Like This


Mukhang di muna ako makakapag-blog. Sa kadahilanang. Walang na yung computer ko sa akin. huwahhhhhh Binigay ko na sa pinsan ko. Akala ko kasi aalis na ako last week pa, yung pala hindi pa! Unang dahilan, e dahil na daw dun sa namatay na ruler. So bakasyon daw ang dubai ng isang linggo. Pangalawa, ayon sa agency nahihirapan daw sila i-booked kami ng flight dahil sa mag-sho-shopping festival daw dun. Maraming gustong pumunta. *sigh* Sabi baka sa Feb 3 na raw kami umalis dahil yung lang ang may open. Pero nasa waiting list na raw kami. So anytime before Feb 3 ay pede kaming umalis.

Sa ngayon hindi muna ako makakapagblog, ok lang din naman dahil napaka-routinary na naman ng buhay ko. Wala na akong ginawa kundi tumambay sa bahay. Di ko na nga lam kong matutuwa pa ako. Bahala na!!!

Sa lahat nang dumadalaw salamat po ulit!!! :)

Monday, January 09, 2006

Di Ko Ipagpapalit

Life was never the same without friends. Kaya naman im so blessed to have a long time friends. At sila ang mga highschool classmates ko.

Hindi pa rin natutuloy ang alis ko YIPEEE! at ang balita Jan 14th pa ang balik ng opisina sa Dubai. Kaya naman kahapon natuloy na rin ang so called "Despedida" party ko with my highschool friends/classmates.

Tama sila, pinakamasaya talaga ang Highschool days. Kaya naman wala kaming ginawa kahapon kundi pasakitin ang tiyan at halos maubos ang hininga sa kakatawa ng isa't-isa. Ultimo nga mga naging problema namin noon ay pinagtatawanan na lang namin ngayon. May kwento tungkol sa lovelife, may kwento tungkol sa mga notorious na kaklase, mga matatalino, mga teacher na naging paborito at syempre yung mga malulupet. Napakasarap balikan. Kaya nga lubos akong natutuwa kasi nandyan pa rin sila, mas masarap kasing ikwento at bumalik sa nakaraan kung yung kausap mo ay nandoon din sa panahon na iyon. Binasa namin ang mga liham namim sa isa't-isa noon at mawawala ba ang pagtingin muli sa mga litrato. Yun yung talagang sobrang hagalpak ako sa kakatawa. Pucha iba itsura namin noon lalo na yung mga sinuot namin nung Junior/Senior prom. (wala akong balak i post yung pics namin) Malupet!!!! Sabi ko nga sa kanila kailangan suotin nila yung bago ako umalis. Wehehehe .....

Pag-uwi ko nang bahay naalala ko may binigay nga palang sulat si Bevs, heto ang ikalawang page ng kanyang sulat.Salamat ulit mga tunay kong kaibigan, pumunta man ako doon, makakilala man ako nang sandamakmak na kaibigan. Iba pa rin kayo Jom, Bevs, She at Rea.

x's
LINK NG PHOTOS >>>>>>> Tropang B

Thursday, January 05, 2006

Hirap pagkatapos ng Sarap

Nagsisimula na akong magimpake ng dadalhin ko. Tutal nandoon na naman ang panganay kong ate, tiyak na mayroon nang magsusundo sa akin pagdating ko at ano man pagkukulang sa mga nadala ko ay makahihiram ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na aalis na ako. Tulad nga ng sinabi ko sa mga nauna kong post na ayoko talaga. Subalit napag-isip-isip ko na ito ang pagkakataon para malamang ko kung ano ba talaga at pano ba talaga ang mabuhay. Oo nakayanan ko sa 22 taon, subalit iba, kapag yung magisa ka na lang. Ikaw ang may hawak ng iyong desisyon, matututo kang magbudget di lamang ng pera kundi ng oras mo. Tama nga ang nanay, simula't sapul dapat ay sinanay ko na ang sarili kong mag-isa. Kaya naman ganun na lang ang takot kong umalis. Sabihin man natin na nanduon ang dalawang kong kapatid. Iba pa rin ang kalinga ni nanay.

Sabi ni Ate siguro aabutin ng isang buwan bago ako makapag-adjust sa lugar. Ano nga kaya ang pakiramdam ng wala kang makikitang dyip at tricycle. Nasana'y na kasi akong makarinig ng mga tunog na nanggagaling sa mga behikulong ito kasi naman malapit ang bahay namin sa highway. Masarap daw ang hangin doon ... di tulad dito. Sapat na kaya iyon para mabuhay ako? Murang bilihin, sagana sa bagay na hindi ko nakakain dito. Tsokolate, sus malamang manawa daw ako. Ubas, cherries, pistacio at kung ano-ano pa. Malamang nga daw manlaki ang mata ko sa mga makikita ko. Ano nga kayang pakiramdam na tumira sa isang lugar na puro buhangin. Sabi ni ate iba daw ang kulay ng alikabok doon, "Puti" ... ano't-ano pa man. Kakayanin ko kaya???

Siguro sisilip na lang lagi ako sa bintana, iisiping malayo man ako sa pinas, malayo man ako sa mga taong nakasama ko na ng matagal alam ko, isa sa kanila ay nakatanaw din at iniisip ako. Sana nga??

Wednesday, January 04, 2006

Who Needs New Year Resolution...


Bagong taon! Bagong simula ika nga nila. Sawang-sawa na ako sa katanungan kung ano ng "New Year's Resolution" ko. Pakiramdam ko kaplastikan na lang iyon. Kasi hindi ko rin naman nagagawa. Kaya naman para sa akin isa lang ang hiling ko "CONTENTMENT" kung ano man ang mayroon at darating sa akin ay tatanggapin ko. Tutal lahat naman nang bagay ay nangyayari ng may rason.


HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!

Blogroll

Labels

Counter